41. Rage at the Academy

Magsimula sa umpisa
                                    

Isang malakas na pagsabog. Tantiya ko'y sa harap 'yon ng house of draco. Sinundan pa iyon ng dalawang magkasunod na pagsabog na tila isang malakas na bomba. Pagkatapos no'n ay ang bahagyang pagyanig ng lupa. Dalawang malalakas na tili ang gumising pa sa buong academy.

Nagkakagulo na sa labas! Marahil ay kagagawan ito ng dark master at ng mga tenebris.

Napahigpit ang yakap ko sa mahimbing na si Lara. Ilang saglit pa ay naalimpungatan na ito dahil sa magkakasunod na tili at sigaw mula sa labas. Napasapo ang kaliwang kamay nito sa aking pisngi habang nananatiling nakasiksik sa aking leeg.

"Lahat kayo! Bumalik kayo sa inyong silid!" malakas na sigaw ng isang matanda mula sa labas ng house of draco. Nabosesan ko 'yon. 'Yon ang head ng house of draco na si tatang Dravan.

"M-may kaguluhan." Sabi ni Lara bago patay malisyang bumalikwas ng bangon. Mabilis itong tumakbo sa bintana at dumungaw.

"May nakasira ng magic shield ng academy. May nakapasok!" Paliwanag ko kanyaa. Mabilis ko ring kinabig ang babae gamit ang aking mga braso at agad na itinago mula sa pagkakadungaw. "Stay here. Ikaw ang pakay nila." Bulong ko sa kanya habang nakadikit ang katawan nito sa katawan ko.

"M-mga tenebris..." kabado nitong sambit. Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay nito.

"I'll keep you safe here. I promise."
bulong ko habang pinagmamasdan ang palitan ng atake ng mga tenebris at ng tatlong heads of houses na sina Phobus, Dover at Dravan.

"Laurent, let me out. Malamang nandoon si Cael." narinig ko mula kay Lara sabay na nagpupumiglas mula sa aking mga brasong mahigpit na nakapulupot sa kanya.

"No! Please stay here. Stay with me." Pinilit kong pakalmahin ito ngunit hindi ako nagtagumpay. Nagpumiglas parin siya at ang masaklap ay naglabas ito ng magkahalong kuryente at apoy na enerhiya na tinama niya sa aking braso.

Mukhang alam ng babae ang kahinaan ko. Napuruhan ang braso ko at bahagya akong nawalan ng lakas. Huli na nang mabawi ko ang aking sarili dahil nakalabas na ng silid si Lara. Shit! Stubborn!

Paglabas ko ng house of draco ay makakapal na usok at nasusunog na mga halaman ang bumungad saakin. Nasa iisang sulong ang mga tenebris habang nakaharap sa kanila ang tatlong heads. Hinagilap ko kung saan nagtungo si Lara pero hindi ko ito mahanap. Nagkakagulo na rin sa bandang likuran ng selection hall kung saan nagtago ang mga estudyante ng academy.

"Lara!" Malakas kong sigaw habang binabaybay ang daan patungong selection hall. Mabilis akong nakapasok sa hall at naabutan ko doon ang mga estudyanteng takot na takot sa mga nangyayari. "Lara! Where is Lara?"

Tila gulat naman ang mga nandoon sa hall dahil wala ni isa ang sumagot. Nangangahulugang hindi nila nakita si Lara.

"Laurent, Lara is not here!" I heard Tanya from the crowd. Iniluwa ito ng kumpol ng mga esyudyante at agad na lumapit saakin. "Halika, hanapin natin siya sa labas!"

Agad kaming lumabas ng hall. Nakasalubong namin si Amber na karga si ruru at si Silex. Parehas pang nakapantulog ang dalawa na pinasadahan ang suot kong boxers at sando.

"What's going on? Where's Lara?" nag-aalalang tanong ni Amber.

"Ruuu!" Ru was shaking and fidgeting. Tila hindi maganda ang paakiramdam nito dahil sa pamumula ng kanyang balahibo.

"Nagsasagupaan na ang tatlong heads at ang mga tenebris. Mukhang outnumbered ang mga heads natin dahil dumadami ang mga tenebris habang tumatagal ang labanan." Silex exclaimed. Bakas sa mukha nito ang labis na pagkabahala. "The head's won't let us fight against the dark forces."

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon