Kabanata 8: Crocitieus

20 0 0
                                    

[Zin's POV]

All the scientist bowed their heads at her. May kung anong sinabi ang mga siyentista sa kanya na ikinatango ng kanyang ulo. Hindi ko marinig dahil sa kalayuan ng kinatatayuan ko.

Tumalikod na silang lahat at pumasok sa loob ng kweba kaya dali-dali na akong tumakbo papunta roon.

What is going on? Bakit sa kweba? Are they hiding something here?

Sumilip ako sa loob ng kweba at tanging dilim lang ang makikita roon.

Napabuntong-hininga ako. I think i'll just have to wait. Mahirap na kung mahuli ako.

Mabilis akong tumago sa likuran ng mga makakapal na damo nung makarinig ng mga yapak na nagpapaalam na may lalabas sa kweba.

"We need something bigger. That monster is not enough."

"Doctor Ville, it took 400 lives to capture that thing. It's a risk to capture another."

Tatlo silang siyentista. Si Doctor Ville yata ang babaeng pula ang buhok at may pulang frame ng eyeglass. Obsess yata ito sa kulay pula. Pati boots at dress ay pula rin. Ang tanging puti na suot niya ang kanyang doctor's coat.

Ang dalawa ay lalaki na parehong brown ang mga buhok. Ang isa ay may katabaan at ang isa naman ay patpatin.

"You know what, your problems will be sort out if we send out Agent Scythe. We can obviously capture any monster we want if we have her."

"Ricko, it's against the rules. The Head Commander is paranoid and against in sending out the assassins to mini battles especially her."

Umalis na sila at nagtaka ako nung ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin nakakalabas si FCA.

Napaayos ang tayo ko at nanlaki ang mga mata ko nung may malakas na halinghing ng isang halimaw na nagmumula sa kweba.

Si FCA!

Nakalimutan ko na ang paghaharap namin kanina at kung gaano ako naiinis tuwing nakikita ko siya. All that matters is saving her.

Tinaas ko ang magkabilang kamay ko habang tumatakbo at agad kong naramdaman ang AL-X na dumapo sa aking mga kamay.

Tumigil ako sa pagtatakbo at napalaglag ang panga nung makakita ng isang dambuhalang halimaw na nasa 50 feet ang taas.

Nakahiga ito, bukas ang mga mata at naliligo sa sariling dugo. Mala-dragon ito pero walang pakpak. Mahahaba ang kanyang mga sungay at balot ng kaliskis na kulay berde.

Patay na ito... tiyak ako.

Unti-unting lumipat ang mga mata ko sa isang bulto na nakaupo at nakasandal. Si FCA Cofflin. Puno ng dugo ang mukha nito na tiyak kong galing sa halimaw. Nagsalubong ang kilay ko nung dinilaan niya ang kamay na may dugo ng halimaw. Nakangisi ito na parang namamangha sa ginagawa.

"You killed it?" Tanong ko at agad kong nakuha ang atensyon niya. Inangat niya sa akin ang kanyang tingin at ngayon lang napagtanto na hindi siya nag-iisa.

Hindi siya sumagot, bagkus ay lumipat ang mga mata niya sa bagay na hawak ko.

"Y-your AL-X," sambit niya at napataas ang kilay ko. What's with my AL-X?

"It's a pair of sickle. Never seen one before?" Hindi ko maiwasang magtaka sa reaksyon niya. Nakaawang ang labi at napatitig siya sa mukha ko.

"I'm asking you, how did you take this one down?!" Tumaas ang boses ko dahil sa pananahimik niya.

Biglang umiba ang ekspresyon niya. Naging seryoso. Ang kanina'y namamangha niyang mga tingin ay naging matalim.

"I'm an assassin, an intellegent Cadet wouldn't be so surprise to see an assassin take a Crocitieus down all by herself."

A Crocitieus?!

Nanlaki ang mga mata ko at parang napipi. That's impossible! Tumingin ako muli sa halimaw at ngayon ko lang napagtanto na mas nakakatakot ito sa personal. I've only seen a Crocitieus in a modern almanac. I never thought that Crocitieus could be this huge.

Crocitieus is one of the many hundred guardians of the Elvesmith Fortress. Sa taas nitong 50 feet ay sinasabi na ang Crocitieus ang pinakamaliit sa mga halimaw na alagad ng mga Elvesmiths. It will take an army to take down a single Crocitieus because of its fire-breathing ability and tail full of spikes. Hindi lang basta halimaw ang mga Crocitieus, matalino rin ito at nasa 84 hanggang 90 ang IQ.

"The weakness of a Crocitieus is considered unknown. Please, tell me, how did you defeat one?" May halong pagmamakaawa ang boses ko. Wala akong pakealam kung maging katawa-tawa ako sa harapan niya. I need to lower my pride in order to learn.

Tumaas ang sulok ng labi niya pero nananatiling walang emosyon ang kanyang mga mata.

"Really? It's Unknown? I've killed more than hundreds. I guess you read the wrong book, Mister Cadet."

More than hundreds? How is the even possible?

"H-how?" Lumapit siya sa akin at bumulong. "Its weakness is... its uvula."

Tumingin ako sa walang buhay na Crocitieus at nakita ang tilao nito na mukhang pinutol.

"How did you killed hundreds–" Natahimik ako at napakunot ang aking noo nung wala na siya. What the heck?

.

Pinuntahan ko ang library na nirekomenda ng enforcer sa kulungan.

Pumasok ako at naroroon ang isang librarian na isang lalaki na may katandaan na. Nung makita niya ako ay agad niya akong nginitian bago nagpatuloy sa paglilinis ng shelves.

Halos lumuwa ang mga mata at malaglag ang panga ko sa laki ng library. May tatlong palapag at lahat ng gamit ay gawa sa kahoy. Medyo may katandaan na rin ang mga mesa at upuan.

Napadpad ako sa second floor nung mahanap ko ang ika-45 na shelf. May malaking karatula sa taas ng shelf na nagsasabing REBIRTH ERA. Sa dami ng libro ay hindi ko na alam kung alin ang dapat kong basahin kaya kinuha ko na lang ang mga librong may Assassin na salita sa front cover.

"Where have you– what's that?" Tinuro ni Esthis ang mga hawak ko at agad ko naman siyang tinaasan ng kilay. "Books... obviously." Nilapag ko ang tatlong librong bitbit ko sa mesa bago umupo sa couch.

Lumapit sina Rud, Esthis, Khort, at Lindir sa mesa para tingnan ang bawat librong nilapag ko.

"You're surely obsessed with Agent Undead, huh?"

"You got the wrong idea. I want to know about assassins, not specifically about her"

"Okay..." Sabay nilang tugon nang nakangisi.

The Mysteries of Agent ScytheWhere stories live. Discover now