Chapter 77

838 30 0
                                    

LUDO POV

Habang nagtitimpla ng gatas ay pinipigalan kong wag maduwal.

"Ipaghahain na kita,kumain kana tapos ko nang lutuin ang adobo."nakangiting sinabi ni Mira kay Azriel.

Mariin  itong nakatingin sa akin,at sa hawak kong baso ng gatas.

Akmang tatalikod na ako ng bigla itong magsalita.

"Have you eaten?tanong nito.

Inosente ko lang itong tinignan.

"I'm talking to you woman!

Tuluyan na ngang nawala ang pagtawag  niya sa akin ng baby,nakaramdam ako ng sakit at lungkot dahil dito,pero hindi ko ito ipinahalata.

"Oo tapos na"pagsisinunggaling ko sa kanya.

"Azi,konti lang niluto ko para sa atin lang talaga,hindi ko naman alam na nandiyan pa pala siya."mahinang saad ni Mira.

Dahil sa narinig ay tuluyan na akong umalis.

Dumiretso ako sa labas kung saan makakalanghap ako ng sariwang  hangin.

Inubos ko muna ang gatas na aking tinimpla bago maisipang magpulot ng mga malilit na kabibe.










-------

Masaya kong tinitignan ang mga kabibeng aking napulot habang nakaupo sa buhangin.

Nililipad ng malakas na hangin ang aking buhok kaya naman natatabingan ang aking mukha.

Hindi ko rin napansin ang taong nakatayo sa aking harapan.

"Looks like you're busy with what you're doing."

Alam kong si Azriel ang nagsalita pero hindi ko ito pinansin.

Nang matapos kong ayusin ang mga kabibeng aking mga napulot ay tumayo na ako upang maidala ito sa aking tinutuluyang silid.

Ayoko siyang makita at makausap hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kanya.

"I'm talking to you woman."

Nilingon ko ito ng nakakunot ang noo .

"Akala ko kabibe ang nagsalita ikaw pala."nayayamot na sabi ko sa kanya.

"What the-

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nito,mabilis akong tumakbo papasok ng bahay.




Dumiretso ako sa aking silid pero bago ako makarating doon ay nakita kong pumasok si Mira sa silid na tinutuluyan ni Azriel.

Ibig bang sabihin nito ay nagsasama sila sa iisang silid.

Naghihina ako sa aking naisip.
Hindi ko alam ang dahilan kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo ni Azriel  kay Mira at sa akin.

Dahil sa pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakatulog ako.

Nagising nalang ako sa ingay na aking naririnig sa labas ng pintuan ng aking silid.

Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa pintuan.

Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko kung paano halikan ni Mira ang aking Asawa,si Azriel ay nakahawak sa mukha ng babae at gumaganti ng halik.

Mahina kong isinara ang pintuan at sumandal dito.

At tuluyan nang bumagsak  ang mga luhang aking pinipigalan simula kanina.

Sobrang sakit ng aking nararamdaman,kung alam ko lang na ganito ang aking kahihinatnan hinayaan ko nalang sana na mapunta sa kanya ang aming lupain.

Humahagulgol ako ng mahina  pinipigilang makalikha ng ingay.





Ano ang dahilan mo Azriel?
Bakit bigla ka nalang nagbago?





Mafia Obssesion Where stories live. Discover now