Chapter 18

1.1K 54 1
                                    

LUDO POV

Katahimikan ang namayani sa pagitan naming tatlo.
Walang sino man ang may gustong magsalita.

Si ina ay masusing nakatitig sa aming panauhin.

Nakaupo ito at mariing  nakatitig sa akin.

Walang pakialam sa presensya ni ina.

"Me and your daughter are married."pambabasag niya sa katahimikan.

Seryosong nakikinig si ina sa kanya.
Napapagitnaan namin siya sa aming sofa ako ay nasa kanyang kanan at si ina ay sa kaliwa maluwag naman ito at malaki ang espasyo.

"And also have no intention of buying your land..."bale walang dagdag pa niya.

Dahil sa kanyang sinabi ay kunot noong lumingon sa akin si ina.

"Gusto kong marinig ang mga paliwanag mo ludo."

Hindi ko maiwasang pisilin ang aking mga daliri dahil sa kaba.

Laking gulat ko nang bigla niyang hawakan at pisilin ang mga ito.

Napatingin ako kay ina.

Nakita ko na titig na titig ito sa aking suot na singsing.

Nakalimutan kong alisin kagabi.

Natatakot ako na baka mawala ito,mukhang mamahalin pa naman ito.

"Ludo..!madiin na tawag ni ina,pilit ko namang tinatanggal ang kanyang kamay sa aking mga kamay.

"K-kasi ina,pinuntahan ko siya kahapon sa kanyang tinutuluyan.H-humingi ako nang tulong kay aling gina'tinanong ko siya kung...kung saan ko maaaring makausap at makita ang taong gustong bumili nang ating lupa.Sa una nagdalawang isip siya na ibigay baka magalit ka,pero nakiusap ako sa kanya ina.Kasi desperado na ako na kausapin siya at humingi nag pabor sa kanya."hiningal ako sa sobrang dami nang aking sinabi.

"At paano nauwi sa kasalan ang lahat!.galit niyang tanong.

Tsssk.....rinig kong palatak ng aking katabi.

"Ang sabi niya pakasalan ko daw siya kapalit nang hindi pagbili sa ating lupa."nakayuko kong paliwanag.

Napatingin ako sa aming mga kamay na magkadaop.

Napakalaki nang kanyang mga kamay at mauugat ang mga ito.

"Sa madaling salita napikot ka nang lalaking iyan!!.Malakas na sigaw ni ina.

"What the fuc- don't shout mother in law.'tumayo ito.

Dahil magkadaop ang aming kamay ay pati narin ako ay napatayo.

"Aba mister!saan mo dadalhin ang anak ko?

"We are married so wherever I take her is fine."

"Sandali Azriel,hindi ko pu-pwedeng iwanan si ina mag-isa na lamang siya."maluha luha kong sabi.

Ayokong mawalay kay ina siya na lamang ang natitira kong pamilya at alam kong ganun din siya sa akin.

Tiningnan niya ako ng masama

Kinurap ko ang namuong luha sa aking mata.

"Fine."buntong hininga na lamang itong bumitaw sa aking mga kamay.

"I'm leaving but I'll get back to you!Do you understand?

Kahit naguguluhan sa kanyang mga sinabi ay mabilis akong sumang-ayon.

"See you next time "il mio bambino."hinalikan niya ako sa noo bago lingunin ang aking ina na mariing nakatingin sa amin.

Katulad nang kanyang nakagawian ay umalis ito nag hindi nagpapaalam.



"Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na may asawa kana,at bakit sa bastos na iyon kapa nakasal...."




Kahit ako ay hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.

Wala naman sa plano ko ang pakasalan ito,ang gusto ko lang naman mangyari ay pakiusapan ito na wag na lang bilhin ang aming lupa.





"Gwapo nga bastos naman! Narinig kong bulong ni ina.




























Please vote ❤️

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon