Chapter 23

1.1K 47 0
                                    

LUDO POV

Kanina pa kami bumabyahe mukhang malayo ang aming pupuntahan,at may limang sasakyan ang naka sunod sa amin.

Kasama doon ang lalaking nagngangalang Alejandro pagkakita niya nga sa akin ay sumaludo ito.

Mabilis rin itong pumasok sa loob ng kanyang sasakyan ng mapansing masamang nakatingin si Azriel dito.

Nag-aaway kaya sila.

"Come near me."pambabasag niya sa katahimikan.

Nagtataka akong tumingin sa kanya.

Nang makita niya akong hindi kumilos ay siya na mismo ang humila sa akin palapit sa kanya sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Go to sleep first "il mio bambino".sabi niya.

Bigla naman akong nakaramdam nang antok .

Ipinatong niya ang ulo ko sa kanyang matigas na dibdib.

Bago ako dapuan nang antok ay may ibinulong pa ito sa akin.

Hindi naging malinaw sa aking pandinig kaya pinag sawalang bahala ko nalang ito.

Naalimpungatan ako dahil sa lamig na aking naramdaman.

Pagmulat sa aking mga mata ay tumambad sa akin ang maaliwalas na  silid.

Malaki ang silid na ito  katumbas sa laki ng aming bahay.

Puro abo at puti ang kulay.

Wala itong kadise-disenyo.

Biglang tumunog ang aking tiyan.

Nagugutom na ako.

Tumayo ako at binuksan ang kulay abong pinto kakulay ng kanyang mga mata.

Pagkabukas ay dahan-dahan akong naglakad sinusuri ang bawat madaanan.

Napakalaki nang kanyang bahay para itong palasyo.

Ang mga ilaw na nakasabit ay nagkikislapan ang mga disensyo.

Ang sahig ay kumikinang sa sobrang kintab.

May nakikita pa akong malalaking mga paso mukhang mamahalin ang mga ito.

Huminto ako sa paglalakad dahil  pababa na ako nang hagdan.

Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa pababa.

Nakakatakot baka sa maling hakbang ay malaglag ako.

Mahirap na baka mabalian pa ako nang  buto sa katawan.

Nakahinga ako ng maluwang ng tuluyan na akong makababa.

Dire-diretso ang naging lakad.

Wala akong ka ide-ideya kung saan ako makakarating.

Napakalawak ng bahay na ito pero wala ni isang tao akong nakikita.








"Who are you!." matinis ang boses na aking narinig.

Nang lingunin ko ito ay laking gulat ko ng biglang dumapo ang kanyang palad sa aking pisngi.

"Aaahh!napasigaw ako sa sakit.

"I said who are you?."dahil sa gulat at sakit na aking naramdaman ay hindi ako agad nakasagot.

"Are you azriel's new whore?.nanlilisik ang mga matang tanong niya

Nang wala itong makuhang sagot sa akin ay mabilis niyang hinablot ang aking buhok at kinaladkad.

"Leave before I kill you!" nanggigigil niyang saad.

"Na-nasasaktan a-ako! Aniya ng muli s'yang kaladkarin  palabas.

Nang tuluyan kaming makalapit sa pinto ay may  humablot dito at  may kalakasang itong ibinalibag.

"Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa?
Alam mo ba kung sino ang babaeng sinasaktan mo!gusto mo bang mamatay?malamig at nakakatakot na  saad ng lalaking humablot sa babaeng nanakit sa akin.

"W-what d-do you mean?nauutal na tanong ng babae.



"What's going on here? galit na boses na tanong ni Azriel.

"Boss-"

"WHAT THE FUCK!.kunot noong sigaw niya.

Mabilis itong lumapit sa akin at hinawakan ang aking mukha.

Titig na titig ito sa aking mga mata.

Alam kong sobrang pula ng mga ito dahil sa pinipigilan kong mga luha.

Bumaba ang kanyang tingin sa aking mukha at dahang-dahan hinawakan ang namamagang pisngi.
Nakita niya kung paano umigting ang panga nito.


"Who did this to you!" malamig na tanong niya.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagkawala ng impit niyang  mga hikbi.













Please vote❤️

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon