Chapter 63

918 34 0
                                    

LUDO POV

Inilibot ako ni Azriel sa buong isla,at tulad ng aking inaasahan ay napakaganda nito.

Ang kanyang bahay ay purong gawa sa salamin,napakaaliwalas nitong tignan at ganda kitang kita mo ang mga tanawin sa labas.

Narito kami ngayon sa tabing dagat,abala ako sa pamumulot ng mga kabibe,naaaliw ako sa iba't ibang uri ng mga ito kaya naisipan kong mag kolekta upang gawing mga palamuti.

Si Azriel ay nasa ilalim ng puno nakamasid sa akin.

Kahit may suot na salaming kulay itim ay alam kong sa akin ito nakatingin.

Naglakad ito palapit sa akin.

"That's enough baby,papasikat na ang araw,let's eat."

Pansin ko rin dito ang kanyang madalas na pagsasalita ng tagalog na aking nagugustuhan.

Pinulot ko ang mga kabibeng aking kinolekta sa buhangin at inilagay ito sa laylayan ng aking bestida.

Dahil nakasuot ako ng maikling panloob ay doon ko na lamang ito inilagay upang hindi ako mahirapan sa pag bitbit.

Tinulungan ako ni Azriel na maglagay ng mga ito.

Nang maayos na ang lahat ay inakay na ako nito maglakad patungo sa kanyang malaking bahay.

Papasok na kami sa loob ng bahay ng may dalawang matandang babae at lalaki ang sumalubong sa amin.

"Magandang umaga po Senyorito at senryorita,nakahain na po ang inyong almusal maari na kayong kumain.'nakangiting sinabi nito.

Ngumiti ako sa dalawang matanda ng makita kong nakatingin sila sa akin.

"Napaka-ganda mo naman senyorita."

"Maraming salamat po?

"Sol,tawagin mo nalang akong nanay Sol at ito naman ang aking asawang si Fidel matagal na kaming katiwala ng iyong asawa,kami rin ang nangangasiwa ng bahay na ito."

"Ako po si Ludo,kinagagalak ko po kayong makilala."nakangiti kong tugon sa kanila.

Tahimik lang si Azriel na  nakamasid sa aking tabi.

"Let's go baby,let's eat."

Magalang naman akong nagpaalam sa dalawa, inakay ako nito papunta sa hapag kainan.

"Azi,magandang umaga,pinagluto ka namin ni inang ng iyong mga paborito kumain kana."
   
Bungad ng babaeng kausap ni Azriel kanina,abala ito sa pag-aayos ng mesa nang amin itong datnan.

Hindi ito pinansin ni Azriel,tinulungan ako nitong ayusin ang mga kabibeng aking kinolekta,inilagay niya ang mga ito sa isang malaking garapon na kanyang nakita kung saan.

Napahiyang yumuko ang babae at ipinapatuloy na lamang nito ang ginagawa.

"Wash your hands."

Inalalayan din ako nitong maghugas ng kamay.Nahuli ko pang nakatingin ang babae sa amin.

Nang matapos na ay dumiretso kami sa hapag.

Lumapit ang babae sa gawi ni Azriel,akmang lalagyan na niya ng pagkain ang plato ni Azriel ng itaas nito ang kanyang kamay upang pigilan ito.

"You can leave"

"Pe-pero ang sabi ni Inang ay kailangan ko po kayong serbisyuhan ng mabuti."

"Tell your mother you can leave, I need a private place with my wife.'

Nakita ko ang dumaang sakit sa mga mata nito.

"Azriel baby,ayos lang na dumito sila malaki naman itong bahay para sa ating dalawa."nakangiti kong sinabi dito.

Nang lingunin ko ang babae ay wala sa akin ang kanyang atensyon,mariin itong nakatingin kay Azriel na abala sa paglalagay ng kanin at ulam sa aking plato.

"No baby, kailangan masolo kita."

"Eh?inosente ko itong tinignan.

Ngumisi lang ito sa akin bilang tugon.

"Eat."

Ang babae ay tuluyan ng umalis ng walang paalam.








Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon