Chapter 32

1.1K 43 0
                                    


LUDO POV

Nagising ako sa sikat nang araw na tumatama sa aking mukha.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

Pagmulat ko ay siya ding paglabas ni Azriel sa banyo halatang bagong ligo ito dahil basa ang kanyang buhok at nakatapis ito nang maliit na tuwalya sa kanyang baywang.


Iniwas ko ang tingin sa kanya.

Nagkakasala ang aking mga mata.

"Are you done staring at me?nakangisi niyang sinabi habang lumalapit sa aking hinihigaan.

Mabilis akong tumayo at pilit na iniiwasang tumingin sa kanya.

"H-hindi ko s-sinasadya na mapatingin sa h-hubad mong katawan."saad ko sa kanya na hindi tumitingin sa kanyang mga mata habang nilalaro ang mga daliri sa kamay.

Nakangisi itong lumapit sa akin at hinawakan niya ang aking mukha na marahil ay pulang-pula dahil sa hiya.

"That's ok baby,,"

"Did you just see a man's body?malamig na tanong niya sa akin.

Nag-isip ako ng isasagot sa kanya.

May nakita na akong lalaking walang suot na saplot pang-itaas sa katunayan siya lang ang kauna-unahang lalaking nakita kong ganyang kakisig iyong mga nasa pamilihan na aking nakikitang walang suot pang-itaas ay hindi man ako nakakaramdam ng paghanga.

"O-oo."mahina kong sagot.

"And who is that fucking man?mariin niyang tanong.

Biglang nagbago ang awra nito.
Para itong bubuga ng apoy,tulad nang sinasabi ni Manang.

Nag-igting ang kanyang mga panga.

Mukhang hindi niya nagustuhan ang aking sagot.

"Y-yung mga nasa p-pamilihan,n-nakikita ko silang h-hubad baro kapag isinasama a-ako ni ina doon." nauutal kong paliwanag sa kanya.

"Take a bath and then we'll eat breakfast,after that we will leave". salubong ang mga kilay na utos niya.


Nagtaka ako sa biglaang pagbabago ng kanyang kalooban.










-------

Tulad nang kanyang sinabi naligo muna ako bago kumain ng almusal.

Hindi na ito nakasabay sa akin dahil tumunog ang kanyang telepano.



Tahimik akong nakaupo at nakatingin sa labas nang bintana ng kanyang sasakyan.

Ang kasama kong si Azriel ay abala sa hawak niyang telepano.

Hindi niya ako kinakausap simula kanina, sanay naman ako sa kanya dahil alam kong bihira lang itong magsalita.

At kung magsasalita man ito ay napakatipid lang.

Tumigil ang aming sinasakyan at nauna itong lumabas.

Habang ako ay ipinag-bukas ng pinto ng kanyang driver.

Pagkabukas niya ay sinalubong ako ni Azriel.
Mahigpit niyang hinapit ang aking baywang palapit sa kanya.




Nagpalinga-linga ako sa paligid at namangha ako sa aking nakikita at dahil dito hindi ko maiwasang maibuka ang aking bibig.

Napakalaki at napaka-ganda ng gusali.

Nagsimula ng maglakad si Azriel dahil mahigpit ang pagkakaka-hawak niya sa aking baywang ay napatangay ako sa kanya.

Pumasok kami sa pintuang gawa sa salamin na kusang bumukas.

Mas lalo akong namangha sa nakita.

Kaya naman napatingin ako bigla kay Azriel,kita ko sa kanyang mga mata na natutuwa siya sa aking reaksyon.

"Azriel p-paano bumukas ang pintuang gawa sa salamin?."hindi makapaniwalang tanong ko

Tumawa lang ito at hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap sa akin.

Natatakpan na ang aking mukha sa kanyang dibdib.

"Eh,wala na akong makita Azriel"pilit ko naman siya itinutulak,pero mas lalo niya akong idiniiin sa kanyang dibdib.

"There starring at you,and i don't like it!.malamig na saad niya.















Please vote❤️

Mafia Obssesion Where stories live. Discover now