"Hehe! Ako pa talaga ang inuto ng lalaking 'to ganoong nasa professional level na ako ng mga sinungaling. P–pfft! Ehem! At talagang proud ka pang sinungaling ka, Carnelia?!"





Tinigil ko na ang pakikipag-away sa sarili ko dahil sa susunod na sinabi ni Vile.





"Don't accuse me." Malamig na sabi niya na kinatawa ko. P–ppft! Bakit kung makapagsalita siya ay parang aping-api ko naman siya?





"Hahaha! Okay. I was just kidding." Natatawa ko pa ring sabi.





Hindi ako maka-move on dahil sa 'choice of words' ng animal. Akala mo talaga ay inaakusahan ko siya sa mabigat na kasalanan para manlamig bigla ang paligid.





"I'm surprised that you know that word, young master." Sabi ko na lang nang hindi siya magsalita.





"Why?"





"Yo–you don't like me, so it's normal to be surprised that you miss me." Nakasimangot kong sabi habang nakapangalumbaba na sa railings.





Hindi niya ba alam kung gaano ako naiinis kapag pinaulit-ulit niyang hindi niya gusto si Heavenhell? Ang lakas ng loob niyang yumakap-yakap sa'kin, tapos hindi pala ako gusto. Kung sapakin ko kaya siya nang magtanda?





Tsk! Pasalamat siya at may pagka-malandi lang ako kaya ko siya pinapayagang yumakap sa'kin. Hahaha!





"P–pfft! Ehem! Ang sabihin mo ikaw ang tsansing sa male lead, Carnelia! Huwag ka nang magsinungaling ganoong sarili mo lang naman ang kausap mo, bruha!"





Pinigilan ko na lang ang awayin ang sarili dahil tinatanggap ko nang ako talaga ang manyak sa'min ng male lead. AKO NA. INAAMIN KO NA NGA! Aish! Kayo kaya mamatay nang walang experience sa kahit na ano, tignan ko lang kung hindi niyo pa ilalabas ang kalandian niyo.





Atsaka, mamaya ito pala ang purpose ko sa buhay kaya ako nabigyan ng second chances. Second chance ko na pala ito para lumandi. Bwahahaha! P–pfft! Ehem! Ehem! Ang kalandian ay ialis natin sa isipan, ganoong kausap mo pa si kamatayan. Heh!





"I see." Seryosong-seryoso na sabi ng animal. Sa tagal ko ngang nag-isip ay ngayon lang siya nagsalita. Tsk! Mga late reaction talaga ang mga characters dito. Laging delay ehh!





Pinaseryoso ko ang aking boses bago nagsalita. "However, to be honest, I don't believe you." Pag-amin ko dito.





"I bet you just said that to make me feel good because you know that I'm suffering right now." Dagdag ko pang sabi nang hindi siya magsalita.





Siguro nga ay nakaramdam 'to ng konting concern para pagaanin ang loob ko, kahit pa na napaka-imposible. Atsaka, normal lang naman sa tulad kong avid reader ng nobela na hindi maniwala sa mga sinasabi niya. Kung miyembro ako ng uto-uto gang, pwede pa.





Nang hindi ko marinig ang sagot ni Vile ay napahinga na lang ako ng malalim. Aiya! Kailan kaya magiging madaldal ang animal na 'to? Gusto ko tuloy mabasa kung ano-anong iniisip niya. Napailing ako bago naisipang magsalita.





"Am I right? Don't worry, young master. I understand and—" Hindi ko na naituloy ang dapat na sasabihin nang marinig ang mahinang mura ng male lead.





"Fuck."





(⁄ ⁄•⁄_⁄•⁄ ⁄)⁄





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now