Chapter 33: A New Member

Beginne am Anfang
                                    

Success!

"Sa wakas ay buo na uli tayo!" masiglang wika niya.

"Dakilang Bakunawa, masaya ako't nakabalik ka na rin," aniya pa at napangiti naman ang isa.

"Salamat, Raksasa."

Agad kaming nagkatinginan ni Raksasa habang halos lumuwa ang mga mata at hindi makapaniwala.

"N-Nabibingi na ba ako, Hemia?" gulat na tanong niya.

"Magugunaw na yata ang mundo," natatawa ko ring saad.

Napatitig kami kay Bakunawa na kunot na ang noo at naguguluhan, "Ano bang pinagsasasabi niyong dalawa?"

Sabay na lang kaming napailing at nagpigil ng ngiti. I see, he's learning how to say gratitude to others now.

"Kung ganoon, gaya ng sabi ni Lawin. Mas mabuting mamili muna tayo ng makakaya nating mabili rito," sabi ko.

"Sige, ako na ang magbabantay dito sa mga kabayo. Kayo na ni Ban ang maglibot at mamili, Hemia. Magtatanong-tanong din ako rito ng maaaring magandang ruta para sa atin," he then gave us the pouch filled with coins that Lawin gave.

I can hear the sound of money reaching the depths of my heart. Crap. Unang beses akong makahawak ng ganito karaming pera.

Tumango na lang ako sa kaniya.

Nabalik ang tingin ko kay Bakunawa na palinga-linga sa paligid.

We're in the middle of the night but the village market is still bustling with people.

Lumapit ako kay Bakunawa at tumingkayad para abutin iyong hood na suot-suot niya saka iyon hinila paibaba para matakpan iyong mukha niya. Lawin gave it to him before he left.

"Huwag mo itong tatanggalin," utos ko sa kaniya.

"Babalik nanaman ba tayo sa pagtatago?" Nababagot niyangtanong.

"Wala tayong magagawa. Tara. Sandali lang kami, Raksasa," paalam ko. He nodded at us.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa direksyon ng pamilihan.

Seryoso akong tumitingin sa mga estante ng mga gulay at prutas nang mapuna kong wala si Bakunawa sa tabi ko kaya nanlaki ang mga mata ko at iginala iyon sa paligid.

Nasaan ba iyon? Akala ko nakasunod siya sa akin.

Inis akong napakamot sa ulo ko at nagsimulang hanapin siya.

Halos paikot-ikot na ako at marami na rin akong nakakabanggaang tao nang makita ko iyong pamilyar na tuktok ng hood niya sa 'di kalayuan. Buti na lang talaga at matangkad siya.

Napabuga na lang ako ng marahas na hininga saka kinaladkad ang mga paa ko papalapit sa kaniya.

Ano bang ginagawa niya?

Ngunit halos matumba ako nang biglang may malakas na bumangga sa balikat ko.

"Ah, pasensya na---"

"Kakailanganin mo ng isang babaylan. Magtungo ka sa probinsya ng Ynabuyan, doon mo siya mahahanap," mahinang usal ng lalaking siyang nakabanggaan ko.

The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt