23

27 10 0
                                    

Chapter 23 : Beer









HIS




PAANGKAS na ako ng motor ko ngunit napatigil ako noong may naramdaman akong vibrate sa phone na pinahiram saakin ni Alas.




CHACHABABE
is calling you...




Innaccept ko naman iyon at sinagot. Alam ko kasing si Alas ito, kanina pa nga kami nagcacall.



"Hey, Chy. May tumawag saakin, galing daw Xenri Bar. Nandoon daw si Sechrie. Nakatulog daw siya doon, puntahan mo na." rinig kong saad ni Alas sa kabilang linya at agad naman akong umangkas sa motor.




Sinabi saakin ni Alas kung saan ang Xenri Bar, at medyo malayo pala ito sa inaasahan ko.






Pagkarating na pagkarating ko sa harap ng Xenri Bar ay agad na akong pumasok.



Modern ang disenyo ng lugar at walang gaanong tao dito. Tahimik lamang silang lahat na nagiinuman. Nilibot ko ng tingin ang buong lugar at napahinto ako noong makita ko si Sechrie na nakatulog na sa counter.




Nakita ko namang napatingin saakin ang bartender at kinawayan ako. Lumapit naman ako dito at tinignan agad si Sechrie.





"Sechrie," tinabi ko ang ilang hibla ng mga buhok niya sa kanyang tenga. Binuksan niya naman ng maliit ang kanyang mga mata.





"S-Sino ka?"






"Umuwi na tayo, Sechrie." mahinang sampal ko sa pisngi niya. Ngunit ipinikit na lamang niya ulit ang kanyang mga mata.





"Uwi na tayo." maotoridad kong saad. Ngunit agad naman akong nanlambot noong makita kong umiiyak siya.




"Renzo.."






Agad naman akong napatigil sa sinambit niyang pangalan at napakagat ng labi.





Hindi ko na lang siya pinansin at bumaling sa bartender.




"Nakailang shot siya?" tanong ko sa bartender. Kitang kita ko kasi ang glass shot na katabi nito.




"Hmm.. dyes at hindi pa siya bayad."




Shit. Mukhang mapapagastos pa ako dito ah.






"Ano ba ang inorder niya?", tanong ko dito.





"Tequila pero dahil mabait ako. Sparkling Soda lang binigay ko sakanya. Mahigit Php 200 lang babayaran mo, 'wag kang mag-alala." ngiti nitong sambit saakin at muntik naman akong matumba sa kinauupuan ko.




"What? Sparkling Soda?! Why does she look like a drunk woman?"



"Ay naku, palaenglish rin pala ang isang 'to. Aba't ewan ko sa gf mo, pre. Kanina pa nga iyak ng iyak 'yan. Iuwi mo na, kanina pa nga namemwerwisyo eh." Agad naman akong napakamot ng batok dahil sa sinabi niya.




Binigay ko sa bartender ang bill at inangkas si Sechrie sa likod ko.




"Sechrie, kumapit ka." paalam ko dito at pinayakap ko siya sa likod ko. Aakmang tatayo na sana ako ngunit mukhang sasakalin niya pa yata ako.
"A-Aray! Sechrie! 'Wag mo kong sakalin!"





Sa ilang minutong sinusubukan ko siyang ikarga ay nagawa ko rin at isinakay siya sa motor.




Sa byahe namin ay naririnig ko siyang umiiyak at tinatawag ang pangalan ni Renzo.





Run On Empty Where stories live. Discover now