15

39 16 0
                                    


Chapter 15: Is It Invalidating?

NANDITO ako ngayon sa kwarto ko, nakatulala at para bang hindi ko na kayang isipin pa 'yong mga nangyayari saakin ngayon. B-Bakit ba ganito 'yong buhay ko?

Bakit parang ayaw ako maging masaya nang mundo?
H-Hindi pa ba talaga tapos 'yong karma ko?

Bigla naman akong naiyak dahil saaking naisip.

Shit. Nakalimutan ko pala.
Wala pala talaga akong karapatang maging masaya. Hindi ako pwedeng maging masaya.





















MARTES na ngayon at naglalakad ako papasok sa school. Mabigat pa 'rin ang aking pakiramdam ngayon. Para naman kasing dinoble 'yong sakit na nararamdaman ko.

"Sechrie!" nilingon ko naman kung sino 'yon at nakita kong si Chary pala 'yon. Tumatakbo siyang nakaheels papunta saakin. "Beh! Ba't ka pa pumasok ngayon? You need some rest, girl!"

"Hindi ako pwedeng magdrama, ok? Baka madrop out ako niyan kung patuloy ko isasangayunan 'yong sarili ko" sagot ko sakanya at patuloy na naglakad.

Oo nga pala, nagabsent pala ako kahapon.

Nagcling naman siya sa braso ko at sumadig sa mga balikat ko habang naglalakad kami.

"Wow, para kang si Daddy. Ingat ka girl ha? Baka magkaheart attack ka niyan paginiinvalidate mo sariling feelings mo?"

Napabuntong hininga naman ako sa kanyang sinabi.

"Hindi ko naman iniinvalidate 'yong sarili ko. I-I'm just..controlling my feelings, I guess?"


"Pareho lang 'yon, gaga."



"Hindi pareho yun 'no! Ayo'ko lang talaga na madamay 'yong responsibilities ko dahil sa personal feelings ko!" sabat ko naman sakanya. Maka-'gaga' kasi 'to.

"Pero hindi mo ba naoobserve? Kahit anong gawin mong pagcontrol sa feelings mo, madadamay na madadamay talaga 'yong mga responsibilities mo."




Napahinto naman ako sa paglalakad dahil sa sinabi niyang iyon.




Oo. Tama nga siya.



"Hays! Una na ko, nasa kabila pa 'yong department ko 'eh nakarating na ako dito! Hay naku!" paalam niya at niyakap niya ako. "Nandito lang ako, 'wag kang magalala." rinig kong bulong nito saakin.



Naramdaman ko 'rin namang tinapik tapik niya muna ang aking likod bago sana maglakad paalis ngunit bigla akong nagsalita.



"E-Edi kakayanin ko," siya naman 'yong napahinto dahil sa sinabi 'kong 'yon. Lumingon siya saakin na may pagtataka sakanyang mukha. "Sisiguraduhin kong tuluyan kong macocontrol 'yong feelings at emosyon ko."



"S-Sechrie.. ba't mo ba ginagawa ito sa sarili mo?" biglang tanong nito at dahan dahang lumapit saakin. "Mga bata pa naman tayo. 'Wag mo naman madaliin 'yong buhay mo."

Run On Empty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon