10

35 15 0
                                    

Chapter 10: A Call From A Friend





MALALIM na ang gabi at nakahilata lamang ako sa aking higaan. Sabado na ngayon at 'di ko pa nakakausap si Renzo patungkol bukas. Shit. Ano ba pwedeng maging dahilan?




Sasabihin ko bang parang magkakasakit ako ngayon dahil sa trabaho? Kailan talaga na may gawin ako para bukas.



Kinuha ko ang cellphone ko at nagonline. Sa pagbukas ko ng Facebook ko ay bumungad saakin ang mga pictures noong event kanina. May event kasi dahil balik-eskwela na. Ngunit 'di ako dumalo dahil may trabaho pa ako.




Parehas kami ni Sheena na 'di nakadalo. Ngunit 'yong isang kaibigan namin yata ay nakadalo.




Sinearch ko naman ang name niya sa Search Bar.




Chary Castina.




Sa pagopen ko ng profile niya ay agad namang bumungad saakin ang mga kinuha niya ngang pictures kanina. Kasama niya ang boyfriend niya at nagulat naman ako noong makita si Mchyzer doon.




Sa post ay may nakasulat pang
'Welcome to MIS, @Mchyzer Solmiento,'






Aakmang pipindutin ko sana ang pangalan niya ngunit nagulat ako noong biglang tumunog ang cellphone ko.





ChaCha's Calling..





Nakita kong tumatawag pala si Chary saakin. Nakita niya yatang online ako kung kaya't tinawagan niya ako. Pero ano bang sasabihin nang babaeng ito saakin?




Pinatay ko 'yong call at chinat na lamang siya.






Sechrie:

Ano kailangan mo saakin?





ChaCha:

Hi beh, good eve.
Anganda namang bungad 'yan.





Sechrie:

Pasensya naman. Good eve.
Bakit ka ba napatawag?
Di ko kasi masagot, sayang
yung load XD






ChaCha:

Ang kuripot mo talagang babae ka




Sechrie:

Kuripot na kung kuripot.
Bat ka ba kasi napatawag?



ChaCha:

Hehe, ano kasi





Sechrie:

?

ChaCha:

Pwede mo ba kaming ipagdrive?





Sechrie:

Ha?




Marunong akong magdrive dahil natuto ako kung paano magdrive noong highschool ako.





ChaCha:

Bilis punta ka dito.
Ipagdrive mo kami pls.
Nakainom kasi kaming lahat.




Run On Empty Where stories live. Discover now