Chapter 4 : Friends

Start from the beginning
                                    

Nung una, napatay ako ni miggy., i mean yung hero ko. Tss expected ko na yun pero ang hindi ko ineexpect yung mapatay ko yung hero niya. Mukha nga ding nagulat siya eh, sinadya niya ba mag papatay para asarin ako? Tss ang yabang talaga sa kayabangan niya, ayan natalo ko tuloy siya.

"boom!"
"miggy wala ka pala eh!"

"ano miggy? sabi sayo eh, malakas si tin! haha!" nang asar pa si kevin.

"haha oo na! sige na nga hindi na ko mag rerematch.. panalo ka na!" ngumiti lang ako kay miggy.

"sige una na ko ah!" umalis na agad ako, tss nararamdaman ko kasi lumalambot na naman yung puso kong to. Mali to eh, maling mali.

"uy Dota girl!" pag kalingon ko, nagulat ako kasi si miggy yung nakita ko. "uuwi ka na agad?" tumango lang ako, para akong napipe. "oh bakit hindi mo na ko kinakausap?"

"eh ayoko ng kausapin ka eh.."

"ha? bakit? galit ka ba?" wow kung makapag tanong parang wala lang ha? ang gulo talaga ng lalaking to, ewan ko ba bat ko to minahal eh.

"hindi.. hindi ako galit sayo.." ngumiti ako. "kasi kapag kinausap pa ulit kita, alam ko na may kaunti pang pag-asa na mahulog ulit ako sayo.." pabulong ko na lang sinabi yun.

"ha?"

"wala! sabi ko hindi ako galit, gutom lang siguro ako.."

"ah ganun ba! nakaka panibago ka kasi eh, dati lagi mo akong sinusundan! akala ko nga stalker kita eh! haha! tapos nung isang linggo lang lagi mo ko kinakausap! tas ngayon ang sunget mo na?" napataas ako ng kilay. ALAM NIYA? nakakahiya ampupu. Tska ano naman kung mag sunget ako? as if he cares. Tss. "alam ko na tara kain tayo!" hinila niya ko papunta kung saan! ano ka ba miggy? bakit ka ganyan? kung kelan ako nakaka move on sayo? tska mo ko guguluhin ulit. Ang bad mo naman >.<

"tadaaa!" bumalik lahat ng ala ala...

"hulaan ko? bulalo gusto mong kainin nuh?" umupo agad ako sa may table, madami kasing tao eh, baka maubusan kami ng mauupuan.

"haha! ang galing mo naman! nababasa mo isip ko? dapat pala psych din kinuha mong course!"

"ayan kasi lagi mong inoorder kapag kumakain tayo dito.." biglang naging seryoso yung mukha niya. Anak ng teteng! mali! bakit ba kasi lumabas yun sa bibig ko. Baka nagalit siya.

"upo ka na.. Aling tasing! bulalo nga po! tska dalawang extra rice!" wala pa din pinag bago. Pagka dating ng pagkain, tulad lang ng dati, tahimik kami kumakain. Bawat subo ng pagkain, subo ulit. Wala na talagang time mag usap, ngayon pa? tss.

"ah cristin.." ubos na yung pagkain namin, "pwede ba tayong mag usap sa park?" nag nod lang ako.

Pag ka dating namin dun, medyo madilim na din, kaya ang daming ilaw na magaganda.. ang sarap pala dito sa park ng subdivision namin. Ano kaya pag uusapan namin? kinakabahan tuloy ako.

"cristin.. sana kalimutan mo na ko.." ayoko tumingin sakanya.. alam ko na eh, darating talaga yung araw na to. Kaylangan sabihin ko na lahat. "i mean.. yung dating miggy..."

"Wag kang mag-alala..darating ang panahon makakayanan ko ring kalimutan ka.. PROMISE.. wag kang excited..sandali na lang.." naka ngiti ako habang sinasabi ko yun, napa buntong hininga lang si miggy.

"sorry cristin.. sorry.. hindi ko naman gusto mawala kung ano man yung alaala na meron ako eh, na meron tayo noon.. pero ngayon, wala talaga eh, kahit anong piga ko sa utak ko, wala eh.. kaya sana kalimutan mo na yun, para hindi ka na nasasaktan.." parang naiiyak ako sa mga sinasabi ni miggy. Ewan! kasi naman eh, tagos sa puso. Hindi ko akalain na masasabi niya sakin yan.

"miggy.. wala ka naman kasalanan eh.. alam ko hindi na dapat ako nasasaktan.. kaya lang wala akong magawa eh..mahal pa rin kita kaya apektado pa rin ako sa lahat ng ginagawa mo.."

"sorry cristin.. sorry kung hindi ko maibalik yung pag mamahal mo.. sorry din kung sa loob ng isang taon.. ngayon lang ako nag kalakas ng loob na kausapin ka about dito.. ang tanga ko kasi eh! sarili ko lang naisip ko, hindi ko alam nasasaktan na pala kita ng sobra.." naiyak na talaga ako! huhu pero hindi ko pinapakita kay miggy.

"sana maging okey ka na.. para maging mag kaibigan tayo.. gusto ko din naman maging friends tayo, ewan ko ba! magaan kasi loob ko sayo eh.." magaan? yung pagmamahal mo sakin? hindi mo ba maramdaman?

"haha! madami kaya gusto akong maging kaibigan! swerte mo! pero sige! wag ka mag alala, bigyan mo lang ako ng time... kapag okey na tayo.. sasabihin ko tas friend na tayo! ice ba yun?" para akong tanga dito, kanina iiyak iyak , ngayon tatawa!

"haha! ayan as okey pala kapag tumatawa ka eh.. sige na mag gagabi na eh.. hatid na kita.." ngumiti lang ako tska tumayo.

Sa pag lalakad namin, hindi kami tahimik ah maingay kami, wala puro asaran lang sa Dota, sa game kanina. Ang sarap pala sa feeling ng ganito, light lang. Naisip ko, mas okey na siguro na maging mag kaibigan na lang kami ni miggy.. kung kami naman, kami di ba? tska para mawala na yung sakit.. kaylangan ko lang labanan na mahulog ako ulit kay miggy..

Alam mo yung feeling na kailangan mong burahin siya sa isipan mo, pati na yung magagandang ala-ala ninyo pero hindi mo magawa eh... ang hirap... kaso ano pa nga ba magagawa ko? siya na nag sabi eh.. parang siya na din nag sabi na sumuko na ko.. siguro nga talaga, mali hindi siguro. Eto na talaga yung panahon para kalimutan ko siya.

"salamat miggy.."

"wala yun! sige ah! basta sabihin mo lang kapag friends na tayo ha?"

"oo sige! bye!" pumasok agad ako sa bahay. Grabe yung araw na to. Pumunta agad ako sa kwarto ko, humiga ako sa kama. Napangiti agad ako..

Thank you miggy.. alam ko nag mamalasakit ka pa din sakin.. pero mas okey na nga siguro na maging mag kaibigan na lang tayo.. napa tayo ako sa pag kakahiga ko..

"waaa naka move on na ko!!" sabi kasi nila kapag daw na tanggap ko ng hindi na ulit magiging kami, naka move on na daw ako.

Ang laki na naman ng ngiti ko.

to be continue ;-)

<Authors Note>

Hello kay Karla Pauline Caguioa at  mekeighty :)

Plug ko lang po yung isa ko pang Story, Buko Girl <3 story ni abra ang janica! :) Memention ko lahat ng mag babasa nun! haha salbahe ko eh nuh? sapilitan daw ba eh kasi maganda yun pramis :)

Next Chapter Masaya lang tayo! hehe. Bigyan ko na kayo ng clue, Banggaan ni Tin at Alyssa! ;-)

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now