Pero naiintindihan ko naman siya. May trabaho niya 'yon at kailangan unahin.

"It's okay, Mahal. We can meet tomorrow if you want," I suggest.

Tahimik naman 'to sa kabilang linya.

"Actually, I'm here in front of your house," he said.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Is he serious? Umalis ako sa pagkakahiga ko sa kama at tumayo para magtungo sa bintana.

And there, I saw him standing while talking Tatay! I thought he's busy?

Dali-dali 'kong hinanap ang tsinelas at kaagad na bumaba para puntahan siya. I thought hindi niya ako pupuntahan dito kasi busy siya.

Patakbo akong bumaba para magtungo sa labas.

"Anong ginagawa mo rito, hijo? Boyfriend kaba ng anak ko?"

Ayan kaagad ang unang narinig ko paglabas ko ng bahay. I couldn't hear any anger in my father's voice while saying that.

Hindi muna ako nagpakita sa kanila at hinintay lang muna kung anong gagawin sa kaniya ni Tatay kung sakali anong sabihin nito sa kaniya.

"I'm h—"

"Tagalog!" ani Tatay.

I bit my lips when I saw Hercules flinch slightly

"N-Narito ako para sa anak niyo, Sir," mahina ngunti malumanay na sabi nito.

"Ano ka nga anak ko?" Napatingin naman ako sa kamay ni Tatay nang itaas niya ito at ituro kay Hercules. Nanlaki ang mata ko ng makita kong itak niya 'yon!

I saw Hercules' eyes widen when he saw what my father was holding.

"I just want to visit her an—"

"Tagalog nga sabi! Don't english me, Hijo!" Napatakip naman ako sa bibig ko pilit na huwag matawa dahil sa ginagawa ni Tatay.

I know he's struggling especially because sometimes he stutters when he speak tagalog.

Minsan ng magkasama kaming dalawa ay english nang english 'to. Hindi naman masamang ibang lenggwahe ang gamitin pero sumasakit ata ang ulo niya nang patuloy na pag-english kaya pinakiusapan niya 'to kung puwede magtagalog na lang siya.

Ginawa naman niya pero bulol nga lang ang pagkakabigkas niya. Ang cute nga nito habang nabubulol siya, parang bata.

"Nobyo niya po ako," aniya sa aking ama.

Bago pa muling magsalita ang kaniyang ama ay sumabat na 'to. Hindi pa alam ng kaniyang ama na may nobyo na ako. Alam kong magagalit si Tatay dahil hindi ko pa sa kaniya sinabi ang tungkol sa pagno-nobyo ko.

"Tay," sabat ko.

Kaya napatingin sila sa akin. Nakakunoot ang noo ni Tatay habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa.

"Totoo ba ang sinasabi ng binata nito?" tanong sa akin ni Tatay.

Dahan-dahang tumango ako. At saan pa para tumanggi ako, boyfriend ko na ang nag-iisang Hercules Emmanuel Guevara.

"At hindi mo man lang sinabi sa akin?" galit na saad ni Tatay.

Napayuko ako sa sinabi nito. Dapat ay pinaalam ko muna sa kaniya ngunit tinago ko 'yon. Ayoko lang naman na mabigla siya.

At alam ko rin naman na hindi siya magagalit kapag sinabi ko 'yon dahil alam ko naman papayag 'to ngunit hindi ko rin nasabi kaagad.

"Pasensiya na po, Tatay. Sasa—" Hindi ko na napatuloy ang sasabihin ko nang muli na namang 'to pinutol ang aking sasabihin.

Babysitting My Billionaire Ex-HusbandWhere stories live. Discover now