Chapter 4

440 34 0
                                    

Pagpasok ko sa kuwarto ni Hercules ay naabutan ko siyang nakaupo sa kama niya habang nakatalikod sa'kin.

Nilapag ko muna sa maliit na table niya at hinawi ang kurtina para mabuksan ang sliding door. Binuksan ko iyon at agad na dumampi sa balat ko ang hangin.

"Your food is here, Hercules," ani ko sa kaniya at nilapag sa table ang tray na may lamang pagkain. Nilapitan ko 'to at hinawakan ang braso niya.

Napataas naman ang kilay ko ng mag angat ito ng tingin habang nakanguso. "Anong nginu nguso mo?"

"W-Wala," he answered. Napailing nalang ako dahil sa inaasal niya.

"Halika na, pumunta kana sa balcony naro'n ang pagkain mo. You need to eat a lot para bumalik ang lakas mo," I said to him. Hinawakan ko ang braso niya para makatayo.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makaupo na siya. "Kumain kana."

"Subuan mo'ko," sabi niya.

"Nadulas ka lang, hindi naman nadamay ang mga kamay mo," sarkastikong sabi ko sa kaniya.

"Then, I won't eat." Napabuntong hininga nalang ako. Umalis lang ako nagkakaganito na naman siya.

"You need to eat, Hercules. Nag-aalala sa'yo ang mga magulang mo kapag hindi ka kumain," I said to him.

"Ikaw? Hindi ka rin ba mag-alala kapag hindi ako kumain?" Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa sinabi niya.

Kahit hiwalay na tayo ay merong pag-aalala pa rin sa'kin. "S-Sympre kaya kumain kana."

"Feed me, Talitha. Feed me like you always do," nanghahamon na aniya sa'kin.

"Akala mo ba, hindi ko napapansin ang pag-iwas mo sa'kin, Talitha? Na aksidente lang ako pero hindi ako tanga," aniya. "Please... What's our problem, baby?"

Napaatras naman ako ng akma niya akong hahawakan. May problema, Hercules. Ang problema ay hindi ka makaalala at hindi mo naalala ang nangyari four years ago.

"Walang problema, Hercules."

"Then why didn't call me babe, that's our endearment."

"May mga bagay na kelangan iwasan at hindi na puwedeng ibalik, Hercules. Kelangan kong dumistansiya sa'yo dahil hindi naman kita asawa." I saw his eyes widen and his lips twitch.

Alam kong nagulat siya dahil sa sinabi ko. Kahit ako rin ay nagulat dahil nasabi ko 'yon. Mabilis ko siyang tinalikuran at hindi siya nililingon.

Mabilis akong bumaba sa hagdan. Nadaan ko pa si Tiya Susan na ngayon ay paakyat. Patakbo akong lumabas ng mansion. Napatigil naman ako sa pagtakbo ng makita ko ang sasakyan nila Ylona, ang mga magulang ni Hercules.

Hindi ko 'yon pinansin at iniwas ang tingin ko ro'n. Napahilamos nalang ako sa mukha ko habang napapadyak. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko 'yon.

Dahil na rin ba sa tuwing nakikita ko siya ay naalala ko ang lahat nangyari sa'kin?Dati mahal na mahal namin ang isa't isa pero bakit gano'n?

Napatingalan nalang ako sa langit. Napapikit nalang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Dahil lang sa mga letrato na binigay sa'yo, naniwala kana kaagad. Asawa mo nga ako pero parang wala kang tiwala sa'kin, Hercules.

Napaluha nalang ako habang iniisip lahat ng nangyari sa'min, simula noong college hanggang sa mag-asawa na kami.

Ilang oras din ang tinagal ko sa labas, gabi na ako ng umuwi ako sa mansion. Nilakad ko lang pauwi dahil kahit phone ko ay hindi ko dala kaya pagod na pagod ako pagdating ko sa harap ng mansion.

Pinapasok ako ng guard, napayuko nalang ako habang naglalakad papasok.

"Hija?" Inangat ko nga tingin ko ng may magsalita. Nakita ko kaagad si Tiya Susan, may pag-aalala sa mukha niya habang naglalakad papalapit sa'kin.

"Magandang gabi, Tiya."

"Anong nangyari sa'yo? Bakit ang dumi ng damit mo?" Nagtatakang tanong niya sa'kin.Napatingin naman ako sa damit ko na may dumi. Kanina habang naglalakad ako ay natalsikan ako ng maduming tubig dahil may dumaan na sasakyan.

"Wala po 'to, Tiya. Nasaan mo pala si Hercules?" Tanong ko sa kaniya

"Ano bang nangyari at bigla nalang nagwala si Hercules pagka alis mo?" Nagtatakang tanong niya sa'kin.

Umiling nalang ako sa kaniya. Ayoko munang ungkatin ang tungkol sa pag aaway namin kanina ni Hercules.

"Wala po 'yon, Tiya. Nandito pa rin ba ang mga magulang ni Hercules?" Tanong ko sa kaniya

"Naroon sila sa sala, kanina ka pa nila hinihintay." Tumango nalang ako sa kaniya bago ko siya nilagpasan. Katulad nga ng sinabi nila na narito pa nga ito sa sala.

Nakita ko ang mag-asawa na seryosong nag uusap hanggang sa mapadako ang tingin sa'kin ni Ylona. Mabilis na tumayo ito at galit na lumapit sa'kin.

"What did you do to my son, Talitha?" Galit na tanong niya sa'kin habang dinuduro ako.

"Maikling pag-aaway lang, Ylona," mahinang sabi ko sa kaniya.

"Bakit galit na galit siya? Sinabi mo ba sa kaniya? Alam mong na aksidente ang anak ko at wala siyang maalala Talitha!" Sigaw na sabi niya sa kaniya

Napakuyom ako sa kamao ko. "Don't shout at me, Ylona. Hindi na ako katulad ng dating Talitha na sinisigawan nalang," inis na sabi ko sa kaniya.

"Then what did you? Pinakiusapan kitang alagaan mo mo ang anak ko dahil ikaw ang hinahanap niya!"


Natawa ako ng pagak dahil sa sinabi niya. "Bakit noong pinakiusapan kitang magpapahinga muna ako nun, Pinayagan mo ako? Anong ginawa mo, Ylona? Inutusan mo ako ng paulit ulit hanggang sa madulas ako. Hindi mo nga ako tinulungan, 'di ba? Tinignan mo lang ako! Tinignan mo lang ako habang umaagos ang dugo ko sa hita!" Galit na sigaw ko sa kaniya at dinuro duro siya.

"Sino ka para sundin ko, Ylona? Wala kang puso, Ylona!" Galit na galit na sigaw koNapakagat ako sa labi ko bago punasan ang pisngi ko na may mga luha ko na pala. Mahina akong napahikbi habang inaalala iyon.. Kelan ba ako titigil sa kakaiyak? Kelan ba ako matatahimik?

"What's happening here?" Mabilis akong tumalikod ng isang malamig na boses ang magsalita

"Son? What are you doing here?You should be resting, right?" Tumingin pa sa'kin ang ina ngunit iniwas ko ang tingin ko ro'n at wala pa sabing tinalikuran sila ro'n. Nagkatinginan pa kami ni Hercules, na ngayon ay marahang nakatingin sa'kin.

Mabilis na umakyat ako at nagtungo sa guestroom. Sinarado ko ang pinto at napasandal nalang sa pinto ng kuwarto ko. Mahinang humihikbi ako pilit na pigilan.

Masama bang sabihin ko na gusto ko rin maranasan ang naranasan kong sakit? Masama rin ba akong tao at kelangan iparanas sa'kin? Minahal ko lang naman yung taong minahal din ako.

"Tali? Baby? Why are you crying? Please open the door," rinig ko sabi ni Hercules at patuloy na kumatok ngunit hindi ko iyon pinansin.

Bakit kahit ilang taon na ang nakakalipas siya pa rin? 'yong tinitibok ng puso. Mula noon hanggang ngayon siya pa rin, siya pa rin.

Babysitting My Billionaire Ex-HusbandWhere stories live. Discover now