Chapter 6

403 29 1
                                    

Nakasimangot ang mukha ko habang patingin tingin sa paligid. Napangiwi naman ako ng makita ko kung naghahalikan sa isang sofa ang dalawang tao.

Mabilis na ang iniwas ko ang tingin ko ro'n. Hindi na dapat talaga ako sumama rito ay Caitlin. Puro usok at amoy ng alak lang ang naamoy ko rito sa bar.

Oo. Sa bar talaga ako dinala ni Caitlin. Pinagpaalam niya ako kay tatay na mag sleep over kami, nagsinungaling pa!

Tumanggi ako kanina ngunit si tatay rin ang nagpumilit na sumama ako para raw ay makapag enjoy ko raw ang buhay ko. Wala akong magawa kung hindi sumama nalang, mas gusto ko rin na mag-aral kay sa ganito ang makikita ko.

"Miss, are you alone?" Mabilis na tumingin ako sa gilid ko. Isang matipunong lalaki ang nasa tabi ko ngayon. Pinasadahan ko ang kabuuan niya. Hindi naman na makakaila na gwapo siya. Ang abo niyang mata na magandang pagmasdan, ang matangos niyang ilong, ang pisngi niyang sobrang kinis at puti at ang mapupulang labi niya.

"May kasama ako," I answered.

"Where? I didn't see her? Or him?" Sabi niya at luminga linga pa at tila hinahanap ang kasama ko

"She's on the dance floor," I answered again.

He put his arm on the counter and stared at me intently. "I'm Nikolai, you?"

"Tali," maikling sabi ko.

"Tali?" Parang hindi naniniwalang sabi nito

I sighed heavily, "Talitha."

Tumango tango ito kaya natahimik kaming dalawa. Ilang minuto kaming gano'n ng makitang ko papunta sa puwesto ko si Caitlin. She's wearing a red leather bustier dress pinarehas niya sa pulang heels niya. While me, I'm wearing bustier strapless dress at pinaresan ng strappy sandals.

Ayoko pa sanang suotin 'to kaso nga lang ay nagpupumilit si Caitlin na ito ang suotin ko.

"Tali, sayaw tayo!" Si Caitlin at sumayaw sayaw pa sa harap ko

Hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niya? Hindi niya ba alam na hindi lang ako ang kasama niya rito sa counter?

"Hindi naman ako marunong sumayaw," sagot ko sa kaniya. Napasimangot naman 'to dahil sa sinabi ko.

"Edi uminom ka nalang nito," aniya sa'kin pero umiling lang din ako.

"Talitha naman, e! Paano tayo mag eenjoy kung hindi mo'ko sasamahan sumayaw o uminom lang naman!"

"Alam mo naman hindi ako umiinom niyan at lalong lalo na hindi ako sumasayaw, Caitlin," sabi ko sa kaniya.

"Ang KJ mo naman! Nandito tayo sa bar, oh! Enjoy na natin 'to," sabi niya at inusog pa sa'kin ang basong may alak.

Tumingin naman ako sa kaniya bago ro'n sa alak. Napabuntong hininga nalang ako kahit nag-aalinlangan akong kunin 'yon dahil baka hindi ko makayanan.

Masayang napalakpak siya ng inumin ko 'yon. Napangiwi ko ako ng malunok ko ang alak na binigay sa'kin ni Caitlin.

"Oh, diba masarap?" She happily said

Anong masarap sa alak?

Binigyan pa ako nito ulit kaya walang alinlangan kong kinuha at ininom iyon. Tumayo ako kaya agad akong nakaramdam ng hilo at init sa katawan ko kaya napahawak tuloy ako sa inuupuan ko.

"Cr lang ako, parang masusuka ako," aniya ko sa kaniya.

"Gusto mo samahan kita?" Tanong sa'kin ni Caitlin pero umiling lang ako.

Napahawak nalang ako sa ulo ko habang naglalakad ako patungo sa banyo hanggang sa nakarating ako ro'n.

Agad akong nagsuka at naghilamos ng mukha para kahit papaano ay mawalang ang init at sakit ng ulo ko.

Babysitting My Billionaire Ex-HusbandWhere stories live. Discover now