Chapter 3

466 33 0
                                    

"He just need more rest, Mrs. Guevara." Nangasim naman ang mukha ko dahil sa huling sinabi niya.

"Thank you, Doc." Nagpaalam na 'to habang ako naman ay tumingin sa lalaking nakahiga sa kama habang titig na titig sa'kin.

"Did you hear what the doctor said?" I sarcastically said

"Yes, I heard," he said.

"Narinig mo pala. Sana sa susunod po, tawagin mo ako, ah? Huwag ka pong nagmamagaling, mister," sarkastikong sabi ko sa kaniya habang nakapamewang sa harapan niya.

"Then sleep beside me, Misis ko." A smiled plastered on his face.

"Ayoko," sabi ko sa kaniya.

"Fine. Okay lang. Hindi nalang kita tatawagin at kapag may nangyari namang masama sa'kin tatawag ka na naman ng doctor," he smirked at me.

Napatiim baga naman ako dahil sa sinabi niya at napahilot sa sentido ko. Kinokonsenya ata ako nitong lalaki 'to.

Malalim na napabuntong hininga nalang ako. "F-Fine. Just wait me here. I'll just take a shower." Mabilis ko siyang tinalikuran ko at lumabas ng kuwarto niya.

Nakakainis ang lalaking 'yon. Kinokonsenya ba naman ako.

Mabilis na hinubad ko ang lahat ng saplot ko ng makapasok ako sa guestroom ko. Pumasok ako sa banyo, napatingin tuloy ako sa salamin sa banyo.

Pinasadahan ko ng tingin ang bewang ko ng may maliit na peklat do'n. I clenched my fist while looking at my small scar. Kahit maliit ay napakalaking bahagi nun sa pagkatao ko na hindi ko makakalimutan.

Iniwas ko na ro'n ang tingin ko at nagtungo sa shower. Trenta minuto rin ang tinagal ko sa banyo bago ako lumabas.

Agad akong nagtungo sa closet kung nasaan naro'n ang mga damit ko na nilagay ko kanina lang. Nanlaki ang mata ko ng puro lingerie ang pantulog ko at hindi pajama at t-shirt.

Isa lang ang nasa isip ko ang naglagay nun dahil ito lang naman ang nag volunteer na siya na raw ang mag aayos ng gamit niya.

Caitlin! Ang babaeng iyon. Kapag nakita ko talaga ang babaeng 'yon, kakalbuhin ko siya.Nagdadalawang isip ako kung susuotin ko ba ito. Hindi ko rin naman puwedeng suotin ang kaninang damit ko.

Napapikit naman ako bago ko suotin 'yon. Humanda ka talaga sa'kin, Caitlin.Nang matapos akong magbihis ay kinuha ko ang bathrobe at sinuot iyon. Lumabas na ako sa kuwarto at naglakad sa katapat na kuwarto kung nasaan si Hercules.

Nagdadalawang isip akong pumasok sa kuwarto niya. Tulog naman siya siguro, hindi ba? Napapikit naman ako bago unti unti kong binuksan ang pinto ng kuwarto.

Mahinang sinarado ko iyon at hinay hinay na lumakad. Hindi ko makita kung tulog na ba 'to o gising pa dahil nakatalikod 'to sa'kin. Nakahinga naman ako ng maluwag bago ko tanggalin ang robe ko.

Dahan dahan kong hinawi ang kumot para makapasok ako. Nakangiting humiga ako ng maayos. Masarap na siguro ang tulog niya kaya hindi na niya maramdaman na pumasok ako.

Ilang minuto akong gano'n ng maramdaman kong may yumapos sa bewang ko at dinantay ang paa niya sa binti ko. Nanigas ang katawan ko ng maramdaman ko na inaamoy ako ni Hercules.

"Misis ko," malambing na bulong niya. "Hindi ko alam kung bakit galit ka sa'kin but I hope you forgive me. Mahal kita, misis ko."

Hindi sapat ang sorry mo dahil sa nangyari sa'kin, Hercules. Hindi mo alam kung gaano kasakit. Ikaw yung kelangan ko pero minabuti mo ring ipagtabuyan ako.

Napamulat ako ng may maramdaman akong humahalik sa pisngi ko. Mabilis akong nagmulat ng mata. Akma akong babangon ng mapatingin ako sa lalaking nasa harap ko habang nakadagan sa'kin.

"Hercules!" Inis na tawag ko sa pangalan niya

"Yes, baby?" He answered

"Ang bigat mo," inis na ani ko sa kaniya.

Mabilis na umalis ito sa harapan ko at nahiga sa gilid ko at pinaharap ako sa kaniya at nilagay niya rin ang binti niya sa binti ko.

"Good morning, my beautiful wife." My lips parted because of what he did. Mabilis ngunit naramdaman ko iyon sa labi ko.

"Why did you kiss me?" I said to him

"Why? You're my wife. I can kiss you everytime and we can make love everytime." Tangina... Ayokong magmura dahil umaga pa para riyan.

"What are you saying? Alis nga, maliligo na ako." Bahagyang tinulak ko siya para makaalis ako ngunit para wala lang sa kaniya iyon.

"Stay. I'm still sleepy," he said at me.

"Hercules! Alisin mo itong binti mo o puputulin ko?" Inis na banta ko sa kaniya.

"Baby, go on. I'm ready." Napapikit nalang ako sa inis dahil sa ginagawa niya.Hercules, ang aga aga pa para bwesitin ako!

Napabuntong hininga ako. "Ayaw mo bang ipaluto kita?" Malambing na sabi ko sa kaniya at bahagyang hinawakan ang mukha niya.

Nangangalati na ako sa inis dahil sa pinag gagawa niya. Bakit nga ba ako nagsusunod sunuran sa lalaking ito? Naalala ko na, naaksidente lang naman 'to at pinuntahan ako ng magulang niya para maalagaan ko siya at eto ngayon katabi ko ang dati kong asawa.

"You'll cook at me?" He smiled broadly, I nod at him.

"Yes, so alisin mo na iyang binti mo," sabi ko sa kaniya. Sinunod naman kaagad niya at inalis niya kaya mabilis akong bumangon sa pagkakahiga. Hinanap ko ang bathrobe na dala ko kahapon, nakita ko iyon sa sahig kaya kaagad kong kinuha iyon.

Walang lingon na lumabas ako. Agad akong nagtungo sa guestroom ko saan tumutuloy ako. Napahilamos nalang ako sa sarili kong mukha. Napagdesisyunan kong maligo na kaya agad akong nagtungo sa banyo at hinubad lahat ng saplot ko.

Napatiim baga ako sa nakita ko sa leeg ko na alam ko kung sino ang may magawa. At ang daming hickey ang nasa leeg ko. Nakasimangot akong lumabas ng banyo at hanggang sa matapos akong magbihis.

"Hija, bakit ka nakasimangot?" Tanong ng mayordoma ng magtungo siya sa kusina para ipaghanda ang hudas na si Hercules.

"Wala po 'to, Manang. Huwag niyong pansinin," sabi ko at pilit na ngumiti. "Ipaghahanda ko sana ng breakfast."

"Ay, eto na ang pagkain ni Hercules." Kinuha niya ang tray na may lamang pagkain. Agad ko namang kinuha iyon.

"Salamat, Manang." Tinalikuran ko na siya at naglakad na palabas ngunit natigil din ako sa paglalakad ko.

"Hija... Kumusta ka?" Mapait na ngumiti siya.

Kumusta nga ba ako? Hindi ko alam.

"Alam kong may rason kung bakit tumapak ka ulit dito sa mansion," panimula niya. "Mahal mo pa rin ba siya?" Pagak akong natawa dahil sa sinabi niya.

"Ano po bang sinasabi niyo? Hindi ko na siya mahal. Wala na siyang puwang sa puso ko, kung meron man, pagkamuhi iyon, hindi lang sa kaniya pati na rin sa pamilya niya," malamig na sabi ko. "Alam mo 'yan, Tiya Susan."

Iniwan ko na siya ro'n at umakyat na patungo sa kuwarto ni Hercules. Napapahid nalang ako sa luhang tumutulo ng hindi ko namalayan.

Babysitting My Billionaire Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon