Habang nasa loob ako't tinitignan yung mga lumalabas pasok ng school, nagulat ako nang makita ko bigla si mama sa harap ng guard house, nakatayo’t may kasamang lalaki na sa tingin ko ay kaedad niya lang din. Hindi niya ako napansin kahit na medyo malapit ako sa kanila kasi masiyado siyang busy kausap yung lalaking nasa harap niya ngayon.

Hindi ko alam kung ano yung pinag-uusapan nila pero paminsan-minsan ay hinahampas siya ni mama sa braso and it literally puzzled me. Alam kong para na siyang byuda kasi ilang taon nang walang paramdam asawa niya pero hindi ko naman lubos naisip na hahantong sa ganito si mama— na makikipag-date pa siya sa iba.

I gasped when my mother suddenly slapped the man. Lalapitan ko na sana sila kasi baka ano pa yung mangyari nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"Enjoying the show?"

Ynna.

She smirked at me the moment our eyes met. Bakit siya nandito? ‘Di ba magkasama sila ni Denver? Sinundan niya ba ako?

"I wonder why would your mother slap my father. Tingin mo, bakit kaya?" Tanong niya dahilan para kumunot noo ko.

Father?

"Oh, are you confused or curious?" Aniya muli at ngumiti. She then chuckled nang mapansing hindi ako makaimik sa kaniya habang naguguluhan.

Don't tell me, mama's new boyfriend is Ynna's father?

Bigla kong naalala yung araw na nakita ko siyang lumabas mula sa bahay namin. Kaya ba siya nandoon kasi stepmother niya na si mama?

"Bakit hindi ka sumasagot?" Tanong niya nanaman ulit.  I opened my mouth but I can't utter a word, parang natuyo yung lalamunan ko dahil sa pagkalito.

"Follow me, tayo naman yung mag-usap pagkatapos niyo ni Denver," Ynna said and then walked away. Ganoon-ganoon nalang ‘yun?

Lumingon siya ulit sa akin nang mapansing hindi ako sumunod sa kaniya. She rolled her eyes and then walked away again. Tumingin ulit ako sa puwesto kung nasaan sila mama at mukhang nagtatalo pa rin sila ng lalaki.

What if Ynna knows something about the two? Maybe it'll not hurt a neck following her for once.

Ayokong malaman mismo kay mama kung anong relasyon nila ng tatay kuno ni Ynna kasi hindi ko talaga matatanggap kung sabihin niyang may namamagitan sa kanila.

Agad akong tumakbo para habulin si Ynna, napansin niyang sumunod ako pero hindi siya nag-atubiling tapunan man lang ako ng tingin at nag-dire-diretso lang kaming naglakad.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero handa akong tumakbo nang mabilis sa oras na ilagay niya ako bigla sa alanganin.

We walked for a few minutes until we reached a café. Iba ito sa pinuntahan namin ni Denver kanina, mas peaceful yung ambience dito kaya siguro... Kahit papaano ay magiging kalmado akong kausap si Ynna.

Sana.

She ordered something for her the moment we arrived at the counter. Oorder na rin sana ako ng para sa akin nang bigla niya akong pinigilan, ililibre niya raw ako ng specialty nila rito which sounds odd pero hinayaan ko nalang.

"Let's seat here, malapit sa aircon," she mumbled and then sat down. Umupo naman ako sa harap niya, she's smiling at me kaya kinabahan ako bigla.

A Hiccup Of Tea (✔)Where stories live. Discover now