Baekhyun? Kapangalan yun nung favorite singer ko ah? Slash friend ko na rin. Haha.

"Baekhyun?" Tanong ko.

"Oo. Mga artist na galing SouKor. Kasama si DO , Chen at Suho.. At may bago akong artist rapper , si Kris" sagot ni Chae na ikinaningning naman ng mata ko.

"Si Byun Baekhyun!? Artist mo? Waaaaa ang idol ko..." Sabi ko.

"Talaga?" Tanong ni Bommiee at tumango naman ako..

"Ms. Chaerin! Were here!!"Napalingon kami at nakita kong si Chen yung tumawag kaya napatakbo ako palapit sa kanila. "Ate Dara? Andito ka rin?" Tumango ako.

"Oo. Kaibigan ko si Chae!" Sagot ko.

"Byun Baekhyun!!!!!!!" Lumapit naman si Bommiee kay Baek pero tumakbo si Baek palayo.

"Waaaaa Ms. Chae! Tulong~ mananakit na naman ang pisngi ko neto!!!" Sabi ni Baek habang umiikot patakbo sa practice room..

"Baek! Papisil kahit isa lang! Pag bigyan mo na ko! Please? Im pregnant!!" Pagmamakaawa ni Bommiee. At dahil nga buntis , walang nagawa si Baek.

"So.. Miss Chae? Ano pong gagawin namin ngayon?" Tanong ni Suho. Waaaa. Ang gwapo talaga..

"Miss.. Dara?" Napatingin ako sa gilid ko. Nakita ko si Kris. Kaibigan nga pala sya ni Chanyeol at ng mga artist na to. At aba.. Sya pala ang nakuhang rapper.

"Yes?" Tanong ko.

"Ikaw yung friend ni Chanyeol right?" Tanong niya. At ngayon , may kanya kanya nang usapan ang mga tao rito.

"Oo. At kilala kita?" Sabi ko."Kamusta si Chanyeol?" Dugtong ko.

"Ah. Si Chanyeol? Ayun. Busy sa pag iisip."

Ano naman kayang iniisip ng Chanyeol na yun? Ke bata bata pa.. Andami agad iniisip. Di tulad ko , noong HS at College life ko , pagagala lang ginagawa ko.

"Pag iisip ng ano?"

"Ewan ko miss Dara pero naaawa na ako kay Chanyeol eh. "

Siguro may problema ring hinaharap si Chanyeol... Naibalik nya na kaya kay Ji ang SC? Kaya sya namomoblema?

"Okay! Artist.. Hali na kayo.. May idediscuss ako sa office." Utos ni Chae at naiwan naman kami rito ni Bommiee.

Ngiting ngiti si Bommiee samantalang ako.. Nag aalala.

"Anyare sa mukha mo , santoki?" Tanong ni Bommiee..

"Ah. Wala.. Naiisip ko si Chanyeol"

Kumunot ang noo niya. "Chanyeol?"

Tumango ako. "Ye. Sya yung bumili ng SC at kaibigan ko rin sya"

"Ha?"

Alam ko magulo para kay Bommiee pero ang hirap ikwento... At isa pa , napagkamalan ni Ji na may relasyon kami ni Chanyeol. Pero sabi naman ni Chanyeol , naipaliwanag na daw nya kay Ji ang lahat?

"Gusto mo bang makausap yung Chanyeol?" Napatingin ako kay Bommiee

Di ko alam ang isasagot ko

"Ah.. Eh.."

"Invite him to my house. Okay lang" sabi nya.

"Talaga? Salamat Bommiee"

Bukas ko na sya papupuntahin. At itatanong ko na ang mga gusto kong itanong.

Umalis na kami ni Bommiee sa company nina Chae at sumakay na ng kotse nya. May driver naman sya eh.

Real Love [Book2]Where stories live. Discover now