Epilogue

43 1 2
                                    

MEMARD POINT OF VIEW

Suot-suot ko ang toga ko habang nandito ako sa sementeryo. Binisita ko ang mga magulang ko kagaya ng ipinangako ko sa kanila.

"I'm going to college, Ma. Hindi mo nga lang makikita kung papaano ko abutin ang pangarap ko." Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko.

Fuck. I'm such a cry baby.

"Dad, nakita mo na ba ang babaeng mahal ko dyaan? She's pretty right? Lalo na kung ngingiti sya." Saad ko.

I wish I can see her smile again.

Nang maisip ko si Ziahna hindi ko na napigilan, yumuko ako kasabay ng paghagulgol ko. Hindi ko pa din pala kaya. Mahina pa din ako pagdating kay Ziahna. Akala ko okay na, e.

Pero kapag babanggitin o maaalala ko pa lang ang pangalan nya bumabalik sa akin ang lahat-lahat.

Gusto ko syang sisihin. It doesn't make sense kung bakit nya ginawa 'yon. Kung bakit sya bumitaw sa kamay kung ga'yong willing naman na may humawak sa kanya.

Pero baka nga pagod na sya. Baka hindi nya na talaga kaya ang sakit, matagal din ang laban na ginawa ni Ziahna sa sarili nya. Siguro iyon na ang araw na nakita nya para guminhawa sya sa mga naramdaman nya.

I'm sorry. Sorry dahil hindi ko kayang bawiin yung sakit na naramdaman mo 'non. I love you.

"Ma! Dad! Ibalik nyo nalang sya sa akin. Ibalik nyo si Ziahna! Hindi ko talaga kayang wala sya, e. Hindi ko kaya." I begged while crying.

Nakayuko ako habang humahagulgol. "Please. Hindi ko talaga kayang mabuhay, naaalala ko lang sya. Balik nyo nalang si Ziahna, Ma! Ansakit sakit talaga. Hindi ko kaya." I begged again.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandirito, nag simula na ding umulan ng malakas na para bang nararamdaman ng kalikasan ang sakit na nararamdaman ko.

Sa lakas ng ulan na pumapatak dito sa sementeryo—ito ako, mag isa dito sa gitna, nakaluhod, habang nakikusap na ibalik ang taong mahal ko.

Dumaan pa ang ilang oras, gabi na at tumila na din ang ulan. I realized na kahit gaano ako mag makaawa, kahit ilang beses ako umiyak hindi na talaga sya babalik. Hindi na sya babalik sa akin. Hindi nya na kami babalikan.

Tumayo na ako. "I promised. Hindi ko kayo bibiguin. Tatapusin ko ang pag-aaral ko at ipag-hihiganti ko kayo."

Tumalikod na ako at nag simula ng mag lakad paalis. Panibagong mundo na ang haharapin ko ngayon. Sa panibagong mundo na ito sisiguraduhin ko na mas lalo akong magiging matatag.

Sana.

Sana sa panibagong mundo na ito wala ng malalagas sa pamilya ko. Mula sa section 5 at sa pamilya ni Ziahna.





VINCENT POINT OF VIEW

"Happy graduation, apo." Hinalikan ni Hyunbaek si Naziah at ako.

"Thank you, lola." Ngumiti ang matanda bago tumingin sa akin.

"Sigurado ka na ba kay Naziah? Hindi ka na aatras?" Tanong nya kaya ngumiti ako ng malawak.

Hinawakan ko ang kamay ni Naziah bago tumingin kay Hyunbaek. "Pakakasalan ko po ang apo nyo." Bumuntong hininga sya at pinagmasdan ako.

"Siguradong maririnig ko din ang katagang iyan kay Memard kung hindi lang nawala si Ziahna." Aniya.

Nawala ang ngiti namin ni Naziah.

"Kainan na!" Malakas na sigaw ni Christ. Nang isigaw nya iyon mabilis na nag takbuhan ang section 5 na tila ba ilang araw na hindi nakakain.

Naisipan nila Tita Ligaya na dito na sila mag celebrate ng graduation, total pamilya na din ang turing sa kanila ni Ziahna. Napahinto ako.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon