Chapter 23

33 1 0
                                    

KAYLE POINT OF VIEW

Sunod sunod ang pag lagok ko ng alak habang iniisip si Ziahna. Habang iniisip ang nangyare kanina.

Kanino ba ako na inlove sa kanilang dalawa?

Mahina akong natawa ng sarkastiko. Paano ko kwekwestyunin ang pag mamahal ko kung malinaw na si Ziahna ang sinasabi nito.

"Nakakatatlong bote ka na ng wine." Paalala ni Rose. She's my secretary. Minsan lang kaming mag kita dahil hindi naman ako ang humahandle ng kompanya na iniwan sa akin ng magulang ko kundi sya.

Hinayaan kong si Rosie ang mamahala habang nag aaral pa ako dahil alam ko namang mapag kakatiwalaan sya.

"Pero hindi pa ako lasing." Inis na sabi ko.

"Ano bang problema mo? lovelife?" Curious na tanong nya.

"Kind of." Sagot ko.

"Sino bang babae yan?" Inilabas ko ang cellphone ko at ipinakita ang larawan ni Ziahna.

Pasimple ko syang kinukuhanan ng picture habang busy sya sa pakikipag tawanan sa mga kaklase namin.

Kumunot ang noo ko ng makita ko ang gulat sa reaksyon ni Rosie. Maya maya ay umiwas sya ng tingin at napainom sa hawak kong wine. Kita ko pa ang panginginig ng kamay nya.

"W-wag nalang yan, Mard. Sa mukha palang gangster o mafia na ang datingan. Diba sabi mo ayaw mo masangkot sa mafia dahil doon namatay ang magulang mo?" Tanong nya kaya tumango ako.

"Except Ziahna." Ngumisi ako.

"Masama talaga ang aura nya para sa akin. W-wag na lang nyan." Pag pupumulit nya pa kaya bahagya akong nainis.

"Makipag balikan ka nalang kaya sa ex mo." Napahinto ako sa sinabi nya.

Si Kayla nga pala? kamusta na?

Kukunin ko na sana ang cellphone ko para kamustahin sya pero itinago ko nalang ulit. Nalilito na ako sa nararamdaman ko.

She's my ex. Mahal ko parin ba talaga sya? o naguguilty lang ako nong panahong hindi ko sya naprotektahan noon?

Ininom ko ang huling alak at umakyat na papuntang kwarto ko. Ibinagsak ko ang katawan ko at napatitig sa kisame.

Ano ng mangyayare bukas?









ZIAHNA POINT OF VIEW

"Ate gumising ka na may sasabihin ako sayo. Alam mo ba may bago akong kaibihan? nakilala ko sya kahapon sa mall. Ang bait bait nya naaalala ko sya sayo." Rinig kong sabi ni Naziah.

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. "Ziahna gising ka na." Si Tita Cassa.

Anong ginagawa nito rito? akala ko ba may alitan sila ni Ligaya at pinag bawalan ni Ligaya si Tita Cassa na pomonta sa bahay namin.

"14 hours ka ng tulog." Si Jhermi na nakaupo sa study table ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung anong hawak nya...Ang notebook ko na tungkol sa yakuza.

Dali dali kong kinuha iyon at inilagay sa bag ko.

"Anong oras na ba?" Tanong ko. "11 pm na. Nakarating ka rito 6 na ng gabi." Sagot nya.

Tumabi sa akin ng upo si Tita Cassa at hinaplos ang mga buhok ko. "Ano bang nangyare at nalate ka ng uwi? si Jhermi ay 9pm na nakauwi at hindi mapakali sa bahay. Nahimatay ka raw dahil hindi na kinaya ng katawan mo ang pagod." Napalingon ako kay Jhermi ng sabihin nya iyon.

Umiwas sya ng tingin. Pinag takpan ba ako nila Akirill at Jhermi sa nangyare kagabi?

Tumingin ako kay Naziah. "Ikaw na ang pumasok bukas. Alam na nila ang lahat. Wala na si Lorenzo kung sakaling i-bully ka pa ni Mae nandyan naman ang Section 5 para protektahan ka." Sambit ko sa kanya.

My Safe Place [COMPLETED]Where stories live. Discover now