Chapter 40

33 1 0
                                    

ZIAHNA POINT OF VIEW

Nang magising ako kinuha ko si Jandrik, nais ko sanang ako ang mag luto ng umagahan namin ngunit dumating si Jhermi na seryosong seryoso ang mukha.

Ano naman ang ginagawa ng lalaking ito sa bahay ni Kayle?

"I can't keep this anymore. You need to know the truth." Sambit nya dahilan para kabahan ako ngunit hindi ko ipinahalata.

Truth? What truth?

Lumabas kami ng bahay para doon mag usap. Baka biglang bumaba si Kayle at marinig ang pinag-uusapan namin.

"What is it?" Tanong ko.

Tumingin sya sa akin ng diretso. "Hindi mo ina si Ligaya." Pagkasabi nya non ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Lahat ng pagtrato sa akin ni Ligaya mula sa pagkabata ko ay biglang pumasok sa isipan ko. Yung panahon na hindi nya ako trinato na anak.

Pinilit kong huwag maapektuhan sa sinabi ni Jhermi. Baka hindi naman totoo at binibiro nya lang ako.

"Ano bang pinagsasabi mo? Nag bibiro ka ba?" Inis na tanong ko.

Ngunit nakatingin sya ng diretso sa mata ko. Yun palang alam ko na nag sasabi sya ng totoo. Umigting ang panga ko at kumuyom ang mga kamao.

"Mag kapatid tayo. Ang tunay nyong ina ni Naziah ay si Mama. Ang tinatawag nyong Tita Cassandra." Napasinghap ako sa sinabi nya.

"Nag karoon ng relasyon ang Mama natin at ang Papa mo. Alam naming lahat 'yon." Kusang tumulo ang luha ko na hindi ko napigilan.

Ito ba yung tinatago nila sa akin? Maski ang kambal ko na si Naziah ay alam yon? Bakit ako hindi?

Kaya pala nung mga bata kami ni Naziah mas malapit si Naziah kay Tita Cassa. At mas mahal ni Mom si Naziah kesa sa akin because Naziah knows the truth.

No.

"Nahihibang ka na." Wika ko ngunit umiling sya.

"Hindi ko alam kung bakit ayaw nilang ipaalam sayo ngunit hindi ko na kaya pang itago ang totoo. It hurts me whenever we see each other and you think I'm only your cousin. Patawarin mo si Kuya." Mahinang sabi nya sa akin at akmang yayakapin ako ng humakbang ako palayo.

"Go to school, Jhermi. Kung ina ko man talaga si Cassandra walang mag babago roon. Si Ligaya pa din ang ituturing kong ina." Saad ko at pumasok sa kotse para paandarin patungong mansyon.

Cassandra Min.

Bakit ang dali dali sayong itago ang katotohanan? Bakit pagdating kay Naziah sinabi mo agad?

Simula palang ng bata ako nag tataka na ako sa paraan ng pagtrato mo sa akin na para bang isa mo talaga akong anak. It turns out na anak mo nga talaga ako.

Nakakatangina.

Pag dating ko sa mansyon ay naabutan ko silang lahat na nasa hapagkainan. Masaya silang kumakain. Ngunit ng makita nila ako agad na tumakbo sa akin si Akilex at Naziah na yayakap pa lang ngunit nag tuloy tuloy ako sa paglalakad.

Inilabas ko ang phone ko habang pinag mamasdan nilang lahat ang ginagawa ko. "Tita Cassandra can you go to the mansyon? Dito ka na mag almusal, isama mo si Kuya Martin." Pagkasabi ko non ay ibinaba ko ang phone ko.

"Bakit inimbitahan mo pa ang Tita mo, Ziahna?" Nagtatakang tanong ni Dad.

Tumingin ako kay Ligaya. "Bakit nga ba?" Balik kong tanong.

Sa pagkakataong ito ay hindi nya na ako sinagot. Nanatili syang nakatingin sa akin na para bang alam nya na kung anong nangyayare ngayon.

Kita ko kung papaano biglang may pumatak na luha sa kanyang mata.

My Safe Place [COMPLETED]Where stories live. Discover now