Last Chapter

45 2 2
                                    

This is the Last Chapter of My Safe Place. Thank you for the long journey! This is the first story that I write and it will be always have special place in my heart. Kagaya ng pagmamahal ni Ziahna sa kapatid nya ganun ko din ka-mahal ang mga taong nakabasa nito mula umpisa.

I'm planning something for this story. Hindi ko lang alam kung itu-tuloy ko ba, I'll announce it nalang sa Epilogue.







________

Nagising ako dahil sa sigaw ng kung sino at may nabasag na isang bagay. Kita ko ang lahat ng tao sa mansyon. Lahat ng Section 5 nandito, Mama, mga Kuya ko at ang dalawang Serano na mag Kapatid.

"I'm a useless brother!" Malakas na sigaw ni Kuya Akirill habang umiiyak.

Nakahiga lang ako sa sofa at hindi makakilos ng maayos. Nang mapatingin sa akin si Vincent agad syang lumapit sa akin.

"Are you okay?" Tanong nya at umiling ako.

"It's all my fault." Napatingin kaming lahat kay Kuya Martin ng sabihin nya iyon. Nakatingin lang sya sa kung saan at nakakuyom ang kamao.

"What do you mean?" Bumaling sa kanya si Kuya Akirill.

Hindi nag salita si Kuya Martin at ng makita ni Kuya Akirill yun mabilis syang nag lakad at sinuntok si Kuya Martin. Lahat kami nataranta at hindi agad nakagalaw sa gulat.

"Fuck you! I know! I know that you still have a communication to the Quenco." Galit na sigaw ni Kuya Akirill habang inaawat sya ni Jhermi.

"Tama ka. Kasalanan mo lahat 'to!" Sigaw ulit nya.

"Stop it!" Suway ni Dad na nag patahimik sa dalawa.

Hindi ko alam kung anong sinasabi nila ngunit alam kong tungkol ito sa past ni Kuya Martin na sila sila lang ang nakakaalam.

"H-hindi manlang ako nakabawi sa kanya, hindi manlang ako nakabawi sa pagmamahal na ibinigay nya." Umiiyak na sambit ni Mommy Ligaya.

"Anong sinabi ni Chairman Min at Hyunbaek?" Baling ni Dad kay Papa Salde. "I called them yesterday, padating na sila ngayong araw."

Pinilit kong umupo kaya tinulungan ako ni Vincent, yumuko ako. "Sana panaginip nalang lahat ng ito." Usal ko.

Tumingin ako sa gilid kung saan nandon ang vase ni Ate na pinag-lagyan ng kanyang abo. Na-cremate agad sya dahil hindi makaya ni Mom na makita ang mga gasgas sa katawan ni Ate.

"Halos hindi na makilala ang katawan ni Ziahna. Ang mukha nya ay basag at ang katawan ay putlang putla." Sambit ni Vincent ng makita ang tinitignan ko.

Namamaga din ang mata ni Vincent ay sigurado kong umiyak sya.

"Apo!!" Napatingin kaming lahat sa pinto ng marinig namin ang pamilyar na sigaw. Maya maya pa dumating si Lolo at Lola na tumatakbo.

Lumapit si Mom at Mama at mabilis na yumakap sa kanilang magulang, lumapit si Akilex sa akin kaya pinatong ko sya sa aking hita.

"I-im sorry I'm late. Lola is here Ziahna..." Umiiyak na sabi nya at niyakap ang vase ni Ate. "Patawarin mo si Lola at Lolo."

"Hindi na sana kita isinali sa ganitong gulo kung alam ko lang na mangyayare ito." Si lolo.

"I'll make them pay." Lahat kami napatingin ulit ng sabihin iyon ni Kuya Akirill. Nag aalab ang mata nya sa galit.

"Huwag kang mag padalos dalos, Akirill. Madami sila." Si Kuya Martin.

Inis na sumulyap si Kuya Akirill sa kanya. "Tss. You're saying that because your ex-girlfriend is part of that family." Lahat kami nagulat.

May na karelasyon si Kuya Martin sa mga kalaban nila?

My Safe Place [COMPLETED]Where stories live. Discover now