Chapter 12

38 1 0
                                    

Pagpasok ko sa room nandon na ang teacher namin. Nakita ko namang nasa likod ko si Ryuiichi kaya sya na ang nagpaliwanag kong bakit kami late.

Kita ko ang pag sunod ng tingin sa akin ni Kayle hanggang sa makaupo ako. Anong problema non?

"Saan kayo galing?" Tanong ni Christ pag upo ko. "Sa kabilang room." Si Ryuiichi ang sumagot.

"Anong ginawa nyo roon?" Nanliliit pa ang mata nya na para bang inaakusahan kami.

"Nag usap." Sagot ulit ng isa.

"We?" Paninigurado ni Christ kaya nainis ako.

"O edi nag sex! ano masaya kana?!" Hindi ko namalayan na nasabi ko na pala iyon ng malakas.

Lahat sila nakatingin sa akin na para bang nandidiri. Ang aarte akala mo naman hindi alam ang salitang ganun.

"Your mouth Ms. Oinoma!" Suway sa akin nong Teacher.

"Nakakabit." Sagot ko.

Mas lalo syang nagalit kaya hinawakan ni Christ ang kamay ko.

"May sakit po sya, pag pasensyahan nyo na." Saad ni Christ at bumungisngis.

"Palabasin mo nalang ng room, Maam." Komento ni Nikko kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Drop out nalang Maam, hindi naman nakikinig yan sa subject mo." Saad naman ni Jeff at nagtawanan sila.

Tumingin sa kanila si Maam. "Shut up Mr. Rosa and Gatchalian! baka gusto nyong kayo ang idrop out ko sa subject ko?! total ay bagsak naman kayo lagi!" Galit na sabi ni Maam saka nag umpisa na ulit magturo.

Tinignan ko si Jeff at Nikko sabay inirapan. Kainis. Nanggagatong amp.

Discuss

Discuss

Lunch

Tumayo na ako sa upuan ko at napaharap kay Vincent. Nakatayo kase sya sa harap ko na para bang may sasabihin.

"What?" Mahinang tanong ko.

Sinenyasan nya ako na sumunod sa kanya bago pa ako maglakad may humawak ng balikat ko at iniabot sa akin yung dalawang gamot. Tinignan ko iyon sa palad ko.

"Para lang iyan sa lagnat. Inomin mo pagtapos mong kumain." Sabi ni Ryuiichi saka naglakad palabas.

Napatingin ako kay Kayle na mismo dumaan sa harap ko kaya sumabay ako sa kanya sa paglalakad.

"Anyare bakit may pasa ka?" Tanong ko. May pasa kase sya sa gilid ng labi nya.

"Naglaro." Sagot nya at mas binilisan pa ang lakad hindi ko na sya nahabol dahil masakit ang sugat ko.

Nakita ko si Vincent na nakatayo sa gilid ng hagdanan. "Oh?"

"Tawagan mo raw si Naziah." Sabi nya kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Bakit? may katangahan na naman ba syang ginawa?" Balik kong tanong.

"I don't know. Iyon lang ang sinabi nya." Sumingkit ang mata ko.

Minsan iniisip ko paano nya kaya nalaman na hindi ako si Naziah eh magkamukhang kamukha kami.

Wala pang buwan ng makilala nila si Naziah at sigurado ako na hindi pa nila masyadong kilala si Naziah.

"Matanong ko nga sayo anong pinag kaiba naming dalawa kaya mo nalaman?" Tanong ko.

Tumingin sya sa akin mula ulo hanggang paa. "Magkamukha kayo pero sobrang mag kaiba. The way kung papaano ka tumingin sa isang tao. Si Naziah ay laging nakangiti kahit hindi nya kilala na makaka eye contact nya ay ngingitian nya. Samantalang ikaw ay walang emosyon na nakatingin kahit sa kakilala mo. Kahit kay Jhermi na pinsan mo ay nakita ko. Yon ang una kong napansin. Pabalang ka din sumagot sa amin at sa mga matatanda." Sagot nya.

My Safe Place [COMPLETED]Where stories live. Discover now