Chapter 22

39 1 0
                                    

"N-naziah." Usal ni Christ. Tumingin ako sa kanya. Ramdam ko sa mukha ko ang inis ng sabihin nya iyon sa hindi malamang dahilan.

"I'm not Naziah." Saad ko.

Wala ni isang gumalaw sa kanila at lahat sila ay nakatingin sa katawan ni Lorenzo na nabalutan na ng dugo. May umaagos na din na dugo sa lapag.

Wala akong naramdaman na awa sa kanya lalo na't nalaman kung kasali rin sya sa Yakuza. Si Lorenzo rin ang bumaril sa kasama ko na si Jerome. Saktan na nila ang lahat wag lang ang mga malalapit sa akin.

Nahagip ng paningin ko si Kayle na tulalang nakatingin sa akin. "Y-you lied to me." Yon lang ang sinabi nya pero kumirot ang puso ko.

Umawang pa ang labi ko habang pinagmamasdan sya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Na mag sinungaling sa isang tao ngunit ako pa ang nasasaktan.

"Stop the drama Serano, may kalaban pa tayo." Wika ko at tumingin sa kanilang lahat.

"Labas!" Sigaw ko. Naramdaman kong naguluhan silang lahat pero ng tumingin sila sa mga gilid nila ay kita ko ang panlalaki ng mata nila.

Maraming mga lalaki na nakamaskara na grey at pinalilibotan kami. Kanina pa sila rito at nanonood mula sa gilid ng dilim. Si Lorenzo rin ang nag padala sa kanila dito.

May mga hawak na malalaking kahoy at tubo ang iba. Malalaki ang katawan nila na pwede na silang gawing bouncer.

"What the hell?! sino ang mga ito?!" Sigaw ni Jhermi.

Hindi namin sila kakayanin dahil mahigit nasa 50 sila at alam kong meron pang parating. Alam kong kahit gaano kagaling sa pakikipag laban ang mga kasama ko hindi pa din namin matatalo ito. Lalo na't kung ako ang target nila mula sa umpisa.

Ngumisi ang isa sa mga nakamaskara na tanging ang mga mata nya lang ang natatakpan.

"Kilala nyo ba kung sino ang babaeng kasama ninyo? pumapatay iyan. Sikat iyan sa Yakuza organization dahil sa walang awang pag patay ng mga tao. At dahil sa yabang nya ay kinalaban kami." Pagpapakilala nito sa akin.

Kumunot ang noo ko."Kilala ko ba kayo? ni hindi ko nga kayo kilala eh, sino ba ang boss ninyo?" Tanong ko.

"Marky." Pagkakasabi nya non ay bigla akong napaatras. Nahawakan ako sa likod ni Kayle para hindi tuluyang matumba.

Sa isang iglap tila nawala lahat ng tapang ko ng banggitin nya ang pangalan na yon. Hindi ako takot sa kanya ngunit iba ang sinasabi ng katawan ko. Tila nanghihina ako sa tuwing naalala sya.

B-bakit? bakit ba ginugulo nya pa ako?

Ano bang kailangan nya talaga sa akin?

Bakit pagdating sa kanya ay hindi ako makalaban? Am I scared at him?

"Kaya mo bang lumaban?" Tanong ni Kayle kaya umiling ako. Seryoso syang tumingin sa akin.

Hindi ko talaga kaya. Pakiramdam ko hindi ko na sila maililigtas pa.

"You have a fucking trauma with that Marky." Inis na saad nya ng mapansin ako.

"Pero may kayang tumulong sa atin." Sabi ko at ang paglabas ng apat kong kaibigan.

"Nakikilala mo na ba kami?" Nakangiting tanong nung leader na nakamaskara.

"Eh kami ba nakikilala mo?" Napatingin silang lahat sa nag salitang si Mikaza.

Buti nalang at sinunod ko ang nararamdaman ko at tinawagan ko silang apat para tulungan ako. Kinabahan na ako nung doon palang sa kinulong ko si Mae.

"Nakita na naman kita Mr. Bouncer." Asar ni Jerome rito at tumawa sila ng malakas ni Mikkaella.

My Safe Place [COMPLETED]Where stories live. Discover now