"How is it?" Tanong ni Viper kay Venom nang makalapit na siya sa amin. Inabutan niya rin ng towel si Venom dahil sa dugong tumalsik sa kaniya.



"He's dead."



Napalingon ako sa katawan ng lalaki nang umpisahan na siyang kunin ng mga tauhan ni Venom. Mukhang hindi pa siya tapos sa pagkuha ng impormasyon sa lalaking 'yon.



Hindi na ako magugulat kung pati pamilya ng lalaking 'yon ay madamay pa sa kasamaan niya. Well, kilala ko ang ugali ni Venom kaya alam kong wala siyang awang pumapatay nang kahit na sinong gusto niya.



Hindi mo siya madidiktihan lalo na kung desidido na siya na gawin ang isang bagay. Pero kung palupitan ang magiging usapan ay wala pa ring tatalo sa male lead.



"Vile is extremely dangerous. That's how the author describes him in the novel."



Inalis ko na ang male lead sa isip ko at tinignan si Venom nang marinig ang sinabi ni Viper.



"Your hand is bleeding."



"It's okay. It doesn't hurt."



"Good."



Literal akong napanganga sa palitan nila ng salita. Anong klaseng conversation 'yon? Wala man lang kaemo-emosyon ang mga boses nila habang nag-uusap.



Mabuti naman at kahit napaka-cold ni Vile ay hindi kami ganiyang mag-usap. Kami kasi ng male lead ay parang usapang magkaibigan lang. Pero itong dalawang 'to kung mag-usap parang hindi magkakilala.



"It's good to see you again, Lady Venom." Sabi ko na lang nang makita lumingon siya sa'kin.



"Yeah, it's so funny to watch you speak earlier." Natatawa niya pang sabi.



So, siya pala yung babaeng kanina pa ako tinatawanan. Hindi ko tuloy malaman kanina kung may nakakatawa ba sa'kin para pagtawanan lang niya.



"I don't know if that's a compliment, but still, thank you."



"Hahaha! You're welcome." Nang-aasar pang sabi ng bruha na nginitian ko na lang ng pilit.

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now