"Talaga? Ehh ano raw meron sa training nila?"


"Yun nga, naiba raw ang training plan ng mga trainees na sasabak sa event. Sabi pa niya ay palakasan daw ang labanan sa training dahil nagtatanggal daw sila ng mga trainees kada araw."


"Huh? Seryoso ba yan?"


"Oo, mukha ba akong nagbibiro?"


"Ahh–hindi? Pero yung mukha mo, oo tol."


"Huwag mo kong biruin ngayon dahil seryoso akong nagsasalita dito."


"P–pfft!"


Muntik na akong mapatawa nang marinig ang maikling sagutan ng dalawa. Mukha ngang seryoso yung isang trainee dahil muntik na siyang mapikon sa kasama niya.


"Sabi ko nga ehh. Chill! So, what happened next?"


"Huwag kang maingay ahh, pero nalaman ko na kabilang ang torture training sa mga trainees ngayon. Yun din ang dahilan kung bakit maraming trainee ang nasa clinic sa mga oras na 'to." Seryosong balita ng lalaki na kinangisi ko na lang sa gilid.


Aiya? Mukhang kalat na sa buong department ang torture training ng trainees. Kaya naman nararamdaman ko na rin ang papalapit na sakit na ulong dulot nito sa'kin.

"Th–that's fucking real?"


"Hell yeah, buddy!"


Napailing na lang ako sa narinig at balak na sanang mauna sa kanila. Kaya lang bigla silang nagsalita na nagpahinto sa'kin.


"At sa maniwala ka man o hindi ay may mga trainees na namatay sa training nila last day..." Mahinang bulong ng isa.


So, talaga ngang may namatay sa training... Kahit inaasahan ko na may iilan talaga na mamamatay ay hindi ko pa rin maiwasang matigilan.


Iniisip ko kasi na sayang at wala ako para masaksihan ang mga mukha ng trainees. Lalo na yung araw na namatay si Abby. Kung nandoon lang sana ako ay malaki ang tsansa na mahulaan ko kung sino ang pasimuno nang pagkamatay niya.


Hindi na ako nakinig sa usapan ng dalawang trainee at minabuti nang maglakad palabas ng malaking gate ng Military Department.


Dumiretso akong parking lot at agad ding sumakay ng kotse. Mahirap na't baka may makita na naman akong istorbo sa balak kong magpahinga. Tsk!


"Mabuti pang tumahimik ka, Carnelia at baka mausog pa yang mga sinasabi mo!"


Pagkarating ko sa mansion ay sakto lang para sa hapunan. Kaya lang agad ding nasira ang araw ko nang makita ang pagmumukha ni Mitchel kasama si Henry.


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now