Prologue 🪓

59 2 0
                                    


Nakaramdam ako ng kirot sa ulo ko, malamang dulot ito ng paghampas ng kung anong matigas na bagay kanina sa loob ng locker room.

Natatandaan kong huli akong lumabas sa shower room kanina, nagtaka na ako kung bakit nakapatay na ang ilaw.

Hindi nagtagal ay biglang may humampas sa likuran ko at deretso akong nawalan ng malay.


Ito na agad ang bumungad sa'kin. Nasa loob ako ng isang kwarto nakatali sa isang upuan ngunit walang busal ang bibig, nakakapagtaka lang at hindi ito yung typical na pinagdadalhan ng mga kinikidnap.

Maaliwalas ang kwartong to , may kama, study table at cabinet. Sa isip isip ko baka suprise to? Pero hindi ko naman birthday at kung surprise bakit kailangan pa ako hatawin ng kung anong matigas na bagay.

Surprise! Naputol ang pag-iisip ko nang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang tao na nakamaskara ng isang Buwaya.

Who are you? Natatakot man pero pilit ko pa ding pinatigas ang tono ng boses ko.

I'm your greatest nightmare ... Sabi niya saka bumulalas ako ng tawa. Shit..

Hahaha! Cut this crap dude. Sabi ko nang makilala kung sino siya.

Do you think I'm joking?? Seryoso niya pa ding tanong.

Buhay pa yan? Parehong naagaw yong atensyon namin sa isang pumasok, nakamaskara din siya ng buwaya.

Ang hina ng palo mo eh . Komento naman ng pangatlong pumasok na sa tingin ko ay babae at kilala ko din.

Ako na tatapos... Tinig ng isang babae na sobrang pamilyar sa'kin.

What the hell! Napamura ako sa isip. Anong gagawin nila sa'kin? Hindi ba to prank..


Dahan dahang lumapit sa sa'kin ang babaeng huling pumasok at walang pasabi akong sinipa ng malakas sa dibdib at tumilapon ako.

Putcha! Anlakas .... Babae ba talaga to? Napadura ako ng dugo sa sobrang lakas ng tama, walang tigil ako sa pag-ubo.

Nakita kong lumuhod siya kung saan ako nakahandusay. Time to rest Jervin. Bulong niya saka may naramdaman akong matulis na tumarak sa batok ko.

Bago nagdilim ang lahat narinig kong nagsalita ang isa sa kanila.

Prepare for our revenge ....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

All rights reserved 2022



La VendettaWhere stories live. Discover now