CHAPTER 6

1 0 0
                                    

Veronica POV

Hindi ko alam kung tama ba o mali ang desisyon ko. Feel ko mali pero feel ko naman tama, mali kasi parang pinapakita ko na hindi siya attracted, tama naman kasi feel ko tama yung desisyon ko na wag muna pumayag sa mga dinner dinner with stranger. Like, ilang days ko lang siya nakilala pero papayag ako? So wrong.

Napabuntong hininga ako at hinagis ang sarili ko sa kama. "Sana tama yung desisyon ko." Bulong ko sa sarili ko.

"Who's that guy?" Napabalikwas ako ng bangon dahil kay Vanessa na naka cross arm sa hamba ng pintuan ko. Tsk, ano na naman bang ginagawa ng babaeng to dito sa kwarto ko? Hindi na imposible na hindi niya alam yung bulong bulungan sa classroom kanina.

"None of your business Vanessa." Walang gana kong sabi habang naka tutok ang tingin sa phone ko. Kunwari lang may ginagawa ako pero ang totoo ayoko lang makita ang mukha niyang mukhang clown.

Mahina siyang natawa. "Ano nalang kayang sasabihin ng parents mo pag nalaman nilang may ka date ka na." Pananakot niya sakin.

Tumawa ako nang mapang asar at bumangon sa kama ko. "Sa tingin mo ba pagagalitan nila ako dahil lang sa 'may ka date' ako?" Ngumisi pa ako nang mapang asar sakanya.

Padabog siyang umalis. Hindi ko maiwasang hindi masaktan sa inaakto ni Vanessa, matagal ko na ring gustong magka ayos kami, pero alam kong malabo yon dahil sa galit at inggit na laging namumuo sakanya.

Nagising ako ng madaling araw para sana kumuha ng tubig sa baba, pero pag labas ko ng kwarto ko ay nakita kong naka bukas ang pintuan ng kwarto ng ate ko at nakabukas din ang ilaw. Hindi ako nag dalawang isip na pumunta don, pero nagulat ako dahil nakita ko ron si Vanessa, para siyang may hinahanap sa mga drawer ni ate.

Galit kong hinila ang braso niya palabas ng kwarto. "Ano bang ginagawa mo?!" Galit kong sabi.

Malakas niyang tinanggal ang braso niya na nakahawak ang kamay ko. "Wala kang pake! At patay na ang ate mo ano pa bang pinag lalaban mo dyan? Dapat nga sunog na yang mga gamit niya eh!" The audacity of this girl.

Gusto ko siyang kalbuhin sa galit na nararamdaman ko ngayon. "Wala kang karapatan makialam sa gamit ng pamilya ko! Nakikitira ka lang dito tandaan mo yan Vanessa!" Halos maubos na hininga ko kakasigaw, alam kong nag eecho ang boses namin sa mansyon, pero wala na akong pake sa ngayon dahil galit na galit na ako.

"Ako? Nakikitira? This is my house too Veronica! Did our mom forget that we're siblings?!" Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya. Nakatitig lang ako sakanya habang hindi nag sisink sa utak ko ang mga sinabi niya. "Yes Veronica! I found out that you and I are siblings! Step siblings to be exact, and that you're so-called- sister was adopted!" Napalingon ako sa gilid ko dahil may narinig akong humihikbi, sila mommy...

"Baby, let me explain." Hindi ko na sila pinakinggan at mabilis akong bumalik sa kwarto ko at nilock yung pinto. Naghahalo halo ang mga salita sa utak ko, hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba talaga 'yon. Ang sakit sakit, bakit sa daming tao sa mundo si Vanessa pa? Bakit siya pa?! Kaya ba lagi ni mommy binibigyan si Vanessa tuwing birthday ko ng mga gifts ay dahil magkapatid talaga kami? Kaya ba pinunta dito ni tito si Vanessa ay dahil gusto nila na mag kaayos kami at aaminin na nila na talagang magkapatid kami?

Napasabunot ako sa buhok ko at sunod sunod na luha ang bumabagsak sa mga mata ko. "Fuck this life!" Malakas kong sigaw at tinapon ko ang flower base sa gilid ng kama ko.

KINABUKASAN ay maaga ako umalis, tulog pa ang lahat ay umalis na agad ako. Hindi na ako nagpahatid sa driver at nagpasabay nalang ako sa kaklase kong malapit lang din dito, hindi na siya nagtanong kung bakit dahil siguro halata sa mukha ko na ayaw ko munang makipag usap.

Pag dating sa school ay walang sumubok na may kumausap sakin, tahimik lang ako buong klase. "Nica, okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Bless. Tumango lang ako at inubos ang lunch ko, wala akong gana makipag usap sa lahat pagkatapos ng mga nalaman ko. Nag suggest sila na ihatid ako pero hindi na ako pumayag.

Dumaan muna ako ng locker ko dahil ilalagay ko yung cheer dance uniform ko para hindi ko na kailangan iuwi pa. Saktong pagsarado ko ng locker ay bumungad sakin si Vanessa na may pang asar na ngiti. "What? Natanggap mo na ba na we are siblings?"

"Step- siblings" Pagtatama ko. Ayoko man marinig yon pero wala akong choice dahil may nagtaksil sa pamilya ko.

Tumawa siya. "What's with that face? Ayaw mo ba ako maging STEP SISTER?" Pinag diinan pa niya ang huling salita. Pigil na pigil akong sabunutan itong babae na nasa harap ko.

Nginitian ko siya. "To be honest? Ayoko. I don't want have a step sister like you, a witch." Pagkatapos non nilagpasan ko na siya, pero bago yon ay siniguro ko muna na mababangga ang balikat niya dahilan ng pag bagsak niya sa sahig. Tumaas ang sulok ng labi ko dahil narinig ko ang pag daing niya. Deserve.

Gabi na at nandito ako sa mall, nagtitingin ako ng mga damit. Actually hinihintay ko mag sarado ang mall para makauwi na din ako, ayoko din naman maabutan ang parents ko or kung sino mang tao sa mansyon dahil baka masira na naman ang mood ko. Habang nagtitingin ako ng mga magagandang dress ay may nakita akong kulay red na above the knee at parang pa tube.

"That dress looks like good on you." Halos tumaas ang buhok ko sa batok dahil sa boses na narinig ko sa kaliwa kong tenga.

Mabilis akong lumingon at nakita ko si Kendrick. "K-Kendrick anong ginagawa mo dito?" Kinakabahan kong sabi, yung puso ko kasi ang bilis ng tibok at hindi ko mapigilan.

"Uhh, I just want to buy some dress for my mom's friend." Tumango tango ako, ang sweet naman.

Lumipat ulit ang tingin ko sa mga dress. "Anong dress ba ang gusto niya? Tulungan kitang maghanap ng maganda para sakanya." Lumingon ako sakanya at ngumiti.

Ngumiti din naman siya pabalik at ginulo ang buhok ko. "She likes purple dress." Tumango tango ako at naghanap kami ng purple dress na babagay sakanya.

"Bakit mo pala bibilhan ng dress yung friend ng mama mo?" Tanong ko habang nagpipili ng mga damit.

"My mom say that she's so upset until now, and you know they're best friends so she know what's her favourite, and she told me I need to buy her a dress so that she's not be upset anymore..." Tumingin siya saakin at ngumiti. "She said dress can make her happy."

Bigla kong naalala si mommy, mahilig din siya sa mga dress. Kapag pagod siya inaaya niya ako mag online shopping or shopping sa mall para bumili ng dress. "Ang sweet naman ng mama mo."

Pauwi na kami at pinilit niya ako na ihahatid niya ako pauwi, wala naman akong choice kasi wala din akong masasakyan pauwi. "Magugustuhan niya kaya to?" Ako kasi ang pumili ng damit since sabi ni Kendrick ay ako daw pumili kasi ako naman yung babae, at ang mga babae naman daw ang laging tama.

"Yup, she's definitely love that." Nakangiti niyang sabi. Napapansin ko napapadalas na ang ngiti niya pag kasama niya ako. Wait kinikilig ako.

Pag dating namin sa main gate namin ay akmang lalabas na ako pero nagulat ako dahil naka lock yung car door. Naguguluhan akong tumigin sa lalaking nasa tabi ko pero dire diretso lang ang pag mamaneho niya pag bukas ng gate. Wait, ihahatid niya ako sa mismong door ng mansyon? No, hindi pwede, for sure malalaman nila mommy.

"A-Ah Kendrick okay na ako dito mo nalang ako ibaba." Nahihiya kong sabi, pero parang wala siyang narinig at hininto ang sasakyan sa harap ng mansyon. Pag labas niya ay pinag buksan niya ako ng pintuan ng kotse. Wala na akong choice kundi mag go with the flow nalang, for sure tulog na yung mga tao ngayon sa mansyon kasi anong oras na din.

Pero mali ako, pag bukas na pag bukas pa lamang ng pintuan ay nakita ko silang lahat sa sala. "Sweetie.."

Y O U R E S O C U T E E E E

Вы достигли последнюю опубликованную часть.

⏰ Недавно обновлено: Dec 27, 2022 ⏰

Добавте эту историю в библиотеку и получите уведомление, когда следующия часть будет доступна!

THE PROMISEМесто, где живут истории. Откройте их для себя