CHAPTER 1

15 0 0
                                    

FIRST DAY OF SCHOOL

Veronica POV

Nagising ako sa malakas na sigaw ng aking ina. "Nica gumising kana at baka ma-late ka pa sa unang klase mo." She said. Nakasimangot akong umayos ng upo at nagkusot kusot ng mata,first day of class ko ngayon gaya ng sabi ni mommy at excited na ako kahit hindi halata sa bugnot kong mukha. Naligo na ako,nagbihis ng aking uniform at nag pulbo. Hindi ko hilig ang mag lagay ng kolorete sa mukha ko dahil sa nangyari saakin nung bata pa ako.

"Anong nangyari sa mukha mo Nica?" Tanong ni mommy habang sinisipat ang mukha ko, hindi ko din alam bakit parang nangangati mukha ko simula kanina.

"Mommy makati." Pilit kong kinakamot ang aking mukha ngunit si mommy ay pinipigilan ako sa hindi ko malaman na dahilan.

Nalaman ko na dahil pala iyon sa paglalagay ko ng make up sa mukha ko nung bata pa ako kaya nangati ang mukha ko, simula non ay hindi na ako nag lagay ng kung ano ano pa sa mukha ko sa takot na baka ay maulit na naman iyon.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko ang mga maids na inaayos ang breakfast namin. Oo nga pala may kaya ang pamilya namin,si daddy meron siyang company,si mommy naman ay meron siyang bakery kaya sakanya ako natuto gumawa ng mga tinapay lalo na ang favorite naming cake.

Umupo agad ako sa upuan at nakita ko si mommy at daddy na umupo na din sa magkabilang upuan. "Lets eat." Nilagyan ako ni mommy ng rice at ng ulam, tahimik lang kami habang kumakain ng magsalita si daddy.

"I'll take you to your school sweetie." Nakangiti akong tumango, kahit busy silang dalawa ay nagagawa pa rin nila na bigyan ng oras ang aming pamilya.

Pagkatapos kumain ay hinatid na ako ni daddy sa papasukan kong school. Well bago pa lang naman ako sa school na iyon kaya wish me luck.

Hininto ni dad ang sasakyan sa harap ng malaking gate ng school. "Bye dad." Pagpapaalam ko bago ako lumabas ng kotse.

"Goodluck my princess!" Sigaw ni daddy, Nginitian ko lamang siya.

Pag pasok ko ng school ay napa wow ako sa lawak ng daanan,at pag pasok na pagpasok mo palang sa school ay halos ikaw na agad ang pagtitinginan ng mga students na nakatambay sa corridor. Yung iba naman nakatingin sa naka dikit sa board,duon siguro nakalagay ang room nila. Ako kasi may hawak na papel at duon nakalagay ang room number ko.

ROOM 301

Paikot-ikot na ako ngunit hindi ko pa rin makita ang room ko kaya napilitan akong magtanong,luminga linga ako at naghahanap ng matatanungan sakto naman na may dumaan sa harap ko na magkaibigan. "Ah wait excuse me." Pigil ko sakanila. Huminto naman sila at tumingin saakin.

"Bakit miss?" Tanong nung lalaki,yung babae naman ay nag aantay ng sagot ko.

Tinuyo ko ang lalamunan ko bago magsalita."U-Uh alam niyo b-ba yung room number na ito? Pwede niyo ba ituro saakin? Hindi ko kasi alam eh bago lang ako dito." Nahihiya kong sabi. Hays bakit ba kasi ako pinanganak na mahiyain,at sa totoo lang hindi ako mahilig makipag socialize,lagi lang kasi akong nasa bahay at hindi ako lumaki na may kaibigan.

Nagkatinginan sila bago tumango."Sure."

"D'YAN yung room natin." Turo ni Bless. Ay oo nga pala nalaman ko na name nila kanina lang at nalaman ko din na magkapatid pala sila. Si Bless Salvacion at Vince Salvacion.

Ngumiti ako sakanila at huminto kami sa harap ng room."Thank you ah hindi ko alam same room din pala tayong tatlo." Natatawa kong sabi. Hindi ko alam pero ang comfortable nila kasama. Mahina akong hinampas ni Bless habang tumatawa. Ang saya saya niya kasama mahilig mag joke."Eto naman pare-parehas lang naman tayong student dito sa school 'no- AYY oo nga pala ano name mo? hindi pa namin natanong sayo kanina." Sabi niya saakin.

"I'm Veronica Solidad,but you can call me Nica for short." Magiliw kong sabi. Gulat ang mukha nila habang nakatingin saakin pagkatapos ay nagtinginan sila."Uhm what's wrong?" I ask them.

"Ikaw yung- yung- anak ng mga Solidad na pumapangalawa sa pinaka malaking company sa Pilipinas?!"Tanong ni Bless. Nagtataka akong tumango. Nanlaki ang mata ko dahil tumalon talon siya."OMYGOD hindi ko alam na may kakaroon kami ng mayaman na friend!!!" Sigaw niya. Mahina nalang kaming natawa ni Vince. Ang cute niya.

"Gosh keep quiet stupid." Napatigil kami sa pagtatawanan dahil may biglang nagsalita sa harapan namin. Pinasadahan niya ako ng tingin kaya gano'n din ang ginawa ko. Well,maganda siya huh. Matangkad,maputi,matangos ilong,sexy at makinis. Mukha nga lang clown dahil sa kapal ng make up niya,ang taray din ng kilay.

"Done checking me weirdo?"Bumalik ako sa huwisyo ng bigla siya magsalita siya. "Tss,I know I'm sexy so stop looking at me weirdo." Tumahimik nalang ako imbis na patulan siya. Naalala ko kasi yung tinuro saakin ng taong hindi ko na maalala yung pangalan. Bata palang kasi ako nung tinuro niya saakin iyon 'Huwag patulan para mapanatili ang kapayapaan, laging maging kalmado' 'yan ang sabi niya. Actually english 'yon tinagalog ko lang hehe.

"Abat kaklase ka pa rin namin?!" Napatingin ako kay Bless na bumubwelo na para sugudin yung babae sa harap namin. Yung kapatid naman niya ay panay pigil sakanya, Gusto ko tuloy matawa."Ano ba Bless tumigil ka nga." Suway ni Vince.

Basta nalang naman dumaan papasok sa room yung babae kanina.

"GOOD morning class." Tumigil ang hiyawan dahil pumasok na ang teacher namin. "I'm Ms. Sintia I know kilala niyo na ako." Tumango ang iba habang ako ay tahimik lang. Hindi ko naman siya kilala.

"And now we have new student here." Tumingin siya saakin at ngumiti."Please introduce yourself in front miss." Namamawis akong tumayo at pumunta sa harap, Kita kong nag aantay sila sa sasabihin ko. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita.

"Hi I'm Veronica Solidad 18 years old and I love playing chess, Volleyball and Basketball. My favorite subject is uhm- well I dont have a favorite subject kasi lahat naman favorite ko , I hope maging friends ko kayo." Nahihiya kong sabi. Iba't ibang reaksyon ang nakikita ko sakanila. May masaya, may masungit ang tingin saakin at may nakatitig saakin.

"Okay,miss Solidad you may take your seat."

NANDITO kami ngayon sa cafeteria at nag kukwentuhan. Yung sinasabi niya na babae kanina na mukhang clown ay si Olivia pala. Siya daw ang pinaka bully sa school kaya andaming may galit sakanya. Nasabi din niya na scholar daw sila at yung tatay at nanay nila ay nag tatrabaho sa company ni dad.

"Grabe di talaga namin akalain na magiging friend ka namin kyaaahhh!" Panay na lamang ang suway ng kapatid niya sakanya sa ingay niya dito. "Ang ingay mo manahimik ka nga" Sabi ni Vince tinawanan ko nalang sila. Nag aantay kami ng inorder namin, "Ay Nica thank you nga pala sa libre ha? hehe." Tinanguan ko lang sila,nilibre ko kasi sila pasasalamat ko na rin iyon sa pag tulong nila saakin kanina.

"Wala iyon maliit na bagay." Natatawa kong sabi.

"Maliit na bagay ka d'yan ang mahal mahal kaya ng mga pagkain dito sa cafeteria,akalain mo rice with ulam 200 agad? Eh dun samin singkwenta lang iyon eh." Kumunot ang noo ko.

"Sing- sing- what?" Tanong ko, Natahimik sila at maya maya ay nagtawanan nalang.

Tumigil sa pagtawa si Bless. "Singkwenta, 50 pesos" Tumango tango ako. Nag peace sign na lamang ako at ngumiwi, Sorry naman hindi ko alam eh. Patuloy lamang kami sa pag kukwentuhan ng biglang may nag text sa phone ko.

Unknown number.

' Hi baby we will meet soon I miss you so much.'

Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko, Sino ito? Sino ka?

Y O U R S O C U T E E E E

THE PROMISEWhere stories live. Discover now