CHAPTER 3

5 0 0
                                    

HIM

Veronica POV

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko, tinignan ko ang oras.

5:00 am

Bumangon na ako para maligo at makababa na para kumain ng breakfast. Well actually 7am naman talaga ang start ng klase ko pero gusto ko pa kasi mag ikot ikot muna sa school since hindi ko pa naman alam pasikot sikot kaya maaga ako papasok.

Pagkatapos ko magbihis ay nag ayos na ako, Tumingin ako sa bracelet na nasa table ko. "Suotin ko kaya?" Kinuha ko ang bracelet at sinuot ko ito. "Hmm,bagay."

Pagkatapos ko ay bumaba na ako, Nakita ko ang mga maids na gulat na nakatingin saakin. "M-Ma'am hindi niyo po sinabi na maaga kayo gigising teka po lulutuan ko kayo ng breakfast." Mabilis na pumunta sa kusina ang ilang maids para magluto.

Naupo lang ako sa sofa at nag tipa sa cellphone ko.

Bless : Ano oras ka papasok Nica?

Agad naman akong nag reply sa text ni Bless.

Me: Ang aga mo naman nagising Bless maaga ka din ba papasok?

Bless: Ay naku hindi! Tutulungan ko muna si tita mag benta ng pandesal para may pang baon kami.

Napangiti naman ako.

Me: Pwede ko naman kayo ilibre sa lunch mamaya.

Bless: 'Wag na,'to naman nakakahiya sayo nilibre mo na nga kami kahapon eh.

Me: Hmm.. ganito nalang mag papaluto ako sa mga maids ko ng rice and ulam para sainyo and ilalagay ko sa lunch box para hindi na kayo mahirapan bumili sa cafeteria na may pag ka mahal mahal ng mga presyo.

Bless: ha?

Me: I'm not accepting no as an answer.

Bless: Oo na, Oo na hindi naman ako makakatanggi sayo.

"Ma'am handa na po ang breakfast."

"Okay yaya thank you." Nag paalam na ako kay Bless at tumayo na para mag kumain ng breakfast. Sila mommy at daddy pala ay tulog pa.

Habang kumakain ako ay may tumawag sa cellphone ko.

Tito Miguel calling...

Mabilis kong sinagot ang tawag ni tito Miguel. "Hi tito good morning napatawag po kayo?" Sabi ko habang kumakain. Tito Miguel is my mom's brother.

( Hi ija, I just want to say that Vannessa will come to the Philippines to study there and she will study to Saadvedra University )

Nabitawan ko ang hawak kong kutsara. Oh no, hindi pwedeng nandito si Vannessa. Si Vannessa ang anak ni tito Miguel. She's a devil,bata pa lang kami ay hate na hate niya na ako kahit nga hanggang ngayon ay ayaw niya pa rin saakin. Hindi ko nga alam kung bakit, wala naman akong ginagawang masama sakanya o ano basta nagalit nalang nalang siya sakin noong bata pa kami.

At hanggang ngayon ay pinipilit pa rin nila na subuking magkabati ulit kami,ito siguro ang paraan nila para maging close ulit kami.

( Nica? Are you still there ija? )

Napabalik ako sa diwa ko ng magsalita si Tito. "Ah yes tito, Bakit po siya dito mag-a-aral? I thought she's already good in her school there?" I ask habang kumakain.

( Well I don't know too ija bigla nalang siyang nag-aya na mag-aral daw kung saan ka nag-aaral, I guess she want to be close to you again )

As if naman babait pa ang demonyo mong anak,tito.

"Oh, gan'on po ba? So kailan po siya dadating?" Pinasiglaan ko pa ang boses ko kahit ayaw na ayaw kong nandito siya, pati nga sila mommy ay ayaw sa ugali ni Vannessa.

( I think next week ija, And can you do me a favor? )

"Uhm, what is it tito?" Mukhang hindi ko 'to magugustuhan.

( Can you guide her to your school there? )

Nahirapan akong lunukin ang nginuya kong pagkain sa favor ni tito. "U-Uh sure tito no problem." Hindi naman ako maka-hindi kay tito dahil kung hindi dahil may naitulong din siya sa pamilya namin.

Pagkatapos ko kumain ay inayos ko na ang mga dadalhin ko, pati ang mga lunch box nila Bless at Vince. Pupuntahan ko na sana ang isa naming maid para tawagin si manong driver para sana ihatid ako sa school pero nakita ko ang bike ko, matagal na din akong hindi gumagamit ng bike kaya naisip kong gamitin nalang papuntang school. Medyo malapit naman ang school namin.

Lumapit ako sa isa naming yaya."Yaya pakisabi nalang kay mommy and daddy na bike nag gagamitin ko papasok ng school ha? Hindi na muna ako papahatid sa driver." Nakangiti kong sabi.

Ngumiti naman ang maid namin."Sure ma'am ingat po."

Pagkalabas ko ng mansion ay naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin sa dumadampi sa balat ko habang nag-ba-bike ako.

Wala naman problema kung maaga pumasok sa school kasi 4am ay nandon na raw ang karamihang mga teachers. Habang nag-ba-bike ko ay biglang may dumaan na aso sa harap ko kaya napaliko ko ang bike ko ng wala sa oras kaya natumba ako.

"Ouch." Daing ko dahil may sugat ang tuhod ko at ang palad ko. Tatayo na sana ako pero may kotseng huminto sa harap ko at lumabas ang pinaka-gwapong lalaking nakita ko sa buong buhay ko. Naka tuxedo siya at ang ganda ng ayos ng buhok niya, Nakasalamin siya at ang tangkad, matangos ilong, at maputi.

Lumapit siya saakin at inilahad niya ang kamay niya. Para kong nahihipnotismo sa presensya niya, Naamoy ko din ang mabango niyang pabango. "Are you okay miss?" Yung boses niya. Pamilyar sakin. Palihim akong umiling,imposibleng siya iyon ang pogi pogi nito at mukhang mayaman talaga para maging rapist or kidnapper 'to.

Nahihiya akong tumango. "A-Ah hehe o-oo okay lang s-salamat." Teka hoy Veronica Solidad bakit ka nauutal? Huh?

Tinitigan niya ako pag katapos ay tumingin siya sa sugat ko, lumingon siya sa driver niya at may hiningi. Maya maya ay lumapit ang driver niya at may binigay sakanyang band aid. Halos mahigit ko ang hininga ko dahil lumuhod siya at nilagyan ng band aid ang sugat ko sa tuhod.

Y-Yung slacks niya! "H-Hala teka yung slacks mo nadumihan!" Natataranta kong sabi. Omygosh pano kung may party pala siyang pupuntahan? Edi magmumukha na siyang madungis dahil ang dumi ng slacks niya.

Mahinang natawa ang lalaki. "It's okay, don't worry." Tumayo siya at diretso ang tingin sa'kin. Ang tangkad niya nga talaga hanggang balikat niya lang ako.

Napayuko ako, Para akong matutunaw sa titig niya. Siguro inaantay niya yung thank you ko? Ay oo baka nga! "A-Ah, thank you hehe." Sabi ko.

Tumawa na naman siya."Cute." May maya ay inutusan niya ang driver niya na itayo ang bike ko, "There. Next time be careful miss,okay?" Tinap niya ang ulo ko.

Kusang akong ngumiti at tumango. Pagka-alis ng kotse niya ay para akong sirang plaka. Paulit ulit nag-pi-play sa utak ko yung sweet gestures niya.

Hanggang sa pag pasok ko ng school ay maganda ang mood ko pero bigla nalang nawala dahil nag text na naman si unknown number.

' Goodluck to your class baby.'

Mamamo goodluck.

Y O U R E S O C U T E E E E

THE PROMISEWhere stories live. Discover now