CHAPTER 4

7 0 0
                                    

VANNESSA YU

Veronica POV

Isang linggo na simula nung pumasok ako sa University at madami na rin akong kaibigan doon. Ngayon ay sabado at ngayon din ang punta ni Vannessa dito saamin,susunduin namin siya sa airport ngayon.

Nakuwento ko na rin pala kela Bless at Vince yung sa nangyari saakin na may tumulong saakin na poging mayaman. Para ngang kiti kiti si Bless habang nag kukwento ako. Hindi maganda ang araw ko ngayon dahil nalaman ko na dito rin pala matutulog si Vannessa sa bahay, hindi magiging maganda ang kahihinatnan nito dahil magkasama kami sa iisang bahay.

( Ay nako Nica magsabi ka lang talaga kapag inaapi ka niyang demonyita mong pinsan ha! )

"Oo na Bless g na g ka naman dyan."

Yup. Si Bless ang kausap ko sa phone, Nakwento ko kasi sakanila yung about saamin ni Vannessa at about sa past namin kaya gano'n na lamang magalit si Bless kay Vannessa.

Pagkatapos namin mag-usap ay tinawag na ako sa baba,tinignan ko muna ang orasan ko kung anong oras na. 8am na pala, Pagbaba ko ay nakita ko sila mommy at daddy na naka-ayos na.

"Lets go sweetie." Sumakay na kami ng kotse. 

"HI tita and tito omygosh I miss you po!" Napangiwi ako dahil sa tinis ng boses ni Vannessa,nandito na kasi siya at sandaling oras lang kami nag antay sakanya. Ang laki ng pinagbago ni Vannessa,ang ganda ng hubog ng katawan niya. 

Ngumiti si mommy."Namiss ka rin namin ija."

Lumipat ang tingin niya saakin, Akala ko susungitan niya ako. Pero nagulat ako dahil bigla niya nalang ako niyakap."OMY is that you Nic?" Nic ang tawag niya talaga saakin simula bata pa.

Tumango ako,hindi na ako nagsalita pa dahil hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko sakanya dahil sa pag-sira niya ng ilang mga gamit ni ate at sa pagsisi niya saakin na ako raw ang may kasalanan kung bakit nawalan ng preno ang kotse na sinasakyan namin nila ate non.

"GRABE your house is so malaki talaga tita." Maarteng sabi niya habang pinapalibot ang mata sa loob ng mansion namin. "And so madami din na maids, Dun kasi sa house namin daddy wont allow me to hire so madami na maids." Madrama niyang sabi.

Nakita ko naman sila mommy at daddy na halatang napipilitan lang sakanya makisama."Ah haha ganun ba ija? Siguro gusto lang ni daddy mo na maging independent ka." Sabi ni mommy.

"I dont think so,yung anak niyo po ba ayaw niyo maging independent kaya so maraming maids here?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya,nag-iba rin ang timpla ng muka ni mommy at daddy sa sinabi ni Vannessa.

"Uh- you know what ija you need to take a rest na muna." Singit ni daddy, Napansin niya siguro na sumama ang presensya namin dito sa sala.

"Oo nga kailangan mo na magpahinga.." Lumipat ang tingin ni mommy sa maid namin na nasa tabi lang."Ella, Padala na ng mga gamit ni Vannessa sa guest room-"

"What?" Napatingin kami lahat sakanya.

Ako na ang nagtanong."Why?"

"Why sa guest room? May isa pa naman kayong room ah?"

Nag cross arm ako."Tatlo lang ang malaking kwarto dito sa mansion, Isa kay mommy at daddy isa naman saakin at kay ate-"

"But your ate is already dead right?"

Sa tono ng boses niya ay para siyang nang-aasar,kinuyom ko ang kamao ko. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. "Oo,wala na si ate but that doesn't mean na pwede na agad may pumalit sa kwarto niya,at kung ayaw mo sa guest room matulog eh bakit dito ka pa sisiksik sa bahay namin? Tapos ngayon mag iinarte ka kesho ayaw mo sa guest room matulog-"

"I'm not saying na ayaw ko mag sleep but you have a one room pa naman so why n-"

"No." Pigil ko sakanya."Room iyon ng ate ko at walang pwedeng matulog don kundi siya lang."

Mapang-asar siyang ngumiti."But she's dead."

Akmang lalapit ako sakanya pero sumingit si dad sa usapan."Ija,nakakabastos naman saamin ang isingit mo sa usapan ang anak namin. Kung ayaw mo matulog sa guest room I'll call your dad and tell him na humanap siya ng house malapit sa mansion namin so that pwede pa rin kayo magsabay ng anak ko sa pag-pasok sa school." Paliwanag niya.

Umirap naman si Vannessa,sarap dukutin ang mata.

"Fine."

NANDITO ako ngayon sa kwarto ko habang nakatingin sa bintana. Iniisip ko pa rin ang nangyari saamin kanina sa sala ng pinsan ko,wala pa rin siyang piangbago. Bastos pa rin sa mga nakatatanda sakanya,at ang kapal pa ng mukha niya para isingit si ate sa usapan namin.

Pumayag din si Vannessa na duon nalang matulog sa guest room.

Tahimik lang akong nakatingin sa mga bituin pero natigil iyon dahil sa pag ring ng cellphone ko. Tinignan ko ang caller.

Unknown number na naman.

Napabuntong hininga ako at sinagot, gusto ko lang ng may mapag lalabasan ng sama ng loob.

"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya.

( hey..) Familiar talaga saakin. Pero inisnantabi ko muna iyon.

"Pwede ba ako mag kwento sayo?"

( Yeah sure.)

Bumuntong hininga ako at nagsimula na mag kwento."Kanina lang dumating yung pinsan ko na ubod ng sama,at alam mo ba ginawa niya? Binastos niya ang nananahimik kong ate. Gusto ko siyang sampalin dahil sa gigil ko sakanya. Kahit kailan talaga hindi siya nagbabago, Ang dami na niyang atraso saakin.." Huminga ako ng malalim dahil parang may nagbabadyang luha sa mga mata ko."I-I dont know kung anong nagawa ko sakanya,kung bakit gano'n nalang yung galit niya saakin."

Biglang nag flashback ang mga mamasayang alala namin ni Vannessa. "Okay naman kami dati, We're bestfriends. Pero bigla nalang siya nagbago, Gumagawa siya ng mga bagay na ikakapahamak ko-"

( "Sir you need to see this." ) Napatigil ako dahil may narinig akong boses ng ibang tao sa kabilang linya.

( Tss,istorbo.) Bigla niya nalang pinatay ang telepono, Ilang minuto akong nakatitig doon. Wait nag tatrabaho siya? Ano kayang trabaho niya? Hindi ba siya rapist? Or kidnapper?

Maya maya ay biglang may nag text saakin, Si unknown number.

' Sleep now baby, take a rest and stop crying.'

Hala hindi dapat ako kiligin pero bakit parang may paru paro sa tyan ko? Omygod. Hindi ako pwede mainlove sa lalaking naririnig ko lang ang boses! Ano ba Veronica! Tatagan mo ang puso mo wag kang bibigay.

Hindi ko nalang pinansin ang text niya at agad na akong nahiga sa kama at pumikit.

Sana maging maayos ang lahat ngayong nandito na si Vannessa.

Sana.

Y O U R E S O C U T E E E E

THE PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon