Chapter 14 Cheated

136 6 0
                                    

Chapter 14 Cheated

The Heroine

He's just staring at me while I talk and talk. Kanina ay naging okay naman ang reaksyon niya sa sinabi ko. Siguro ay nilelet go na rin ako ni Johan.

"I was about to knock when Delilah attacked me with her fangs. Hayun, she sucked liters of my blood."

After ng paglalahad ko ay niyakap ako ni Johan at sorry siya ng sorry. Sabi nga niya eh magbabayad si Delilah. Iyon kung buhay pa siya. Sana nga lang naabot nung wooden stake ang puso niya para sure na patay na siya.

"Kinabukasan ay hinanap ka namin," sabi ni Shaji. Tinanong din ni Shaji kung paano ako naatake ni Delilah eh may necklace naman ako. Ang sabi ko'y naiwan ko iyong necklace dahil iyon naman ang totoo.

"We used the chopper to reach Tokyo. I'm at the hospital for days."

"Hindi yan sinabi ng daddy mo," Johan said.

"Because I said so. He's giving me another month to stay here." Tiniyigan na naman ako ni Johan. Ang dami sigurong questions na tumatakbo sa utak nito. By the way, siya pa rin ba ang boyfriend ko?

"That's good," sang-ayon ni Xendo. "Unfortunately... I'll leave the house for weeks. I and Stizza were going to Bulgaria. I'm gonna meet her family."

Nagningning ang mga mata ko. Wow. Sila na talaga. Nainggit tuloy ako.

"I'm going to the Golden Pavilion. Doon muna ako kina Sen," sabi naman nitong si Shaji sabay ngiti.

"My condo is free. Malayo nga lang," singit ni Pierce.

"Huh? Bakit ganun?" malungkot kong tanong.

"We'e not Teenage Mutant Ninja Turtles na laging magkakasama, Purge," sambit naman ni Johan. "I have an apartment in Tokyo. I'm willing to offer it to you. Libre. "

"Huwag! Babayaran ko na lang! And besides, pwede namang i-cancel ko na. May kakilala naman si daddy na nasa Tokyo. Ang alam ko'y nandoon si daddy ngayon. Pero okay lang din na sa apartment mo muna ako."

"Ako na ang magbabayad."

"No! Ako ang titira roon so I'll rent it!"

"Who told you na ikaw lang doon?" seryosong tanong ni Johan. Natahimik ako.

"Live in na ito!"

"Ipaalam mo na ng maayos sa daddy niya, Johan," Xendo suggested.

"Okay," sabi agad ni Johan. "Let's move."

Wala pa kaming formal na pag-aayos ni Johan pero pansin naman nila na kami pa rin. We readied ourselves for the short trip to Tokyo. Si Johan lang naman ang kailangang mag-ayos ng gamit eh dahil iyong sa akin eh naka-pack na talaga at di pa nagagalaw. Kinukulit kulit naman ako nina Pierce at Shaji habang nasa taas si Johan.

"Parang kulang pa rin ang blood transfusion mo ah!"

"Lipstick nga."

"Hindi ah."

"Oo kaya!" giit ko.

"Liar 'tong bunso ah! Amin at hawakan ko!" pilit naman ni Pierce.

"Wala ka na namang magawa, Pierce. Pati lipstick niya, kinaiinggitan mo."

"Di ah! Pustahan tayo di yan lipstick."

"Ewan ko sa'yo," sabi ko na lang at tinalikuran sila.

Pumunta ako ng kitchen para i-check ang fridge. Himala eh, I'm craving for something. Nang nakakuha ako ng cookies and chips with matching milk ay nilapag ko na ito sa lamesa. Doon ko naman napansin na nakahilig sa sink si Xendo habang may kausap sa phone. Nakatingin siya sa mga pagkain sa lamesa.

Forbid Thy Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon