Chapter 3 In Lingerie

224 10 0
                                    

Chapter 3 In Lingerie

The Heroine

We always end up shouting and laughing. I can consider myself as their personal maid and their official boss. Ang sobrang nagpapainit lang ng ulo ko ay sina Xendo at Johan. Sarap pag-untugin ang dalawa.

Si Pierce, walang humpay ang pagka-green niya. Hindi rin minsan nabawasan ang 'kilabot feeling' ko kay Pierce sa tuwing nagjojoke siya.

Si Shaji, siya naman iyong half green half yellow, joke! Siya yung taga-advise kung anong gagawin ko sa buhay ko. Binigyan niya rin ako ng kwintas. Ang cute kaya. May maliit iyon na pendant bottle na parang may weird na laman. Minsan nga naisip kong albularyong hapon siya eh. Hehe. Pero sabi niya dapat lagi ko iyong isuot kahit nandito ako sa bahay.

Every night sila sa bar, home alone naman every night ako. Ang saklap pero nasasanay na ako. Ganito pala ang happy-go-lucky. Wala naman kasi akong mga kaibagan sa Philippines noo. Ang nakakasama ko, iyong bodyguards saka iyong pinapadate sa akin ni daddy.

"Joyride ulit tonight!" request ko kay Johan. Hindi ko alam pero kanina pa siya galit. Mainit yata ang dugo niya sa akin. Tuwing ngingiti ako, para siyang naaasar.

"Magjoyride ka mag-isa mo!" sigaw nito.

Pinamaywangan ko na lang siya. Tinitigan ko siya pero wala pa rin siyang pansin. "Hoy Johan, madalas ka ng naninigaw ah!" saway ko. Totoo naman. Nagpapainit din talaga ito ng ulo ko.

"Don't mess up with the jealous," utas ni Shaji sa akin. Napatingin ako sa direksiyon niya. Halata ko ring napatingin si Johan sa tinitingnan ko ring Hapon.

Tumakbo si Shaji upstairs. "Whoho! Problem niyo na yan!"

Aalis na siya. Di ko alam kung saan. Bar? Maaga pa eh. "San ka pupunta?!"

"Get your own business, Purge."

"I hate you! Pasalamat kayo't may pasensya pa ako sa inyo!"

"Edi umalis ka!" sigaw niya.

Lumabas na siya ng bahay. Papunta rin ako sa labas paraa sundan siya kaso nasalubong ko si Xendo. Para akong hangin na di niya nakita. Nilagpasan lang ako. Pati ba naman siya? BOYS!

Naligo ako at nagbihis. Naglagay ulit ako ng makapal na eyeliner. Kinatok ko ang guest room kung saan nandon sila. Naabutan ko doon ang tatlo. Sinenyasan ko si Shaji na lumabas muna. "Shaji, hatid mo ako sa pinakamalapit na hotel or apartment or kahit saan, please?"

"Nagpaalam ka ba kay Xendo?"

"Wala naman silang pakialam." Nanliit a ng mata niya.

"Hindi porke't hindi ka na nila pinansin eh aalis ka na. Nagselos lang sila. Galit lang sila. Pahupain mo muna yung mga yun. Honestly kase, malakas ang suspicions ko na nagselos sila sa pagsama mo kay Pierce kanina sa mall. Hindi ka ganoon ka-close kay Pierce pero bakit ka sumama ganun."

"Duh! Nagpasama siya edi sumama ako! My God! And why jealous? Ang OA nila ah! Pinagsisilibihan ko naman kayong lahat!" sigaw ko.

"Tsk. Better ask them. Oh well, you're so dense," sabi nito. Argh! Whatever!

"You're explanation is futile. Ayoko iyong nakatali ako, remember. I want to find myself my own home." Alam niyo naman kung saan ako galing right? Sa walang freedom na puder kaya ayoko ng maulit. That sucks!"

"This is your home," sabi pa niya.

"Basta samahan mo na ako! Wala akong magagawa eh pinapaalis na ako ni Johan!" sigaw ko.

"Loko lang niya yun! Asa namang mabubuhay pa yun kung wala kang nakikita niya!" sigaw din niya. Natigilan ako saglit. Tinitigan ko siyang mabuti habang naging kasingsingkit ng mata niya ang akin. "Ano? Gets mo na?"

Forbid Thy Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon