Chapter 6 Painful Bite

178 9 0
                                    

Chapter 6 Painful Bite

The Heroine

"W-why?"

"Kina Shaji na lang a-ako."

Nakita ko ang pag-iba ng expression niya. Ang tuwang tuwang Johan ay naging malungkot. Tinigil niya ang sasakyan. Buti na lang wala pa ang sumusunod na sasakyan sa amin. "Bakit?" Nagdilim ang ekspresyon niga kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Ano. Hindi ako komportable. Sorry." Mabilis akong lumabas ng sasakyan. Thanks God hindi nailock ang doors.

"Ah Purge! Dahil ba mabilis? I promise I'll drive slowly," sabi pa niya. Parang natataranta na ang mukha niya nang kinuha ang kamay ko.

Huminga ako ng malalim. Gusto ko lang magrelax. "Hu!"

Bakit wala pa rin sila?

*Phone ringing*

Binitawan din niya agad ang kamay ko para masagot ko ang kung sinong tumatawag sa akin. Nanginging kong kinuha ang phone ko. Argh! "Shaji?"

"Where are you, guys?" It's Pierce. Oo nga pala, nagmamaneho si Shaji.

"Ah... di ko nga alam eh. Uhm... Na-wrong way kami? Kayo?"

"Eh tumigil kami. We will wait for you dito sa papuntang hotspring at sa ewan namin na daan. Either you went to the right or to the left. Or mauna na kami? Basta sa left ha?"

"Wait Pierce!"

O M G.

"Stizza also called. Mauuna na raw sila."

I inhaled and exhaled. Geezz paulit ulit yung ginawa ko. "O-okay," ani ko.

"May problem ba? Pinagbabawalan ka ba ni Xendo?"

"Ah wala wala. Nagrerelax lang ako."

Lumalapit siya sa akin kaya pumasok na agad ako sa kotse niya. "Sorry," sabi niya nung umandar ulit ang sasakyan at pabalik na kami sa nadaanan namin kanina.

Hindi na ako umimik. Kasalanan ng maarte kong puso.

~

"Where on the corner of Kyoto kayo napunta?" asar ni Stizza.

"Excited yata masyado," singit naman ni Pierce sabay ng pagngisi niya.

"Ah... mabilis kasing magpatakbo si Johan. Hindi siguro namin namalayan," ani ko. Lalo iyong ikinangisi nila.

"Johan, may relasyon ba kayo?" tanong ng isang malungkot na miyembro ng AphKlat. Wala namang sinagot si Johan. At wala rin akong naisagot.

Katabi ko dito sa bench si Shaji. Kanina pa siya palinga linga. "He's here," bulong niya sa akin. Sa isang gilid ko ay si Johan.

"Who?"

Parang kilala ko na kung sino. Umaliwalas nga ang mukha ko eh. "Argh! Si Thorne!" mahinang sigaw niya.

"Really?" Napangisi ako sa sinabi niya. Seriously? Sumusunod si Thorne sa akin?

"Yes, Purge! I told him to stay away and then he'll be here?!"

"Bakit ba bawal?" tanong ko. Marahil isang masamang bampira pala si Darke, no?

"Ah basta," bulong ni Shaji. Hindi ko nga alam kung rinig ba ito ni Johan eh.

"Can we talk, Purge?" tanong naman ng katabi ko. Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat na ang lapit namin sa isa't isa. Hindi nga dikit ang gilid ng hita namin ni Shaji kahit magkatabi kami. Itong si Johan, wagas!

Forbid Thy Heart ✔Where stories live. Discover now