CHAPTER THIRTY EIGHT

1.5K 63 0
                                    

ARIANA

NARAMDAMAN ko ang pag halik ng kung sino saking noo dahilan para magising ako sa masarap kung tulog.

Agad ko nang iminulat ang mata ko at tumingin sa kung sino man yun, and it's Hunter, nakangiti siyang nakatingin sakin.

"Good morning wife, bangon na mamaya aalis na tayo." Ang sabi niya kaya naman tumingin ako sa ibang royalties at laking gulat ko nang ako na lang pala ang mag-isang natutulog sa sala, ganun na ba sila sobrang excited para gumising ng sobrang aga.

Bumangon na rin ako at saka naupo muna sa sofa sa sala, kinuha naman ni Hunter ang tinulugan ko at siya na ang nag ligpit nun.

"Nag timpla na ako ng kape, sa kusina." Ang sabi ni Hunter kaya sumunod na lamang ako sa kanya, hindi ko ata nakita ang ibang royalties. Nasaan kaya silang lahat.

"Sinong hinahanap mo?" Ang takang saad niya.

"Nasaan ang ibang royalties?" Ang tanong ko dito at saka naupo sa harapan ng mesa, ibinigay niya naman ang isang basong kape, kaya kinuha ko na lamang ito.

"Ang sabi nila, mauuna na raw sila sa may gate, hintayin na lang daw nila tayo doon." Ang sabi niya, kaya naman napaismid ako, sobrang excited naman kasi nila at nagawa pa talaga nilang mauna sa gate tsk.

Pagtapos mag kape ay naligo na rin naman agad ako, isinuot ko rin ang kwentas na bigay ni mommy noon sakin. Ayus lang kung makikita nila, wala na rin naman silang magagawa dahil akin naman talaga to.

"Tara na?" Aya ko kay Hunter pag ka labas ko pa lamang ng kwarto, hindi na rin ako nag ayus dahil hindi naman ako sanay.

Isang simpleng damit lang ang isinuot ko, hinawakan nya naman ang kamay ko at sabay na kaming lumabas.

(A/N: WALANG LABEL PERO ANG SWEET, OUCH SAKIT.)

"Ang tagal nyong dalawa, kanina pa kami dito ei, pawis na pawis na kili-kili ko dahil sainyo." Ang nakabusangot na sambit ni Hushlee kaya naman napatawa ang iba dahil dun, habang ako tinaasan lang siya ng kilay.

"Tara na nga, hayaan mona nga yan kili-kili mo na yan Hushlee, matutuyo na lang yan." Tawang sambit ni Frylah, hindi ko na lamang pinansin.

Pag bukas namin ng gate ay ganun na lamang ang gulat naming lahat ng makita ang sampong darkians na naka abang sa pag labas namin.

"Surprise royalties." Ang malademonyong saad ng leader nila, malaki rin ang katawan niya na parang hindi tao. Ang likod niya ay mayroong malaking pakpak na parang uwak. Agad tumingin sakin ang leader nila at ngumisi na parang manyak pota, kadiri.

"Umalis na kayo hangga't nakakapag timpi pa ako." Si Hunter ang nagsalita at hinawakan pa ang kamay ko.

"Chill ka lang bata, darating tayo dyan." Sunod sunod na pag ataki ang ginawa nila na halos hindi na namin mailagan. Bigla na rin dumating si Hizaku, na naka anyong lion.

Binubugahan niya ang darkians ng apoy, samantalang ang darkians naman ay hindi namin mapatay-patay. I don't know why, pero parang may pwersa silang ginagamit kapag nag papalabas sila ng kapangyarihan.

"Ano, kaya pa ba?" Natatawang sambit ng leader nila at lumipad pataas. Nag paulan ito ng itim na usok sa kinaruruonan namin.

Wala na rin naman akung sinayang na oras at sunod sunod na nag palabas ng ice spike. Tumingin ako kay Tyrone nang tamaan ito ng espada sa may balikat kaya halos madurog ang puso ko dahil dun, putcha.

"Tyrone!" Isang malakas na sigaw ni Steffany at lumapit sa lalaki, hindi ko na muna sila pinag tuonan ng pansin kundi ang kalaban.

Inis kung ipinatama ang ice sword sa isang darkians, nasugatan ito sa kanyang braso kaya, sumugod ito na para bang gumamit ng speed dahil hindi ko man lang nakita ang pag takbo niya patungo sakin at saka itinarak saking tagiliran ang hawak niyang itim na espada.

THE LONG LOST PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now