CHAPTER THREE

2.6K 78 0
                                    

ARIANA

Nasa tapat ako ngayon ng isang pintuan, iniisip kung kakatok ba o bubuksan na lang ang pinto.

I decided to knock.

"Sino yan?" Isang boses babae ang nasa loob ng dorm, bumuga ako ng hangin at binuksan ang pinto.

"Bakit ka pumasok! OMG." Tiningnan ko lang ng walang gana ang babaeng maingay na ito sa harapan ko.

"Saan ang kwarto ko, gusto ko ng mag pahinga." Sabi ko at saka bumuntong hininga.

"Teka? Ikaw yung babaeng naka away ni Grace my ghod ang ganda mo pala talaga, ngayon lang natalo yung babaeng yun." Ang sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"I said where's my room." May diing sabi ko at saka siya tiningnan ng masama.

"Awuuu don't be like that nag kwe-kwento lang naman ako. Ayun ang kwarto mo!" Ang sabi niya at itinuro ang isang pintuan na kulay violet.

Ang masasabi ko lang sa dorm na to, maganda at higit sa lahat makulay, wala ding nag kalat na bagay katulad ng bahay ng maraming anak.

Pumunta na ako sa pintuan at saka pumasok.

Hindi naman masikip ang kwarto. Tama lang ang laki niya, kulay green ang kanyang kama pati ang kumot green. Ang kulay naman ng paligid kulay yellow at ang tiles naman ay kulay pink, kompleto naman ang mga gamit, may gadgets, may mga damit at sapatos, may sofa rin malapit sa bintana, ang kulang na lamang sa kwarto na ito ay desinyo.

Nag hanap ako ng pwedeng masuot. Mas pinili ko na lamang kunin ang malaking t-shirt at isang maong na short, meron din sariling banyo ang kwarto na to kaya okay na rin to para sakin.

Naligo muna ako at saka pinatuyo ang buhok saka lumabas ng kwarto.

"Talaga maganda ba talaga siya?" Rinig kong boses babae.

"Oo nga kase, at saka ngayon lang ako nakakita ng ganoong ganda, sana ako rin." Ang sabi naman ng isang boses babae, hindi naman sa chismosa ako pero rinig na rinig ko talaga ang usapan ng dalawa.

"Pero ang sabi ng karamihan nakakatakot daw yun, muntik na daw mapatay si Grace e?" Then I realized na ako ang pinag uusapan nila.

"Anong nakakatakot sakin?" Seryoso kong sabi sa dalawa kaya naman sabay silang napalingon sakin at gulat na gulat ang mukha nila, sabay pa silang lumunok ng sariling laway nila.

Gusto ko sanang matawa sa hitsura nilang dalawa, parang katapusan na ng buhay nila tsk?

Pumunta ako sa kusina para mag hanap ng pwedeng kainin.

"Ay oo nga pala sorry hindi kana namin hinintay kumain, kaya ubusin mo na lang yang niluto namin." Ang sabi nung naka kulay blue na damit. Actually kyut siya, bilogan ang mukha niya at mukhang napaka ingay.

"Anong pangalan mo?" Ang sabi naman noong isa na naka pink na damit, sa mukha pa lamang niya makikita nang isa siyang childish.

"I'm Ariana Demon Enriquez, at kung ayaw nyong pati kayo ay kainin ko umalis na kayo." Matigas na sabi ko at saka sumubo ng pagkain. Umalis naman sila at pumunta sa sala.

Matapos kumain ay hinugasan ko na ang platong ginamit ko, pumunta ako sa sala para makinood ng TV.

"Nga pala Ariana kami ang makakasama mo sa dorm pero don't worry may kanya kanya tayong kwarto." Ang sabi nung naka blue na damit.

"Alam ko." Tipid kung sagot.

"Ay grabe siya ang haba ng sinabi ko yun lang isasagot mo." Ang sabi nito, mukhang parehong madaldal tong dalawa na to.

"By the way Ariana I'm Jessica Valencia 16 years old, ang kakayahan ko ay gumamot ng may mga sakit or healing power then I know how to control the animals." Ang sabi nito na hindi ko na lamang pinansin.

Is this true? Baka naman mga baliw ang mga taong nakakasalamuha ko dito.

"I'm Wencie Froyalde 16 years old too I know I'm kyut and thank you for that hahaha my powers is reading your mind or kaya kong basahin ang mga iniisip nyo then kaya ko ring mag summon ng espada." Ang sabi ni Wencie daw, siya yung naka pink.

"If you know how to read my mind, sige nga basahin mo nga yung iniisip ko?" Ang sabi ko kay Wencie. Nag focus naman siya.

"Bakit ganun? I can't read your mind." Ang sabi niya na tila ba nag tataka.

"See, hindi totoo ang powers powers nayan tsk." Ang sabi ko at umakyat na sa kwarto at saka nahiga sa kama.

Gusto ko na lang matulog at kalimutan ang mga nangyari ngayong araw. Kinuha ko ang dala kong bag at saka kinuha sa loob non ang box na binigay ni Mom sakin. Binuksan ko yun at nagulat ako ng umilaw iyon, may isang kwentas at may kasamang sulat ang box. Kinuha ko ang sulat at binasa.

𝘋𝘌𝘈𝘙 𝘈𝘙𝘐𝘈𝘕𝘈

                𝘛𝘩𝘢𝘯𝘬 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘮𝘰 𝘴𝘢𝘬𝘪𝘯, 𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢 𝘤𝘰𝘭𝘥 𝘮𝘰 𝘴𝘢𝘬𝘪𝘯, 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢 𝘴𝘶𝘯𝘨𝘪𝘵 𝘮𝘰 𝘴𝘢𝘬𝘪𝘯, 𝘭𝘢𝘨𝘪 𝘮𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘮𝘰 𝘴𝘢𝘬𝘪𝘯. 𝘉𝘶𝘵 𝘯𝘰𝘸 𝘐 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘺𝘰𝘶 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘵𝘰 𝘭𝘦𝘢𝘷𝘦 𝘮𝘦, 𝘵𝘰 𝘧𝘰𝘶𝘯𝘥 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘵𝘳𝘶𝘦 𝘧𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺, 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘴𝘰𝘳𝘳𝘺 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨 𝘭𝘪𝘩𝘪𝘮 𝘴𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘪 𝘮𝘰𝘮𝘮𝘺 𝘩𝘢, 𝘴𝘰𝘳𝘳𝘺 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘭𝘪𝘩𝘪𝘮 𝘬𝘰 𝘴𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘰𝘵𝘰𝘰 𝘮𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘰, 𝘺𝘦𝘴 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘐’𝘮 𝘯𝘰𝘵 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘳𝘦𝘢𝘭 𝘮𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳, 𝘪𝘯𝘢𝘮𝘱𝘰𝘯 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭𝘢𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘮𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘬𝘢 𝘢𝘯𝘢𝘬. 𝘈𝘯𝘢𝘬 𝘴𝘰𝘳𝘳𝘺. 𝘉𝘶𝘵 𝘱𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 𝘵𝘳𝘶𝘴𝘵 𝘮𝘦 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘥𝘪 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘵𝘶𝘯𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘢𝘬, 𝘮𝘪𝘯𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘨 𝘵𝘰𝘵𝘰𝘰. 𝘐𝘯𝘨𝘢𝘵𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘴𝘢𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪 𝘮𝘰 𝘢𝘯𝘢𝘬, 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘢𝘯𝘢 𝘮𝘢 𝘢𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘮𝘰𝘮𝘮𝘺 𝘩𝘢, 𝘭𝘢𝘨𝘪 𝘮𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘵𝘢𝘯𝘥𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘬𝘢 𝘯𝘪 𝘮𝘰𝘮𝘮𝘺 𝘢𝘵 𝘴𝘶𝘱𝘱𝘰𝘳𝘵 𝘭𝘢𝘨𝘪 𝘴𝘪 𝘮𝘰𝘮𝘮𝘺 𝘴𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘢𝘬. 𝘐’𝘮 𝘴𝘰 𝘱𝘳𝘰𝘶𝘥 𝘰𝘧 𝘺𝘰𝘶 𝘣𝘢𝘣𝘺, 𝘐 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶.

                                  𝘔𝘖𝘔𝘔𝘠


I don't know why, pero libo libong sakit yung dulot sakin ng sulat ni mommy, hindi pa nga ako nakaka move on sa pangyayari sa kanya, tapos ngayon malalaman kung isa lang akong ampon?

Ngayon ko pa nalaman na hindi niya ako tunay na anak. Kung ganun sino ako? Sino yung magulang ko? Anong klaseng pagkatao meron ako?

It's hurts so much, nawala na si mommy dahil wala akong kwentang anak, now I know she's not my real mother? Anong klaseng pagsubok to para sakin, kaya ba hindi ko namana kay mommy ang ugali ko, kaya ba, hindi kami mag kapareho, kaya ba ang daming pinagkaiba dahil hindi ko siya tunay na magulang?






PRINCESSonHELL18.

THE LONG LOST PRINCESS (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora