CHAPTER SEVENTEEN

1.7K 76 2
                                    

ARIANA

ANDITO ako ngayon sa kwarto ko habang nakatingin sa kwentas na galing kay mommy, hindi lang ako makapaniwalang andito ako sa mundo ng fantasy world. Siguro kung hindi lang nangyaring naduwag ako, wala ako dito sa mundo ng may mga magicians na gumagamit ng mahika.

"Ariana..." Ang sabi ni Jessica sa labas ng kwarto ko.

"Bakit?" Ang malakas na sigaw ko habang hindi tumatayo sa pag kakahiga ko sa kama.

"Lumabas kana muna jan, kumain muna tayo." Ang sabi niya kaya dali dali akong tumayo para kumain, tsk wala kayong pake matakaw ako ei?

"Ayus ahh pag dating sa pagkain ang bilis." Ang sabi ni Jessica habang natatawang sumunod sakin, hindi ko ito pinansin at umupo agad sa harap ng hapag kainan.

"Ei nagugutom ako." Ang tipid kong sabi at saka kumain na matapos kumuha ng pagkain at ilagay sa plato ko.

"Pansin kong palagi kayong mag kakasama ng royalties? Anong meron?" Ang sabi ni Wencie.

"Bakit? Anong mali dun?" Ang nag tatakang tanong ko habang punong puno ang bibig ng pagkain.

"Ano ka ba Wencie, hayaan mona lang sila kung ganun kasi baka magaan lang ang loob nila kay Ariana." Ang sabi ni Jessica at saka ngumiti ng sobrang tamis. Hindi ko na lamang iyon pinansin at kumain na lamang. Ang mahalaga sakin ngayon ang pagkain.

Pagkatapos kumain ay pumasok na ulit ako sa kwarto ko. Bahala sila mag hugas doon ng pinggan tsk.

Gusto ko munang matulog dahil yon lang naman palagi ang ginagawa ko nong nasa mortal world pa lang ako.

Ipinikit kona lamang ang mga mata ko para makatulog na lamang.



•Hunter•

I'M HERE RIGHT NOW in the tree. Iwan ko ba kung bakit andito ako, basta ang gusto ko lamang ay makita si Ariana.

Andito ako sa taas ng puno nakatingin sa bintana ng kwarto ni Ariana. Gustong gusto ko siyang lapitan.

Alam kong mali ang nararamdaman ko dahil nakalaan na akong ikasal kay princess Crystaliah, pero iwan ko ba kung bakit si Ariana ang pilit na ginugusto ng puso ko.

"Anong ginagawa mo?" Ang sabi ni Ariana na di ko namalayan na nakadungaw na pala sa bintana at nakatingin na sakin.

"Nothing." Ang tipid kong sabi sa kanya at saka nag iwas ng tingin.

Isasara nya na sana ang bintana ng sumigaw ulit ako.

"Wait?!" Ang malakas na sigaw ko dahilan para lumingon siya ulit sakin.

"What?" Iritang sabi niya, dahilan para mapatingin ako sa maamong mukha niya.

"Matutulog kana?" Ang tanong ko dito dahilan para mag salubong ang kilay niya.

Balik cold muli ang mukha niya dahilan para palihim akong mamangha. Hindi lang ako makapaniwala na may isang babaeng kayang tapatan ang kung anong kaya ko. Iwan ko din ba kung bakit parang ramdam kong nakasama kona siya noon.

Nagulat ako ng biglang may bumulusok na espada papunta sakin. Hindi ako maka galaw dahil sa gulat.

Pero mas nagulat ako ng madinig ang pag bagsak ng kung ano mula sa likod ko. Ngayon ko lang na realize na may mga darkians na palang gustong patayin ako.

The f*ck ganun na ba talaga ako kamanhid? Tsk.

Bigla na lang nawala si Ariana at sunod sunod na pag daing ng darkians ang narinig ko.

THE LONG LOST PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now