CHAPTER TWENTY FOUR

1.5K 72 0
                                    

THIRD PERSON P.O.V

"NEXT IS THE PRINCE FROM CRYSTAL KINGDOM! PRINCE TYRONE NICS DEMONNAH!" Isang malakas na sigaw ni HM Lance, biglang someryoso ang mukha ni Ariana ng marinig ang pangalan ng kapatid niya, oo nga hindi pa malinaw para sa kanya na siya nga ang nawawalang prensisa pero sa puso niya malaki ang takot niya kapag nasa panganib na ang mga taong alam niyang naging parte ng buhay niya.

"Oh my ghod Prince Tyrone ang gwapo mo parin."

"Honey my love's kaya mo yan!"

Sigaw ng studyante na hindi naman pinansin ng lalaki. Tumingin siya kay Steffany na kanina pa nakatingin sa kanya.

"Good luck." Tipid na saad ng dalaga.

"Good luck bro!"
"Good luck Tyrone!"

Umakyat na nga sa stage ang lalaki. Isang cyclops ang kalaban niya. Ngunit malaki ang katawan ng cyclops. Iisa lamang ang mata nito, at kumakain ito ng tao o magician.

Hindi na nag sayang ng oras si Tyrone at gumawa agad siya ng fire straps para hindi maka galaw ng cyclops. Pero dahil sa malakas ang cyclops at malaki ang katawan nagawa nitong makawala sa fire straps kahit na may mga sugat na ang katawan nito dahil sa apoy na gawa ni Tyrone.

Gumawa siya ng fire sword at saka iyon iwinasiwas sa cyclops. Kumuha din ng kahoy ang cyclops at handa ng ihampas sa kanya iyon.

Hindi agad naka ilag si Tyrone kung kaya't natamaan siya nito.

"Tyrone, umayos ka nga!" Isang malakas na sigaw ni Steffany at halata sa mukha nito ang pag aalala.

Bumangon naman agad si Tyrone at saka tumingin ng seryoso sa cyclops. Gumawa siya ng fire ball, at fire blade at sabay sabay na pinakawalan ang mga iyon patungo sa cyclops. Ginamit ulit niya ang fire sword. Tinusok niya yun sa likod ng cyclops. Hinawakan siya ng cyclops sa kamay at ibinato sa kung saan.

Napaubo ng dugo si Tyrone, hindi na rin mapakali ang lahat dahil nag aalala sila sa lalaki.

Tumayo si Tyrone kahit nang hihina na. Papalapit na ulit ang cyclops sa kanya at handa na sana siyang dakmain ng mag invisible siya. Gumawa rin sya ng invisible fire ball.

Pinalaki niya iyon ng pinalaki hanggang sa pakawalan niya yon. Ginamit niya rin ang isa pa niyang kapangyarihan. Ang air power, para mas lalong lumaki ang sunog.

Hindi nga nag tagal ay bumulugta na ang cyclops na ikinasigaw ng lahat. Maraming nag palakpakan dahil doon.

"Congrats Prince Tyrone you got score 120!" Ang sabi ni HM Lance, muling nag sigawan ang lahat. Lalo na ang mga babaeng patay na patay sa lalaki.

"Congrats Prince Tyrone!"

"Ang galing mo baby."

"Yowww ang galing mo Tyrone!"

Hindi na lamang yun pinansin ng lalaki at naupo na lamang sa upuan niya.

"Ang galing mo Tyrone." Ang sabi ni Frylah habang nakangiti na ginantihan lang ng lalaki ng tango.

"Congrats, bro." Bati ng ibang lalaking royalties. Pwera kay Hunter na nakatingin lamang ng seryoso sa stage ng arena.

"Then the last is Ms. Ariana Demon Enriquez the transfers!" Ang daming nag bulungan dahil dun.

"Baka matalo lang yan si Ariana."

"Anong matalo, ei sumama nga yun sa mission."

"Oo nga dahil kasama ang royalties."

THE LONG LOST PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now