CHAPTER THIRTY ONE

1.5K 60 0
                                    

TYRONE

ANDITO kaming lahat sa clinic kung saan nakahiga si Finkly, hanggang ngayon kasi hindi pa siya nagigising simula ng mangyari sa kanya kahapon.

Ang hindi ko lang masyadong maintindihan kung bakit nabanggit niya ang pangalan ni Ariana.

"Bumalik na ba talaga si Ariana?" Agad akong napatingin kay Hushlee ng mag salita ito. Maging ako ay gusto kong malaman kung totoong nandito na nga si Ariana.

"Yun ang sabi ni Finkly bago siya nawalan ng malay, baka nga si Ariana din ang may gawa niyan kay Finkly." Ang sabi ni Denver dahil siya ang unang unang nakakita kay Finkly.

"Ang babaeng yun, tsk?" Inis na sambit ni Frylah, bumuntong hininga ako bago nag salita.

"Pwede ba, wag nyong huhusgahan si Ariana, siya ang mas matagal na nating kilala kaysa kay Finkly." Seryosong ani ko sa mga ito.

"So, mas kinakampihan mo si Ariana kaysa sa kapatid mo?" Ang sabi ni Frylah habang may panghahamon sa kanyang boses.

"For your information Frylah, she's not my sister." Inis kong sabi dahilan para mapalunok siya ng sarili niyang laway.

"Bakit ba botong-boto ka dyan kay Finkly? Dahil ba sa nalaman mo na siya ang prinsesa? Frylah, royalties ka... sana alam mo ang tama at mali." Pag katapos kong sabihin yun ay umalis na ako sa harapan nila.

Ang totoo kasi hindi ako naniniwala na si Finkly nga ang totoong kapatid ko, mayroon nga siyang birthmark sa likuran niya pero hindi yun sapat para maniwala agad ako sa kanya, kung sila ama't ina kaya niyang utuin, ako hindi.

Pumunta na lamang ako sa dorm para mag pahinga, kahit wala akong ginawa buong mag hapon ay parang pagod na pagod ako.

***

KINABUKASAN ay tanghali na akong nagising, hindi na din muna ako papasok sa klase dahil lahat naman ng tinuturo ng guro ay alam ko na, naligo muna ako at pag katapos ay lumabas na din ako sa kwarto ko. Pero laking gulat ko ng makitang andito pa ang ibang royalties.

Agad akong napatingin kay Finkly na nasa sofa habang kasama ng ibang babaeng royalties.

"Good morning brother." Ang bati sakin ni Finkly pero hindi ko yun pinansin at saka dumeretso na lang sa kusina.

"Hindi ba kayo papasok sa klase?" Ang tanong ko kay Maxwell na nasa kusina din habang nag luluto kasama si Nathan at Denver, wala si Hunter at alam kung meron din siyang inaasikaso.

"Ano ka ba bro, sabado ngayon." Ang natatawang sabi ni Nathan at tinapik tapik pa ang braso ko.

Ang dami na ding nag bago sa royalties simula ng mawala si Ariana at dumating si Finkly. Iwan ko ba pero kakaiba ang pakiramdam ko kay Ariana, parang matagal na kaming nag kita at nag kasama. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

"Mabuti naman kung ganun. Ayuko pa namang pumasok." Ang sabi ni Denver at naupo sa upuan sa harap ng lamesa.

"Tsk." Nag timpla muna ako ng kape at saka kumuha ng sandwich.

"Anong ibig mong sabihin na nakita mo si Ariana?" Agad akong natahimik ng marinig ko ang pinag uusapan nina Hushlee sa sala.

"Oo nga, siya din ang dahilan kung bakit napunta ako sa hallway. Ginamit niya kasi ang power niyang air." Ang maarteng sabi ni Finkly dahilan para mapakunot ako. Wala naman kapangyarihang si Ariana na hangin, dahil ang alam ko ay ice ang power niya.

"Hindi naman hangin ang power ni Ariana, ice lang ang pag kaka alam kong power nun." Ang sabi ni Samantha na tila ba hindi makapaniwala sa nangyari.

THE LONG LOST PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now