CHAPTER TWENTY SIX

1.7K 62 0
                                    

ARIANA

"GOOD MORNING ARIANA!!!" Isang malakas na sigaw ng mga babaeng royalties agad ang bumungad sakin ng pumasok ako, tiningnan ko lamang sila ng bored at tumango.

"Musta yung pakiramdam mo Ariana." Napatingin ako kay Steffany ng mag salita ito.

"Always okay." Tipid na sagot ko at naupo sa pinaka dulong upaan, 20 chairs kasi ang nandito samantalang 9 lang naman ang pumapasok sa classroom na ito.

Agad napako ang tingin ko kay Hunter na, nahuli kong nakatingin sakin.

"Alam mo ba Ariana, nauna pa yang pumasok si kuya samin para lang makita ka." Bulong ni Frylah na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala.

"Arrrghh Frylah can you please shut up your mouth." Inis na sabi ni Hunter, na ikinahagikhik ni Frylah at bumalik sa upuan niya.

Hinayaan ko na lamang at nag kibit balikat.

Biglang dumating ang teacher ng history at nag simula ng mag turo. Bali ang subject namin ay history at training at yung isa ay tungkol sa pag gamit ng mga kapangyarihan.

Pag tapos ng history subject ay wala ng sumunod pang subject kaya naisipan ng royalties na pumunta muna sa cafeteria.

"Halika na Ariana, nagugutom na ako." Biglang hinila ni Frylah ang kamay ko na hinayaan ko na lamang. Wala naman na din akong magagawa, dahil alam kung makulit si Frylah tsk.

Pag dating namin sa cafeteria ay iilan lamang ang mga studyante. Naupo na din naman agad kami.

Katabi ko si Hunter, si Tyrone naman ay nasa kabilang gilid ko.

Si Nathan at Hushlee ang nag order ng pagkain namin.

"Sobrang saya ko talaga na ka-klase ka na namin Ariana." Sabi ni Frylah at parang nang gigigil pa.

"Tsk." Napatingin ako kay Hunter dahil mukhang inis na inis na ang mukha nito.

"Problema mo?" Tumingin naman siya sakin at hindi man lang sinagot ang tanong ko kaya hinayaan ko na lang.

"Asos, alam mo Ariana papansin lang yan si kuya sayo." Tumalim ang tingin ni Hunter kay Frylah dahil sa sinabi nito.

"Tumahimik kana nga lang Frylah." Inis na bigkas ni Hunter, dumating naman na si Hushlee at Nathan.

Nag simula na din kaming kumain pero natigil ako ng biglang lagyan ni Hunter ang plato ko ng gulay.

"What are you doing?" Naka taas kilay na sabi ko dito.

"Kumain ka ng marami, tsk tingnan mo nga yang katawan mo parang kalansay." Tumingin naman ako sa katawan ko. Hindi naman kalansay.

"Anong kalansay ang pinag sasabi mo, sexy ako hindi kalansay." Inis kong sabi at nag patuloy sa pag kain, kung tutuusin madami naman akong kinakain. Pero hindi parin talaga magawang tumaba ng katawan ko.

Hindi na siya nag salita pa kaya hinayaan ko na lamang.

"Alam nyo na ba yung nangyari kay Moreen?" Ang sabi ni Hushlee, habang ngumunguya ng pagkain.

"Oo nga ang sabi ng ibang studyante kanina na patay na daw si Moreen at sa likod ng academy natagpuan ang katawan niya." Ang sabi ni Nathan, habang ako nakikinig lamang sa pinag uusapan nila.

"Baka pinatay na naman ng darkians." Ang biglang sabi ni Frylah.

"Kumain na nga lang kayo, ang ingay nyo tsk." Inis na sabi ni Hunter kaya natahimik naman sila.

THE LONG LOST PRINCESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon