Salamat

1.1K 44 0
                                    

"...aray... Dahan dahan naman... " inis kong sabi kay Arwin na nakaluhod sa harapan ko at ginagamot ang sugat ko gamit ang bulak na may gamot. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama ko, pero para namang hindi ako pinapakinggan ni Arwin, mas dinidiinan niya eh, mahapdi kaya!

"Arwin...masakit... Dahan dahan, hipan mo din naman oh.." Sabi ko na parang bata,  pero wala paring pagbabago ang mukha niya, galit at seryoso pa din.

"Tumahimik ka.." Malamig na sabi niya, nakakainis siya, masakit mga sabi hindi niya maintindihan. Inagawnko sa kanya yung bulak

"Ako na nga lang! Lumabas ka na!" Sigaw ko sa kanya, napatingin siya sakin

"Wag kangang sumigaw! Sino ba ang may kasalanan kung bakit nagkasugat ang tuhod mo?! Huh?!" Sigaw niya din sakin, oo na ako na ang tanga. Ako na ang tanga kung tumakbo.

"Akin na yan!" Malamig niyang sabi at inagaw ang bulak sakin, hinipan niya ang sugat ko. At pinahidan ulit ng bulak, napakagat labi lang ako, masakit talaga eh. Medyo malakng sugat siya eh.

"Bat ka ba biglang tumakbo?" Tanong niya bigla sakin

"Akala ko kasi..." Napatigil ako, ayoko ng sagutan naalala ko na nakita ko si Joshua kaya napatakbo aki, baka magalit lang siya sakin

"Wag mo nalang sagutin..." Malamig niyang sabi, sorry Arwin

"Sa susunod wag kang tatakbo ulit sa tabi ko, lalo nat hindi mo alam ang lugar na toh..." Sabi niya sakin. Napatahimik lang ako, bigla niyang hinalikan ang sugat ko, nagulat ako at naalala ko yung dati, ginawa na niya din toh sakin.

"Masakit pa ba?" Tanong niya sakin, napangiti ako at umiling

"Hindi na masyado.." Sagot ko at tumabi siya sakin, bigla niyang ilinagay ang likod ng palad niya sa noo ko

"Ang init mo..." Bigla siyang nataranta

"An... Teka..." Sabi niya at tumayo siya bigla kaya napahawak ako sa kamay niya

"Wag kang umalis..." Sabi ko bigla

"Kukuha lang ako ng gamot at tatawagan ko si Lorly, para maalagaan ka..." Sabi niya, umiling ako

"Lagnat lang toh, please...wag kang umalis..." Sabi ko, napabuntong hininga siya at umupo ulit sa tabi ko, hinablot niya dahan dahan ang kamay niya sa kamay ko, at yinakap niya ako

"Kailangan kong puntahan si Lorly.."  Bulong niya, umiling ako

"Dito ka lang..." Nanghihinang sabi ko

"Deze..."

"Arwin.." Nahihilo ako, masakit ang ulo ko, umiwas ako sa yakap, bigla kong pinulupot ang kamay ko sa may leeg niya. Halatang nagulat siya ako din naman eh.

"Arwin.." Bulong ko, at bigla ko nalang siyang hinalikan... Tek..teka... Itinulak ako ni Arwin pero yung mahina lang

"Deze...humiga ka lang muna, tatawagan ko si Lorly.." Sabi niya, umiling ako

"Wag na.. Dito ka lang sa tabi ko.." Mahinang sabi ko at biglang dumilim ang paningin ko.

"Maayos na po siya ser..wag kayong mag-alala, basta pakaenen niyo nalang siya ser pagmageseng siya at painumen niyo siya ng gamot ser...mauna na ako ser.." Rinig kong sabi ni Lorly, napahawak ako sa noo ko, may malambot akong nahawakan parang bimpo.. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko si Arwin na nakasandal sa pintuan. At nakatingin sakin, umupo ako dahan dahan, nakakaramdam pa rin ako ng panghihina. Umupo siya sa tabi ko

HE KIDNAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon