Album

1.3K 50 0
                                    

Pagkagising ko wala na sa tabi ko si Arwin, dahan dahan akong umupo sa kahihiga at kinusot ang mata ko at napalingon sa pintuan na bukas, napangiti ako. Ibig sabihin? Pwede pa akong kumabas sa kwartong toh.

Dahan dahan akong bumangon at inayos ko ang kama tapos kumuha ako ng damit sa cabinet at dumiretcho na ako sa banyo.

Nung natapos ako mag-ayos, lahat lahat ay agad akong lumabas ng kwarto at dumiretcho ako sa tapat ng pintuan  ng kwarto ni Arwin. Kumatok ako pero ang tahimik atah sa loob kaya binuksan ko at pumasok nalang tapos nakita ko siyang kumakain ng chocolates. Nakaupo lang siya sa kama niya. Wow! Chocolates feel ko kumikinang ang mata ko ngayon. Kaya kahit, hindi ko alam kung okay kami ngayong araw, basta hihingi ako.

"Waaah! Pahingi!" Sigaw ko na parang bata at umupo sa tabi niya

"Ayoko..." Malamig niyang sagot sakin, napanguso ako.

"Ang damot..." Bulong ko

"Ano yun?" Bigla niyang tanong ata agad akong umiling

"Pahingi na..isa lang..." Sabi ko at hinawakan ang braso niya, at tumingin ako sa isang box na chocolates na hawak niya waaaah! Marami pa naman!

"Hindi mo naman mauubos yan lahat! Kaya hati tayo please..." Sabi ko, kung makaasta ako parang walang iyakan at sigawan na naganap samin kahapon.

"Bat ka nandito?" Malamig niyang tanong

"Eh kasi, nakabukas yung pintuan tapos, sabi mo naman paglumabas ako ng kwarto dapat nasa tabi mo lang ako.." Sagot ko habang nakatitig lang sa mga chocolates, naglalaway na ako.

"pahingi na arwin..." Sabi ko

"Kiss muna.." Napatigil ako at napatingin ako sa kanya, nakaniti siya ng nakakaloko sakin, kailangan ba muna ng kiss? Kainis talaga siya!

"Pasalamat ka, mahilig ako sa chocolates.." Sabi ko at huminga ako ng malalim at hinalikan ang pisngi niya.

"Bat sa pisngi lang? Mahal kaya ang chocolate na toh, tapos kiss lang sa pisngi ang ibabalik mo sakin?" Tanong niya sakin, napabuntong hininga ako, at bigla ko siyang nahalikan sa labi, yung smack lang, kahit smack lang bak...bakit ko naman ginawa yun? Dahil ba sa gustong gusto ko na ng chocolates?! Halatang nagulat si Arwin... Kasi nagpapakipot muna ako nun bago halikan ko siya sa lips, este hindi ako pumapayag.

"Sor..sorry Arwin, hindi ko sinasadya..." Sabi ko kaagad at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko. Narinig ko siyang tumawa

"Nagsorry ka pa, alam ko namang sinadya mo yun..kasi gusto mo.." Rinig kong sabi niya, tinanggal ko ang aking dalawang kamay sa mukha ko

"Hoi! Kidnapper! Ginawa ko yun para bigyan mo ako ng cho..co..lates noh.." Sabi ko, pero halos hindi ako makaayos kasi tinititigan niya ako at nakangisi pa,

"Kaya bigyan mo na ak—" bigla niya akong hinalikan ng mabilis, napatulala na naman ulit ako sa kanya, bat ba siya nanggugulat?!

"Oh...ito na chocolates mo..." Sabi niya kaya nagising ulit ako at kumuha na ng isang maliit na hugis heart na chocolate. Hindi ko minsan maintindihan si Arwin, paiba iba ng mood. Kaya mas mabuting wala munang gagawang ikagagalit niya.napalingon ako sa mesang katabi lang ng kama niya, napatayo ako, parang diary, kinuha ko iyun.

"Arwin? Ano toh?" Tanong ko sa kanya napatingin siya sakin

"Wala yan. Ibalik mo yan..." Malamig niyang sabi, susunod na sana ako kaso matigas ang ulo ko minsan,

"Diary mo toh noh?" Sabi ko sa kanya sabay tawa, kalalaking tao may diary? Korni ah!

"Wag mo yang pakealaman! Ibalik mo na yan!Wag mong bubuksan!" Sigaw niya sakin, nagulat nga ako eh kaso parang gusto kong tignan eh lalo na sa inaasta niya, kaya binuksan ko. At nagulat ako, hindi pala diary , album pala. At may mga litrato ko, lahat puro lirptrato ko.

HE KIDNAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon