Kabanata 12

88 9 4
                                    

Nahihirapan katawan ko umahon, hindi na din ako masyado makahinga. Feeling ko katapusan ko na, lord kukunin niyo na po ba ako? Wag naman po sana madami pa akong kasalanan sa mundo

Nakainom na yata ako ng tubig dito sa pool, di ko na alam kung meron bang umiihi dito nang palihim kasi ginagawa namin yun nung mga bata pa lang kami sa kids pool area. Pero iba na ngayon mga puro lagpas eighteen na andito. Dami ko pang iniisip hanggang sa malawan na ako ng malay.


Minulat ko mga mata ko at nakikita kong puti ang nasa taas. Akala ko pa naman sa ibaba punta ko, nice naman nakasagap pa ako kahit mga ilan porsiyento lang kabaitan ko.

I'm in heaven.

"Kai! Gising ka na pala" Dinig ko sa di kalayuan. Pagkalingon ko nakita ko si Freece humahawak ng kutsilyo at manga. "Here, eat this and good morning na din" dagdag niya pa.

"Anong nangyari? Patay ka na rin ba?" tanong ko sa kanya. Binatukan ako ng gago at sinasabi ko sayo ang sakit mangbatok toh.

"Hindi tanga! Nasa private ospital tayo nina Ash. Dinala ka dito after the incident kagabi" sabi niya. "Nag-aalala nga kaming lahat sayo eh pero mas mabisa yung nakita kong alala ni Alex kagabi, he was furious and almost killed that woman who pushed you. Good thing we stop him otherwise..."

Bumangon ako kahit nahihirapan, ang sakit ng katawan ko. Dumampi pa pala yung katawan ko kagabi sa ibabaw ng swimming pool. Pero nakakabago na ganun si Alex baka over acting lang tong bading na to.

Hindi naman siguro magagawa ni Alex yun.

"You're awake" dinig ko sa di kalayuan. Sumalubong sa akin sina Alex at Supremo. "Are you alright?" tanong ni Supremo.

"Okay naman buhay pa eh" ani ko. Supremo smiled and said it was a relief pero nakita kong ang pagkainis ni Alex. Nung nangyari dun?

"Siya nga pala matanong ko lang, ano nangyari kagabi? Pumunta ba yung coast guard?" tanong ko sa kanila.

"There was no coast guard Kai, Alex saved you." sabi ni Freece. Tinignan ko si Alex and he was just staring at me.

"A-ah thank you Alex." pagpapasalamat ko. "Salamat din sa inyo Freece, Supremo"

"Like I said we are not at school so call me Sean" tumango na lang ako ulit."We also bought you something to eat, here"

"Wala ba sa akin Sean?" Freece crossed his arms and Sean nodded. Pinalo siya ni Freece habang tawa tawa naman si Sean. "I'm kidding, meron naman dito" Freece glared at him. Kaya nakitawa na din ako. Pero parang awkward pa din dahil sa direksyon ko pa rin nakatingin si Alex.

"B-bakit?" tanong ko. He sighed and walked away like I did something horrible. Takte tampo yan. "Huy! San ka naman pupunta?" I asked before he closed the door.

"Pabayaan mo na, may iniisip lang yun" ani ni Freece.

Sunod sunod dumating na din sina Leonel at ang dalawang kambal. They were so glad na gising na ako and the look on their faces tells me na nag-aalala talaga sila sa akin. Ikaw naman kasi! Nag dive ka pa sa pool knowing na di ka marunong lumangoy!

Hindi ko naman kasalanan, may tumulak sa akin eh.

Sabi ni Ash mamayang hapon makakaalis na rin daw ako sa ospital and siya na din nagbayad. Hindi ko alam kung binayaran niya nga ba o hindi dahil sa kanila naman tong ospital na toh. Masaya naman ako na andito sila para sa akin. Mga nurses na din nagpalit ng damit ko kagabi bulong sa kin ni Freece.








Valle University Where stories live. Discover now