Kabanata 01

514 34 2
                                    

First day of school. Glad na naisahan ko yung principal nila dito sa University na to, sa sobrang galing ko natatakot ako na baka malaman ni Lola na dito ako nag-enroll sa all boys school tsaka hindi lang yun, lolo ko yung dean eh kaya natsempuhan ko pa.

He hasn't known na inenrolled ko sarili ko dito, and all I have to do to not get his attention is to avoid being caught by him!

After maibalik ko si Xyvier sa paglalaro aalis din naman ako agad. Isang misyon na dapat kong gawin.WAHHAHAA !

Goodluck sa akin! Kaya ko t-

"Aray!" reklamo ko dahil nadapa ako.Minasahe ko pa pwet ko sa lakas ng pagkatulak sa akin , sakit nun ha. Sino ba yung gagong tumalak!?

"I-I'm sorry.Here let me help you" instead na kahawan ko kamay niya para mapatayo ako, sinapak ko kamay niya tsaka tumayo mag-isa. I was about to roll my eyes when I suddenly remembered na baka mabugbug pa ako ng lalaking to, malaki pa naman ata biceps niya. Nako nako wag na lang. Aactivate natin muna yung talk-like-a-guy

"Wag na pre , kaya ko naman. Sige una na ako bye" sabi ko tsaka tumalikod. Hahanapin ko na sana dorm ko pero bigla naman siya nagsalita sa likod.

"Its okay bro. Are you new here? I can escort you to your room.This University is big , you might get lost" sabi niya.

"Ah okay lang talaga , alam ko naman kung saan hehe sige salamat na lang pre" naglakad na lang ako ng mabilis para di niya na siya mag-insist pa. Kung di niya lang alam na alam na alam ko na yung sa loob ng University na toh.

Palagi ako dito nung bata pa ako. Dinadala ako ni Lolo kadalasan nga lang dun lang ako sa office niya. May nakalaro din akong ka age ko nung 9 years old pa ako, meron kasing pang grade school dito and all boys pa rin.

Nakilala ko siya noon dito , boy unggoy tawag ko dahil nakita ko siya sa taas ng kahoy nagpapahinga. Una sinamaan niya ako ng tingin pero naging magkaibigan at magkalaro din kami puro nga lang siya english na english sa akin noon pero okay lang sa akin , at meron pa! Magaling din siya magspanish palagay ko nga pagnagsasalita siya ng ganun minumura niya ako. Ewan ko ba sakanya tapos tumatawa pa pagdi ko naintindihan.

Huminto ako sa room 116. Dito na ata dorm ko , nakalagay naman sa papel na binigay ng cashier na dito ako. Pumasok ako sa loob buhat buhat ang maleta ko , kung titignan ko lugar na to mabango tapos amo'y lalaki pa. Dahil siguro sa mga seniors noon na nakatira dito.

Niligpit ko bagahe ko at pumunta sa higaan. Papahinga muna ako saglit bigat ng dala ko. Ipinikit ko mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

***

Nagising ako sa tunog ng alarm kaya napabangon ako sa higaan, sa pagkaalam ko ay wala naman akong alarm clock kaya bigla napabuka ang mga mata ko sa gulat. Takte! Sa taas pala ang nag-aalarm. Actually dalawa higaan dito sa apartment at sa taas nito ang naririnig kong tunog.

Agad akong napalunok. Kung ganun hindi lang ba ako nag-iisa dito sa apartment!? May makakasama din ako? Hindi! Hindi maaari! Buysit oo nga pala, sa iisang dorm may kasama dapat.

Gagawin ko to para kay Xyvier !Huminga ako ng malalim tsaka pinakalma sarili ko.

Sino naman magiging roommate ko nyan?

Tumayo ako saka sumilip ng kaunti sa itaas, nakikita ko tong nakakumot at parang walang pake sa alarm niyang kanina pang nagwawala. Napamasahe na lang ako sa ulo ko, paano ko mapapatigil ang alarm niya ngayon?

Wala na akong maisip na paraan kundi ang damputin ang selpon niya na nasa tagiliran niya tsaka ito tinurn-off. Takte kala ko may alarm clock, application niya pala sa cellphone.

Valle University Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu