Wala sanang balak na harapin ni Emmanuel si Ruby ngunit hinawakan siya nito sa balikat na siyang kinahinto niya sa paglakad.

"Bakit?" malamig na tanong ni Emmanuel. Tumatak pa sa kanyang isipan ang pagtaksil nito kanila Elaine.

Natahimik si Ruby at napatingin sa kanilang paligid. Nang walang taong nakatingin, humarap siyang muli sa binata.

"Alam mo na ba kung nasaan sila Elaine?" tanong niya kay Emmanuel.

"Hindi ko alam," tugon ni Emmanuel at akmang aalis na ngunit hinarangan siya ni Ruby. "Anong problema mo?"

"Gusto kitang makausap. . ."

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa akin."

Ngumisi si Emmanuel. "Anong mapapala ko sa nangyari sa 'yo?"

Yumuko si Ruby at nahihiyang nagsalita, "Wala na akong matakbuhan kung hindi'y ikaw lang." Tumingala siya at awa ang pinakita niya sa binata, "Kailangan ko ng tulong mo."

𔓎𔓎𔓎𔓎

NAGHIYAWAN ang mga tao nang pumasok sa entablado ang dalawang kupunan. Sa kaliwang banda ang Emperor's Team at sa kaliwa naman ang Haakun Kingdom. Kanya-kanya ang suportang maririnig sa mga manonood at napapasigaw pa sa tuwing lilingon sa kanila si Twilight.

Si Twilight ang isa sa pambato ng Haakun Kingdom, pagdating sa larangan ng pakikipaglaban. Isa rin ito sa pinakalamalakas na mage sa buong South-West Land. May aking kagandahang lalake rin ito na mapagmamayabang kaya ang mga kababaihan ay nahuhumaling sa kanya. Sa likod ng papuring natatanggap niya, ang binata ay may isang pinagmamalaki sa lahat, ang kanyang loyalty sa kanyang bayang sinilangan.

Dahil lumaki ito sa pamilyang assassin. Kasama niya sa lahat ang dalawa niyang katana na nakalagay sa likuran niya. Lagi niya itong ginagamit at pinapatunayan na hindi lamang sa larangan ng mahika siya malakas, kung hindi sa larangan ng swordsmanship. Kaya ang tawag ng karimahan sa kanya ay Master of Swords o hindi kaya'y Lord of Darkness.

Sa kabilang banda naman, ang pinagmamalaki ng Emperor's Team, na makukumpara kay Twilight ay si Equinox Hidalgos. Gaya ni Twilight, bihasa rin ito sa paggamit ng dark magic. May titulo itong Prince of Darkness at nakitaan ng potensyal na mamuno gaya ni Lunar. Maraming nagsasabing kaya niyang lagpasan ang kanyang kapatid ngunit pinanatili ni Equinox ang pagiging loyal sa bayang sinilangan.

Napatigil sa paglakad ang dalawang kupunan at napatitig sa isa't isa. Mas lalong nag-init ang presensya nang magkatitigan sila sa mata sa mata. Walang dudang sila ang maghaharap kapag nagsimula ang tunggalian.

Samantala, habang ang dalawang pinakamalakas na grupo ay naglalaban, nanonood sa pribadong silid si Elaine. Kailangan niyang matutukan ang dalawang bihasa sa dark magic dahil ang nakaposas sa kanyang pamilya ay gawa ni Lunar na isang dark mage.

Ang Dark magic ay kabaligtaran ng Light magic. Kung ang light ay mas mabilis pa sa hangin, ang dark ay kasing bagal nang pagtubo ng isang halaman. Para malutas ang mabigat at mabagal nitong katangian, hinahalo nila ito sa mga armas, iba pang magic attributes, at kagamitan na kapag umatake, mabibigyan nila ng bilis ang dark magic. Karamihan sa mga dark mage ay mga Legend Mage. Katulad na lamang ni Lunar na hinalo niya ang dark magic sa fire magic.

Kapag pagbabasihan naman sa lakas, mas lamang ng singkwentang pusyento ang dark magic kaysa sa iba pang magic attributes. Mas mahirap pa itong pag-aralan dahil sa pagiging singularity at naiiba sa ibang attributes. Kaya gano'n na lamang nirerespeto ang mga dark mage. Iilan lamang ang kaya itong magamit dahil kapag hindi mo ito napag-aralan, ikaw mismo ang kakainin nito papunta sa kadiliman.

I'm a Ghost in Another WorldWhere stories live. Discover now