Chapter 46

748 36 4
                                    

Chapter 46: Teams Around the Realm

KINABUKASAN, muling nagkita sila Elaine at Princess Haruna sa gabi ng kabilugan ng buwan. Kasama niya sila Cielle at Pinunong Sol, at sila'y hinatid nila Pinunong Wol, Serena, at Guillermo. Naghabilin lang ng ilang paalala si Pinunong Wol sa kanila. Nangako naman sila si Guillermo at Serena na aalagaan nila ang nayon. Umalis sila sa pamamagitan ng teleportation ni Karlo at tumungo sa Olga Kingdom.

Nasa sala sila ngayon at tumambad sa kanila si Captain Alaric na nakahalukipkip at seryoso ang tingin. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Elaine at napangisi.

"Sa pustura mo, mukhang may ibubuga ka na?" saad ng kapitan.

Ngumisi si Elaine bago tumugon, "Ang nais mong mahasa ako, para sa isang buwan mo pang pagsasanay ay nagawa ko na."

Tumayo ang kapitan at pumamulsa. "Good. Bukas na bukas ay magsasanay tayo."

Nilibot ng tingin ni Elaine ang paligid na animo'y may hinahanap.

"Nasaan sila Rai at Ruby?" tanong niya.

"Nagpapahinga sila ngayon dahil napagod sila sa pagsasanay sa amin ni Princess Haruna."

Umupo ang dalaga at inabutan siya ng tsa a ni Karlo. Gano'n din ang ginawa kay Cielle. Samantalang si Pinunong Sol, kinakausap ang guardian.

Humarap ang dalawang pinuno sa kanila at biniling lalagyan ng anti-magic barrier ang palasyo. Ginawa ito ni Pinunong Sol at dahil sa laki ng palasyo, halos kalahati sa kanyang mana ay nawala kaya agad siyang nagpahinga.

Nang hating gabi'y nanatiling gising sila Elaine at Cielle. Magpapahinga na sana si Elaine ngunit kinulit siya ni Cielle na libutin ang palasyo. Wala siyang nagawa kung hindi'y sumunod dito.

Kasalukuyan silang naglalakad sa gilid ng palasyo. Habang naglalakad, napapalingon si Elaine dahil nakabuntot sa kanila si Captain Alaric. Nasa unahan nila si Cielle na abala sa pagkamangha sa nadadaanan nila.

"Hindi ka ba magpapahinga?" tanong ni Elaine at binagalan ang lakad para magkasabay niya ang kapitan.

"Ikaw din ba? Wala ka pang pahinga," tugon ng kapitan.

"Hindi ako makakatulog sa pangungulit ni Cielle."

"Sino ba si Cielle?"

Sabay na tumingin ang dalawa kay Cielle na may sariling mundo.

"Siya'y isang multo rin ngunit maniniwala ka bang isa rin siyang guardian at kapatid ko?"

Pinagmasdan ng kapitan si Cielle mula ulo hanggang paa at nakitang magkahawig sila ni Elaine.

"Walang dudang kapatid mo siya—kung pagbabasehan sa hitsura— ngunit kung siya ang guardian? Anong kagubatan ang sakop niya?" - Alaric.

"Spirit Woodland." - Elaine.

"Hmm. . . I see." - Alaric.

"Maaari mo bang ilihim 'to sa mga nakakasama natin? Ang may alam lang nito ay si Princess Haruna at Pinunong Sol. Sinasabi ko sa 'yo ito dahil mukhang hindi mo ako titigilan hangga't hindi mo nalalaman. Sumunod ka ba para itanong 'yon?" - Elaine.

"Oo at maliban do'n, gusto lang kita makasama." - Alaric.

Bahagyang nagulat ang dalaga at lumihis ng tingin. "Bakit mo ako gustong makasama?"

"Baka nakakalimutan mo, binabayaran pa rin ako para mabantayan ka."

Nakahinga ng maluwag si Elaine at mapait na ngumiti sa kapitan. "O-oo nga pala, nakalimutan ko."

Ang kanilang pagmumuni ay napuno ng pagbahagi ng kapitan tungkol sa magaganap na pagpupulong mamayang umaga, sa tournament. Ibinahagi rin nito ang kanilang plano at sumang-ayon naman ang dalaga.

I'm a Ghost in Another WorldΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα