"Earth Creation Skill, Artifact Sword," enkantasyon ng isa sa mga kalahok ng Harold Kingdom. Ito ay ang nag-iisang babae sa kanila na si Princess Sofia Harold. Unti-unting lumapit ang maliliit na bato sa kanang kamay niya at humulma ito ng isang espada na may simbolo sa talim. Inangat niya ito at pinuwesto ang sarili para sumugod sa kanyang katunggali na sila Heart at Ace.

"Fire Creation Skill, Uriel's Flaming Sword," bitaw namang enkantasyon ni Heart at nagkaroon ng hulmang espada sa kanang kamay niya.

"Wind Creation Skill, Sword of Zephyr," saad naman ni Ace. Lumitaw ang hanging malakas sa kanang kamay niya at lumitaw dito ang hanging espasa.

Nagkatitigan silang tatlo at pinapakiramdaman ang sarili kung sino ang unang susugod para lumaban.

Sa likod ni Princess Sofia, humangin ng malakas dahil sa sagupaan ng iba pa niyang kalahok laban kanila Diamond, Club, at Spade. Nagkaroon ng debris sa kanilang paligid ngunit hindi ito naging dahilan para hindi nila maalis ang tinginan sa isa't isa ng kalaban niyang dalawang dalaga.

Ngumisi si Sofia at mahinang natawa. "Isa laban sa dalawa? What a shame and cowardice!"

Mahinang hinawi ni Heart ang apoy niyang espada sa hangin at tumindig. "Hindi ko maintindihan ang punto mo. This is a battleground. It doesn't matter if it's 2 vs 1. Winning is the main objective here."

"Tsk!" Dinuro ni Sofia ang espada niya sa dalawa, "Kahit magsama pa kayo, hindi niyo ako matatalo."

Natahimik saglit ang kanilang pag-uusap bago nasundan ng mahinang tawa ni Heart.

"Ngunit natalo kayo sa Anastasia Kingdom. O sabihin na nating. . . natalo ka kay Emmanuel na isang fire mage. Natalo ng isang earth mage ang fire mage? Nakakatawa." 

"Tahimik!" angil ni Sofia na nagpatigil kay Heart. "Tahimik, tahimik, tahimik!" Pinuwesto niya ang sarili at sumugod.

Napabuntong-hininga si Ace at mabilis na sinalag ang espada ni Sofia. Nagkagitgitan ang kanilang mga espada at masamang tingin sa isa't isa.

Naramdaman ni Sofia ang paglitaw ni Heart sa likod niya kaya agad siyang lumiksi at iniwasan ang dalawa. Nagtuloy-tuloy ang labanan ngunit ni hindi niya masira ang depensa at opensa ng dalawa.

Samantala, nahiwalay si Spade kanila Club at Diamond. Sinabihan niya itong sila na ang bahala sa tatlo pang kalahok dahil lalabanan niya mag-isa si Nathan— isang Legend Mage na may affinity ng Fire at Earth. Mabilis siyang tumakbo papunta kay Nathan at sinipa ito ng napakalakas. Tumakbo siyang muli at sinabayan ang pagpigil ni Nathan sa pagbulusok.

Nang makatayo si Nathan, lumitaw si Spade sa harapan niya na may kalayuan ang distansya. Ngayon, nasa gitna sila ng labanan nila Ace at Heart laban kay Princess Sofia, at Diamond at Club laban sa tatlo pang kalahok. Walang naging usapan sa pagitan ng dalawang kalalakihan at sumugod si Nathan gamit ang bilis niya.

"Fire and Earth Skill, Lava Magic!" enkantasyon ni Nathan at nagkaroon ng lava sa paanan ni Spade.

Nakatalon ng mataas si Spade at tinapat ang kamay niya kay Nathan.

"Icicle Shot," mahinang sambit ni Spade at lumikha ng maraming patusok na yelo.

Bumulusok ito kay Nathan na agad naman nitong napansin at nag-enkantasyon, "Earth Skill, Stonewall!"

Lumapag ang Icicle shot ni Spade sa nilikhang stone wall ni Nathan. Nang mawala ang stone wall, ang siyang litaw naman ni Spade sa harapan ni Nathan.

Nagulat si Nathan at hindi agad nakahilag sa suntok ni Spade sa kanyang mukha. Sa lakas ng suntok, tumilapon siya.

"Kaasar!" singhal niya at tatayo sana sa pagkakalugmok nang lumitaw muli si Spade sa harapan niya at binigyan siya ng sunod-sunod na suntok. Mas lalo pa itong sumakit nang maramdaman ang yelo sa kamao ni Spade.

I'm a Ghost in Another WorldKde žijí příběhy. Začni objevovat