5: Nang dahil sa isaw

Magsimula sa umpisa
                                    

Nung tapos na ako maligo, nagbihis na ako syempre. Alangan namang mag burlesque ako? Ano yun? Live show lang ang peg? 

"Hmm. Anong pwede gawin?" Tanong ko sa sarili ko. "Aha! Magta-tumblr muna ako. Tama." Kinuha ko na laptop ko at nagtumblr. 

Scroll. Scroll. Reblog. Scroll. Scroll. Reblog. Reblog. Scroll. Reblog. 

Yan lang yung ginawa ko. Maya-maya din, nabored na ako kaya nag log-out na ako at in-off yung laptop. Matutulog na lang muna ako.

*

Gabi na nung nagising ako, mga 6:30 pm ata. Bumaba na ako para kumain. Saka ko lang naalala na wala nga palang ulam, kelangan ko pang magorder.

Since tinatamad ako magorder, dun na lang ako sa isawan kakain. Di naman ko mapili sa pagkain eh kaya okay lang tsaka masarap yun! Mura pa. Oh, san ka pa?

~Travis~ 

Naglalakad-lakad lang ako ngayon dito sa subdivision, wala lang, boring sa bahay eh. 

San ba pwede pumunta? Sa park? Sige, dun na lang. 

Lakad. Lakad. Liko. Lakad. Ayun! Park na. Hehe. Umupo ako sa bakanteng swing, may katabi akong babae pero di ko kita mukha niya. Naka-yuko kasi siya tapos parang nasa tiyan niya mga kamay niya, mahaba buhok niya kaya natatabunan mukha niya. Familiar yung figure ng katawan niya, pero hayaan na! Haha.

"Arrgh. Sakit..." 

Napa-tingin ako sa babae. Familiar yung boses niya, pero parang may iba.

"Ang sakit sakit. Aaaah...." 

Ano? Ano ba ang masakit? Aish. Dahil sa mabait at pogi ako, tumayo ako at umupo sa harap nung babae. Yung upo na di nata-touch nung pwet ko yung lupa.

 
"Miss, ano bang masakit? Kelangan mo ng tulong?" 
Tanong ko dito sa babae, sabi sa inyo eh! Mabait ako. 

"Sakit... Araaaay...." Reklamo ulit niya.

"Alin nga ang masakit?" Tanong ko ulit.

Inangat nung babe yung mukha niya, naalis yung mga buhok sa mukha niya. Wait....

Bangs - wala

Wavy hair - check

Pananamit - di makulay

"MIA?!" 

Pero imbes na sagutin ni Mia yung mga tanong ko, nilapit niya mukha niya sa akin. Yung pang kissing distance ba. Diba dapat lalake gumagawa nun? Argh. Trip neto?

"M-mia? A-alam kong pogi ako, p-pero si L-lia ang g-gusto ko. Pag makita tayo nun baka maturn-off  sa akin yun." Sabi ko sa kanya habang nilalayo mukha ko.

Ako si Mia.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon