WYBMT 24

601 31 2
                                    

Izza prank! Na-prank ko kayo syug, 101% prankster na ako.
--
"Thank you for coming!"

Umupo muna ako saglit para magpahinga dahil ginuhol ko ang oras ko kakatrabaho rito sa Vanry. Si Vanana naman ay pumasok at maya-maya pa ang uwi.

Nandito siya kaninang break time niya, pero sakit ng ulo lang ang binigay sa akin.

"Kapag ba naging hotdog ako, baby, mamahalin mo pa rin ako?"

Napasapo ako sa noo ko dahil sa tanong niya. Here we go again.

"Alam mo Vanana, 'di ko alam kung ano'ng nangyari sa 'yo. Simula no'ng nanligaw ka, ganiyan ka nang ganiyan. Wala na, hindi tuloy ako unique." inirapan ko pa siya.

"Ayaw mo no'n? Ako sumisira sa pagiging unique mo." ngingisian niya ako bago ako hinalikan sa labi. "Alis na 'ko, I still have work."

"Aba't-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nakalabas na siya.

Dumaan sa tabi si Andrew, barista rito, umiiling-iling. "Isang Syfery pa lang Ma'am masakit na sa ulo, magiging dalawa pa, nako!"

"Pinagtutulungan niyo ba em?!" sigaw ko, pero nagtawanan lang sila.

"One medium Iced Cappuccino, Syfery." bumalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ni Agatha.

Oo, si Agatha na ex ni bebe que, bebe que.

"That will be 220, Agatha." mariin kong sabi.

There's something in me that I don't want to see nor hear anything about Agatha.

I've never felt this to anyone before. Even in my past relationships.

I feel threatened.

Huminga ako ng malalim bago kunin ang tray na naglalaman ng cappuccino at naglakad papunta sa kaniya. Nakaupo siya sa pinakadulo, nagse-cellphone.

"Here's your order." tipid kong sabi sabay bigay ng order niya.

Aalis na sana ako nang higitin niya ang braso ko para pigilan ako.

"Sit down, Syf, let's talk."

Tinitigan ko siya dahil doon. Talk about what? I thought we were already done with each other. Napakawalan na niya si Vana, ano pa ba'ng gusto niya?

In the end, I sat in front of her, breathing heavily.

"What do you need, Agatha?"

She smirks at me and tilts her head. "Your body screams nervousness, Syf. Relax, I don't bite."

Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kaniya. "What do you need, Agatha?" ulit ko sa tanong ko.

"What if I tell you that I need my Vanadis?" she casually asked and sipped on her drink.

Gusto kong tumayo like sa mga movies, pero baka makuha ko attention ng ibang customers dito. Instead, I stared at her.

"Leave us alone, Agatha. Masaya na kami, ano pa ba gusto mo?" mariin kong sabi.

"Relax, I'm just joking. How's Vanadis?"

I'm forcing myself not to create a scene. Ang lala na talaga ng anger issues ko, idagdag mo pa 'tong espasol na model na 'to.

"She's fine, we're fine and we're happy."

She showed me her amused smile. "Then why do you sound and act like you're threatened by my presence?"

"You already stole her from me, Agatha. And I won't let that happen again. Baka gawin mo ulit 'yon, and I'm just protecting what is mine." pabulong kong sabi sa kaniya.

Will you be my tomorrow?Where stories live. Discover now